Chapter 10

15.3K 294 17
                                    

Bernadette




Halos isang oras na din kaming bumabyahe pero hindi pa din nagsasalita si Michael. O naaasar ito kasi ang bungad ko sa kanya kaninang sunduin niya ako ay kung kamusta ang palad nito. Napipikon na siguro. Pero ang cute lang din kasi ng itsura niya. Yung tipong kayang kaya naman niya akong ikulong sa unit ko para maangkin niya ako pero hindi niya magawa dahil usapan namin yun. At bakit ba kasi ako pumayag? Dette pigilan mo ang sarili mo.







"Saan ba kasi tayo pupunta?" medyo seryosong sabi ko para kahit papaano sindakin tong supladong lalaking ito. "Kanina pa ako nagtatanong sayo tas hindi mo ako sinasagot. Ibaba mo na lang kaya ako"






"Ako nga isang buwan na akong nanliligaw. Sinagot mo na ba ako? Eh kung sabay na lang kaya tayong bumaba?"






"Hoy iba yung pagsagot ko sayo at pagsagot mo sa akin"




Hindi ko alam kung seryoso si Michael sa sinabi nito eh kasi naman yung sabay na lang daw kaming bumaba eh panggulo lang. Bakit kasi ganito kagulong kausap ang lalaking ito.






"Parehas lang yun. Tinatanong mo ako kung saan tayo pupunta? Saan nga ba? Sa pagsagot mo sa akin doon tayo pupunta"






"Sabagay pag sinagot kita ng No. Pagsagot din naman yun di ba?"






"Sa beach house namin tayo pupunta. Ok na ba?"






"Sasagot din naman pala."





Nginitian lang niya ito pero ayun seryoso lang ito sa pagmamaneho. Iniisip ba niya na "No" ang sagot ko sa kanya kaya siya seryoso? Hello? May nangyari na sa amin. Mabait siya at gwapo din naman. Sa ilang buwan nitong panunuyo inaamin ko na bumaba na ang depensa ng puso ko para sa lalaking ito. Kung hindi man kami parehas ng nararamdaman at magkaiba kami ng konsepto ng panliligaw niya. Handa akong masaktan banda banda diyan. Atleast nagtry akong umasa.







"At Dette pwede ba. Nakikiusap ako na kung wala kang balak na sagutin ako sa panahon ngayon huwag mo naman akong masyadong akitin. Hindi naman ito kandila na ititirik mo lang tas wala kang balak hipan"




Andito na kami sa resort. At nung nakita ko yung dagat kanina. May biglang pumasok sa isip ko. Kung paanong sinisid ako nitong lalaking ito nung minsang malapit kami sa dagat. At medyo hindi nakakatulong na isipin yun lalo na at solo lang kami sa bahay na ito.




"Kandila talaga?"





"Oo. Pinag init mo lang pero ako ang natunaw"






Seryosong sabi nito. Ang gwapo niya talaga. Kaya sino ba ako para hindi ako mahulog?







"Pag iisipan ko Michael." Lumapit ako dito at hinaplos ang mukha nito. "Saka sabi mo maghihintay ka di ba?"






Akmang ilalapit nito ang mukha sa kanya ng ilayo niya ang katawan dito. Pagod pa ako sa byahe. At ang uumpisahan nito na halik ay nakakapagod na ang mga susunod. Lalo na ngayon? Mukhang makakaihip na siya ng kandila.








"Magpapahinga lang ako sandali. Tawagin mo na lang ako maya."






Mabilis niyang sinara ang pinto hindi para protektahan ang sarili kay Michael. Kung para protektahan ang sarili ko para ipagkanulo mismo ng katawan ko. Nung pumayag siyang sumama kay Michael alam ko na babalik kami na may sagot na ako sa kanya. Yung tiwala ay isa sa pundasyon ng pagmamahal. Yung pagsama ko sa kanya ay nagtitiwala na din ako sa kanya. Pinagkakatiwala ko ang sarili ko. Ang pagmamahal ko at kalakip noon na posibleng masaktan din ako. Pero andito na ito. Gusto kong isugal yung nararamdaman ko para sa lalaking unang naka angkin sa akin. Para sa lalaking unang nagparamdam sa akin na importante ako. At para sa lalaking binibigyan ako ng oras para lang mapasaya. Sino ba ako para hindi subukan ang isang relasyon kasama siya?




UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon