Chapter 8

15.1K 306 28
                                    

Bernadette

Akala ko nung umiyak ako kanina. Ihahatid na niya ako. Akala ko maawa na siya sa akin at kahit papaano titigilan na niya ako. Kaso hindi nagsalita si Michael pagkatapos. Tahimik lang siyang nagdrive at ayun andito kami ngayon sa isang restaurant.






"Baka gutom ka lang kanina kaya kung ano ano ang naiisip mo"




Tapos  ngumiti lang ito sa kanya. Mukhang hindi lang puso ko ang mawawasak ng dahil sa lalaking ito. Masisiraan ata ako ng ulo ng dahil sa pabago bagong pakikitungo nito.





"Hindi pa din magbabago ang isip ko kahit kainin ko pa lahat ng andito"





"Kasama ba ako sa kakainin mo?"





Tapos ang lapad lang ng ngiti niya sa akin sabay kindat. Potek. Sa susunod hindi na ako magsusuot ng panty para walang malalaglag sa tuwing ngingiti siya ng ganyan.








"Nope." Umakto lang siyang normal at hindi apektado. Buti talaga hindi siya ang nag interview sa akin noon. Sa tanong pa lang na: What is your weakness? Wala na siyang isasagot. Ngiti pa lang siya nakakapanghina na.





"Dette isang pagkakataon pa ang hinihingi ko" Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. "Kung iniisip mo na ang habol ko lang sayo ay may mangyari sa atin. Nagkakamali ka"






So ayaw na pala niyang maulit yun? Baka kasi makikipagkaibigan lang siya Bernadette sayo. Napaka assuming mo naman na higit pa doon ang gusto niya. Madaming babae na sobrang ganda at sexy ang willing na ibigay yung pangangailangan niya. Kaya huwag ka na talagang umasa. Yung tipong hindi nga ito laro pero talo ka na agad. Ang saklap.








"Sayo ko lang naramdaman ito Dette"




"Ang aling naramdaman Michael? Na hindi mo akalain na titigasan ka sa hindi kagandahang katulad ko? Ni hindi marunong mag make up. Mag kilay."








"Ikaw kung hindi lang ako nanunuyo sayo kanina pa kita nahalikan. Yung bibig mo kung ano anong lumalabas." Iiling na lang ito pero ewan ko yung ngiti niya may kakaiba pa din. "Oo inaamin ko na matigas nga siya ngayon. Pag ganito kalapit parang alam agad niya. Isang gabi lang yun pero parang ikaw lang ang hinahanap niya. Pero sa tuwing pinapakalma ko siya gamit ang mga palad ko. Sinasabi ko na hindi pa pwede. Galit ka pa. Susuyuin pa kita. At bawal muna siyang pumasok sayo at sa eksena. Manliligaw muna kasi ako"






"At sinaway mo ang bibig ko tas kung makapagsalita ka naman ganun din. Ewan ko sayo." Pero hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. Nakakatawa lang. Para kasing hindi na talaga siya nahihiya sa kanya. Para ikwento ang pagpapakalma  niya sa sarili "Kaya pala medyo magaspang na palad mo nung hawakan mo ako kanina. Gamit na gamit pala.hahaha"





"Napansin mo din pala yun?" Tas kinindatan niya ulit ako. Ang adik talaga. "Hindi ka ba naiinggit sa mga palad ko? Baka gusto mo ding maging magaspang ang palad mo? " Sabay kindat ulit.





Napainom na lang ako ng tubig. Oo sanay ako sa usapan na ganun. Pero iba pala pag naranasan na mismo, naranasan sa mismong kausap mo.






"So isang pagkakataon ang hinihingi mo? Para saan?"







"Para hindi na gumaspang ang palad ko.hahaha"








"Seryoso kasi"








" Pag seryoso akong makipag usap nasasaktan ka. Pag palabiro ako ayaw mo pa din. Saan ko na ilulugar  ang sarili ko? Sa Puso mo lang?"








"Sorry hindi ka din pwede doon"





Medyo sumeryoso ito ng kaunti. Tas parang nasaktan. Binitawan  niya ang kamay ko at huminga ng malalim.






"Manliligaw ako sayo. Hindi ko sasabihin na mahal kita sa ngayon kasi bago din ito sa akin. No sex sa panahon na nanliligaw ako. Basta kung kailan pumayag ka maghihintay ako. Wala din ibang babae. Ikaw lang."






"Talaga? Makakapaghintay ka? Kahit dalawang taon? Walang sex ng dalawang taon kaya mo? Baka lagi kang mag hand spa niyan"






Ayaw kong sabayan na seryoso siya ngayon. Manliligaw daw siya. Atleast yun ang term niya. Hindi mananakot.







"Fifteen years akong nabuhay ng walang sex. Dalawang taon? Kayang kaya ko yun"






"Grabe ang bata mo naman na nadevirginize" Fifteen years old? Grabe nanunuod lang ng anime ang inaatupag ko noon. Tas itong kaharap ko humehentai na ang peg.








"Ganun talaga. Lalaki ako. At may baliw akong ama na gumawa ng paraan para mamulat ako sa ganung bagay"







Tapos issue sa kanila kung virgin o hindi ang babae tapos sila yung ang aga namang lumandi.







"Sige" Wala naman akong choice kundi pumayag sa gusto nito. "Pero bawal kang manligaw sa company. Ayaw kong maging tampulan ng tsismis. At pumapayag ako sa No Sex Policy mo." At parang may choice din siya doon? Syempre akyat muna ng ligaw.







"Salamat sa pagkakataon" Hinawakan nito ang kamay niya. "Pag malinaw na ako sa nararamdaman ko sayo itatanan talaga kita"






"Grabe siya"





Masaya na lang nilang pinagsaluhan yung hapunan nila. May pagkakataon na sinusubuan niya ako. Medyo nakakailang pero masaya. Sa pagpayag ko sa panliligaw niya nilalagay ko ang 69% na mapapariwa ang puso ko. Pero ok na din yun. Kesa sa panghawakan ko yung 100% na hindi ako masasaktan pero wala naman akong binigay na pagkakataon para maging masaya.







_casper_

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon