Chapter 13

11.9K 261 14
                                    


Bernadette



Naging maayos naman ang out of town trip namin ni Michael. Matapos niya akong ihatid sa condo unit ko ay umalis din agad ito. Para daw makapagpahinga ako ng maayos. Kasi baka daw pag manatili siya doon baka kung ano lang magawa niya.




Baliw lang.






Hindi pa din ako sanay na pag usapan kung ano man yung nangyari. Kahit ngayon na iniisip ko yun ay namumula pa din ako. Kahit ilang beses siguro naming ulitin ganun pa din ang magiging epekto sa akin. Ang pinaramdam niya sa akin na kaligayahan ay sobra sobra. At sa sobrang kaligayahan na yun nakalimutan ko din ang pag iingat. Kahit si Michael ay hindi din gumamit ng protection. Nung unang beses na nangyari yun maswerte na hindi ako nabuntis. Pero ngayon? Hindi ko alam. Nakakakaba na magbunga ang lahat. Pero nakakatuwa din kung kasing gwapo ni Michael ang magiging anak ko. Bahala na. Kung andyan na at ayaw ni Michael ako na lang ang bahala. Nabuhay naman ako ng matagal na nag iisa. Kakayanin ko din yun para sa anak ko. At parang totoong totoo na talaga na mabubuntis ako? Pero mas ok na yun ang isipin ko kesa sa ang magulat ako.






Pagkarating ko sa opisina kinabukasan ay dala dala pa din ng isip ko ang kabang baka nga mabuntis ako. Dala dala ang isipin na baka hindi ako panagutan ni Michael. Pero parang nawala ang kabang yun ng makita ko ang isang pirang rose sa mesa ko. At isang box na chocolate na katabi nito.








"Dette ang aga ng manliligaw ahh.." Si Stephen yun na agad na lumapit pagkarating ko. "Medyo madaya ka. Sabi mo bawal akong manligaw tapos nagpapaligaw ka sa iba? Nasaan ang hustisya doon"






"Hindi siya nanliligaw sa akin Stephen"





Ang alam ko kami na. Ay mali pala. Parang kami na. Napangiti ako ng maalala ang mga sinabi ni Michael.









"Nakikipag kaibigan lang pala siya ng lagay na yan?" Nakakunot ang noo ni Stephen habang nagtatanong "Magkaibigan din naman tayo pero binalik mo sa akin lahat ng binigay ko. Nakakatampo talaga."






Iiling iling na lang ako sa sinasabi ni Stephen. At yung ibang mga kasamahan namin ay nakigulo na din. Ang kulit lang. Nung panahon naman na nanliligaw si Michael walang ganito? Kinuha ko ang note na nakalagay sa may chocolate.


Dette,

Miss You

Michael




Ang simple lang kung tutuusin ng mensahe pero hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Namimiss lang pala niya ako pwede naman magtext na lang. Grabe. Buti naitali ko ang buhok ko. Baka sumayad kasi.







"Hindi talaga siya nanliligaw? Pero kung makangiti ka parang nagpropose na siya sayo"




Nahampas na niya si Stephen dahil sa kakulitan nito.






"Dette.."





Nakahawak pa din ako kay Stephen kasi nga hinahampas ko siya. At ayun ang naabutan ni Michael.





"Sir Michael..."






Lalong kumunot ang noo nito. Agad naman akong napalayo kay Stephen.








"What?"





Lalo akong naguluhan sa tanong niya. At doon ko lang naalala kung anong tinawag ko sa kanya. Oo nga pala. Sa aming dalawa parang kami na pero sa mata ng ibang tao kami na nga pala.








"Michael.." Pagtutuwid ko sa tawag ko sa kanya. Bahala na kung anong iisipin ng mga kasama ko. Kung ang binata nga ay hindi nahiya na puntahan ako dito ako pa ba ang mag iinarte? "Anong ginagawa mo dito?"






"Gusto lang kitang makita"





Saka lang ito ngumiti sa akin. At hindi iyon lalo nakaligtas sa mga kasama ko. Lumapit na ako dito. Hinila siya palayo sa mga yun. Hindi niya kasi ako naihatid kanina kaya simula nun galing kami sa resort ngayon lang kami nagkita talaga.






"Wala ka bang sagot Dette?"




"Sagot saan?"






Papunta na kami sa opisina niya. Doon lang naman kami pwedeng tumambay talaga. Tama na muna yung mga kasamahan ko yung nakakita ng interaction namin ni Michael kanina. Nakakahiya na pag sa canteen kami tumigil at makita ng karamihan.







"Sagot sa I Miss You ko"






Kakapasok lang namin sa opisina niya. Kaya parang automatic din yung paghapit niya sa bewang ko para ilapit sa kanya ang katawan ko. Halos kaunti na lang pagitan ng mukha ko sa kanya. Bakit ba ang gwapo mo?







"Parang wala namang question mark yung note na nabasa ko. Bakit kailangan kong sagutin?"




Akala ko magagalit siya sa sinabi ko. Akala ko mapipikon. Pero ngumiti lang ito. Yung buti na lang at nakakapit ako sa kanya kundi baka bumigay ang tuhod ko sa ngiting yun.






"Paano yun? Wala palang sagot sa tanong na I Miss You?"






Lalo lang ngumiti ito. Parang natatawa lalo sa kanyang kalokohan.







"Sa susunod lagyan mo ng question mark kasi para sagutin ko"







"Ayaw" medyo sumeryoso ito ng konti. "Isang tanong lang yung itatanong ko sayo sa susunod kaya doon ko gagamitin yung question mark na sinasabi mo"






Tapos yumakap lang ito sa kanya. Yumakap lang din ako sa kanya ng mahigpit. Yung yakap na pwedeng sagot sa I Miss You niya.







_casper_

UntitledOn viuen les histories. Descobreix ara