Chapter 12

14.4K 278 10
                                    


Michael

Nakaupo kami sa may buhanginan. Hinihintay namin ang paglubog ng araw. Nasa harapan ko si Dette at komportableng komportableng nakasandal sa akin. Katatapos lang din naming maligo sa dagat. Kung ako lang ayaw ko ng lumabas sa cottage namin. Gusto ko lang na laging iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi pa ako sigurado kung pagmamahal nga na matatawag ito kasi hindi ko pa naranasan kahit kailan ang pagmamahal na sinasabi nila.






"Hindi ko alam kung anong maganda sa paglubog ng araw. Kung bakit madami ang gustong gustong makita yun." Seryoso kong sabi habang ang kamay ko ay hinaplos ang balikat niya pababa sa braso niya hanggang sa paghugpungin ko ang aming mga kamay "Mas maganda pala siya depende sa kung sino ang kasama mo. Normal lang naman talaga ang pagsikat at paglubog ng araw. Pero dahil kasama kita ngayon mas makabuluhan. Parang ang sayang isipin na sa lahat ng paglubog ng araw na mararanasan ko sa buhay ko ikaw ang kasama ko. Ikaw ang kayakap ko."







"sa lagay na yan parang mahal mo palang ako" Naramadaman ko anh medyo pagpisil niya sa mga kamay ko "Paano pa kaya kung mahal mo na ako? Baka hindi ko na makaya lalo ang mga pagpapakilig mo"






Hinalikan ko siya sa may bandang batok niya. Kahit siguro ilang ulit naming ginawa kanina hindi ako mauubusan ng lakas para paligayahin lang si Dette.








"Mana siguro ako sa Lolo Ethan ko. Kung magmahal eh patago." Tinigil ko ang paghalik na ginagawa ko kasi alam ko na pagod pa siya. "Pero kahit hindi pa ako sigurado kung pagmamahal na talaga ito atleast ikaw lang ang naiisip ko na makasama. Simula ng mangyari sa atin dati hindi ko na nagawang makipaglapit pa sa ibang babae. Ang tangi ko lang gusto noon ay ang mahanap ka. Hindi para maulit kung ano man pero alam ko na sa pagtatagpo natin may binuhay kang emosyon sa akin."





"Pero Michael mahirap sumugal sa walang kasiguraduhan. Baka sobrang hulog na ako hindi pala tayo parehas ng nararamdaman. Baka nga nabigla lang ako kanina sa set up na ito." Medyo humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Dette. Hindi pwede. Isipin pa lang na iiwas pa lang siya parang mababaliw na ako. "Baka nadala lang ako dahil solo natin itong lugar. Nadala ako ng masyadong malapit natin sa isa't isa. Nadala ako ng init na binuhay ng paglalapit ng ating katawan. Kaya naisantabi ko ang takot na nararamdaman ko. Pero Michael sana hindi ka matagalan na bigyang pakahulugan ang iyong nararamdaman. Mahirap kasi yung parang mahal mo ako. Na parang tayo. Kasi iniisip ko pa lang, masakit siya. Buti sana kung may parang sakit lang. Papayag ako na matagalan itong parang tayo natin"






Hindi ko namalayan na nakalubog na ng tuluyan ang araw. Yung kadiliman ng paligid ay parang naglalarawan sa kung ano din ang relasyon naming dalawa.







"Dette, sa tingin mo ba sasaktan kita?" Umalis siya sa pagkakayap dito at iginiya sa pagtayo ang dalaga. Gusto niyang makita ang mukha ni Dette. Ang mukha ng babaeng naging laman ng panaginip ko nitong nakaraan. Ang babaeng masulyapan ko pa lang eh sobrang saya na sa aking pakiramdam. "Oo hindi ako sigurado kung anong tawag sa nararamdaman ko sayo. Pero sigurado ako sayo. Kung hindi pagmamahal ang tawag sa nararamdaman ko sayo. Kung hindi pagmamahal na ikaw lang tanging nakakagawa na mapasaya ako sa simpleng ngiti mo. Kung hindi pagmamahal yung ikaw lagi ang laman ng isip ko. Kung hindi pagmamahal ang tawag sa gusto ko laging makita kang masaya. Kung hindi pagmamahal yun ayaw ko ng magmahal pa"






"Michael.."







"Kung ano man ang nararamdaman ko. Mas panghahawakan ko yun kesa kung ano ang tawag dito."








Niyakap ako ni Dette. Akala ko iiyak siya. At parang hindi ko na naman kakayanin yun. Kaninang seryoso siya na parang nagdududa at parang gustong tapusin kung ano man ang aming relasyon parang tumigil ang pag inog ng mundo ko. Kahit ang paglubog ng araw nabalewa na din. Anong silbi mg lahat ng nangyayari sa paligid ko kung wala naman sa tabi ko ang babaeng sa saglit na panahon ay naging mundo ko. Wala akong pakialam kung anong tawag sa nararamdaman ko. Basta hindi ko papakawalan ang babaeng ito. Maubos na lahat ng salitang pwedeng itawag sa nararamdaman ko pero mananatilil yun na kay Dette ko lang yun mararamdaman. Pag may label posibleng tapusin. Kaya ok na ako na ganito kami. Walang tatapusin.




Bernadette

Sabi nga sa mga nabasa ko. F*ck Label. Hindi na ako nakapagsalita pa after ng mga sinabi ni Michael. Niyakap ko na lang siya. Hindi na din ako makatingin talaga sa kanya. Nakakahiya kasi. Parang pinagdududahan ko siya sa nararamdaman niya. Hindi pa ba sapat nga yung effort niya? Yung paghihintay niya? Masyado kong inalala na masasaktan ako ng dahil sa kanya pero hindi ko naisip na parang wala namang kakayahan si Michael na gawin yun.




"Kain na tayo"


Hanggang sa buhatin niya ako pabalik sa cottage namin hanggang sa pag aasikaso niya ng hapunan namin ay nanatili ako na hindi nagsasalita.






"Iiwan mo pa ba ako?"



Seryosong sabi ni Michael. Since tanong yun wala akong choice kundi ang sagutin siya. Sa lahat ng sinabi niya kanina parang nawalan ako ng lakas na magsalita. Yung emosyon sobrang hindi ko kinaya.





"Wala akong sasakyan kaya hindi kita maiiwan"





Pigil ang ngiti ko sa itsura ni Michael. Parang nalugi ang negosyo nila sa itsura niya ngayon.





"Kung meron pala? Kanina ka pang umalis?"





"Kung meron man" Hindi na niya napigilan na mapingiti. "Papayag ka ba na iwan kita? At wala akong balak. Pero kung gusto mo kahit hindi ako marunong magmaneho aalis ako para sayo"








"Bakit ba nakakalimutan ko na medyo baliw ka?"






Saka pa lang ito ngumiti. Baliw ako. Nakakabaliw itong kaharap ko. Perfect combination.






"Pag kinasal tayo" Medyo napatigil siya sa pag nguya. Kasal talaga? "Hindi talaga kita pag aaralin na magdrive. Para hindi mo ako iwan"






"Ano yun parang kasal din?"



Biro niya dito. Sobra sobra na yung emosyon na sinabi niya kanina. Yung puso ko muntik ng kumawala kanina. Kaya ang salitang kasal ay hindi niya pa kakayaning pag usapan ngayon.





"Meron bang ganun?" Nakangiti sabi ni Michael. Ang gwapo niya talaga. Ano kayang ginawa kong kabutihan nung nakaraang buhay ko para bigyan ako ng ganitong klaseng lalaki? "Pero isa lang ang sigurado ko. Hindi parang honeymoon ang gagawin natin mamaya"



Tapos kinindatan ako. Buti napigilan ko na mapanganga sa sinabi niya. Baliw lang din talaga ito.


_casper_

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon