Chapter 29

8.7K 229 4
                                    


Michael



Anim na buwan na ang nasa sinapupunan ni Dette. At kahapon nga nalaman namin na lalaki ang magiging panganay namin. Dapat next month pa yung second ultrasound niya para sa gender ni baby kaso hindi ko na mahintay pa ang isang buwan. Sabi naman kasi five months ang tiyan pwede na malaman yung iba ginagawa nilang seven months nagpapa ultrasound para sure na sure talaga yung gender. Pero sa sobrang excited ko napilit ko din si Dette na malaman na agad namin kung ano nga ba si baby.







"May naisip ka na ba na pangalan ni baby?"


Nakangiting tanong ni Dette sa akin. Andito kami sa bahay na binili ko din noong isang buwan. Hindi malayo sa company at nagustuhan din naman ni Dette kaya binili ko agad. Ngayon nga ay nag aayos kami ng kwarto ni baby. Pagkagaling namin sa OB niya at ng malaman na lalaki si baby dumiretso agad kami sa mall para mamili ng gamit niya. Sa sobrang dami naming binili pinadeliver ko pa yung iba kasi hindi kasyang sa sasakyan ko. Ayaw nga sana ni Dette na mamili ng kung ano ano kasi saglit lang daw naman na magagamit yung iba,ang mahal mahal pa pero Villaluz ako ibibigay ko lahat para sa anak ko. Walang makakapigil sa akin na ibigay lahat ng luho nito.







"Xenon Michael" Sabi ni mommy yun naman daw dapat talaga ang ipapangalan niya sa akin kaso nasunod yung sa pangalan ng dalawang lolo ko. Kaya parang sinunod ko na din siya sa pangalan ko.






"Buti hindi Ethane Michael?"







"Naisip ko din yan kaso ang hirap bigkasin."







"O kaya Michael Cyanide o Michael TriNitroToluene"








"Bakit parang mga pampasabog naman halos ang idinugtong mo sa pangalan niya?"







"Eh doon naman kasi siya nabuo sa pagpapasabog mo sa loob ko"








Hindi ko na napigilan na hindi humagalpak ng tawa. Ang adik lang talaga niya. Pagpapasabog talaga yung term na ginamit niya. Ang kulit.









"Akala ko nasa chemistry tayo bakit napapunta sa pagpapasabog ko? Ikaw Dette huh.. miss mo na ano?"









"Hindi ahh"





Pero yung mukha nito namumula naman. Ilang linggo na din nga nung huling ginapang ko siya. Medyo malaki na kasi tiyan niya at natatakot ako na baka maipit ko si baby. Sabi naman ng OB niya pwede pa naman daw kaso alam ko ang epekto sa akin ni Dette. Nakakalimot ako lagi at baka makalimutan ko din na buntis siya at maging marahas ang magiging pagkilos ko.







"Strict ang parents ko eh. Kailangang magpakasal ka muna sa akin bago may mangyari ulit sa atin"






Sabay kindat ko sa kanya na ikinabigla niya. Ayaw pa kasi na pag usapan ang kasal. Si baby muna daw.







"Wow hiyang hiya naman ako sa pagkastrict nina Mommy at Daddy" Lumapit ito sa akin. Hinaplos ang mukha ko. Parang hindi ko gusto ang paraan ng pagkakangiti niya sa akin ngayon. Parang may kalokohan na iniisip ito. "Sabagay ok lang naman na sundin mo sila Michael. Baka sa sobrang masunurin mo baka lalo talagang hindi ka maka score kahit kailan"







"Pero ok lang naman kay Mommy at Daddy yun. Tara na sa kwarto. Sundan na agad natin si Xenon agad agad." Hila ko sa sa kamay nito. Ang baliw lang talaga ang babaeng mahal ko. Yung tipong nagagawa niya akong paikutin sa kamay niya ng ganun lang.






"Adik" Yumakap siya sa akin " Pero Michael hindi mo naman kailangang magpigil kung gusto mo. Akala mo ba hindi ko napapansin yun? Willing naman ako lagi para sayo. Sabi ni Doc ok lang naman daw basta ingat lang. Ilang buwan pa bago ako manganak. Ilang buwan din na recovery bago maging pwede na mapagbigyan ka. Ayaw ko naman na matagal kang kamay na naman ang magpapaligaya sayo. Kaya habang ngayon na pwede pa. Sulitin mo na lang." Hinalikan nito ang tenga ko. Pababa sa may leeg ko. "At tama ka miss ko na ikaw sa loob ko" Medyo nang aakit pa ang tono ng boses nito.








"Mahal ko.." Napapikit na lang ako. Dalang dala na ako sa ginagawa niya. "Baka kasi masaktan kita. Baka mapaano si baby."







Hinila na niya ako papunta sa aming silid. Pagkapasok na pagkapasok ay agad nitong hinubad lahat ng suot nito at dumiretso agad sa kama. Hindi ko na magawang pigilan pa ang binuhay niyang init ng aking katawan.







"Alam ko naman na hindi mo ako sasaktan. Kami ni baby. May tiwala ako sayo"







Humiga na si Dette sa kama. Agad din nitong pinaghiwalay ang kanyang dalawang hita. At yung natitira kong pagpipigil sa aking sarili ay nabalewala na nung pagmasdan ko ang kanyang kaangkinan. Ang swerte ko kasi ang sexy sexy pa din niyang tingnan kahit may kalakihan ang tiyan niya. Yung epekto niya sa akin ay parang mas dumoble pa ata. Agad ko siyang kinubabawan. Masuyo kong hinalikan ang kanyang mga labi. Masuyong paghalik sa buong katawan niya. Kailangan kong magdahan dahan sa aking pagkilos kasi kahit nagpatianod ako sa kanyang pang aakit gusto ko pa ding mag ingat.







"Huwag mo akong isusumbong sa magulang ko. Kasal muna nga kasi dapat"








Natawa na lang din si Dette. Kakaalis ko lang sa ibabaw niya. Kakatapos lang ng dahang dahan at maingat kong pag angkin ko sa kanya. Sabi niya kanina habang gumagalawa ako sa ibabaw niya. Parang ang bait bait ko daw. Hindi daw ako ganun sa kanya. Pero masarap din daw pala ang ganun. Kaya ipagpatuloy ko lang daw. Ang baliw lang talaga niya.









"Magpakasal na tayo kahit sa huwes lang. Payag na ako"








"Seryoso?!"







Ayaw niya kasi talaga muna. Kahit nga nagtampo na ako noon ay hindi ko na siya napilit pa.









"Ayaw mo?"






Kakaiba na naman ang ngiti nito. Parang simula ata ng nabuntis ito nadagdagan lalo ang pagkabaliw.







"Wala akong sinabi. Tara na. Hahanap tayo ng magkakasal sa atin"








"Bukas na lang. Inaantok na ako"








"Dette.."






Baka kasi magbago na naman ang isip nito. Pero mukhang antok na nga talaga ito. Napagod din ata.









"Bukas na mahal ko. Promise hindi magbabago ang isip ko. At sa tingin mo ba papakawalan pa kita?"






Antok na antok ang boses nito. Ang kulit lang talaga. Tumabi na ulit ako sa kanya at niyakap ito. Sabagay isang araw na lang naman ang hihintayin ko. Bukas na yung katuparan ng pangarap ko. Ang makasal sa babaeng mahal na mahal ko.







_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now