Chapter 15

11K 243 6
                                    

Bernadette






Medyo masakit ang ulo ko. Sino naman kasi ang matinong CEO ang lalasingin ang empleyado niya eh may pasok pa kinabukasan. Tapos kanina nung nagising kami ni Michael at medyo malalate na tinawanan lang ako. Wala naman daw kasi siyang balak na uminum kami ng madami ako daw ang nagsimula sa body shot kaya ayun. Tapos lalo pa niya itong ngumiti ng tanungin ako ng.





"Sabay na tayong maligo?" Hubad pa kami parehas sa ibabaw ng kama nito. "Alam mong ayaw kong nalalate."







Bago pa nga nito ituloy ang sasabihin ay dumiretso na ako sa banyo. Sabay daw maliligo? Para namang maliligo lang ang gagawin namin sa binabalak nito. Kaya mabilis siyang naligo at nanghirap na lang na damit ni Michael tas umuwi ako sa unit ko. Doon na lang ako pinuntahan ni Michael tas ayun andito na ako sa table ko at masakit ang ulo.







"So pag boyfriend ang may ari ng company pwede ng pumasok ng may hang over?"








Alam ko naman na binibiro lang ako ni Stephen. Maswerte ako na hindi big deal sa mga kasama ko ang relasyon namin ni Michael. Ewan ko lang sa ibang department. Pero wala din naman akong pakialam kasi hindi naman sila ang lagi kong nakakasama.






"Tigilan mo ako Stephen." Hindi niya ito tiningnan. Nakatingin lang siya sa laptop niya. "Dati naman na hindi sumasakit ang ulo ko sa tequila.hay"







"Ibang body shot naman kasi ang ginawa ni Sir eh"








Nagulat siya ng itapat nito ang phone niya sa akin tapos naka open ang front camera. At lalo akong nagulat ng makita ko yung namumulang parte leeg ko. F*ck.








"Nakakahiya" Lalo siyang hindi nakatingin kay Stephen.







"Hahaha ok lang yun." Iginiya siyang tumayo nito. "Kuya mo ako di ba? Ayusin mo sarili mo. baka matakpan pa naman yan. Bago pa mapansin pa ng iba. Baka mas mainggit sila lalo sayo.hahaha"





Ngumiti lang siya dito. Kahit nahihiya talaga siya. Sa pagmamadali ko kanina hindi ko na yun napansin kanina. At baka hindi din napansin yun ni Michael kanina. Hindi nga big deal kung ano man meron sa amin ni Michael tapos may ganito? Ako pa gagawa ng issue.








Hindi ako dumiretso sa cr para ayusin ang sarili. Doon ako pumunta sa opisina ni Michael. Bakit naman kasi naisipan niyang mag iwan ng kiss mark sa leeg ko? Baliw lang talaga yun. Bago ako pumasok sa opisina niya, napitigil ako sa pagpasok kasi medyo bukas na yun at may kausap ito.







"Love, namiss din naman kita" Malambing na sabi ni Michael "Busy ako ngayon eh. Pwede bang mamaya na lang pag uwi?"














Love?! Pinagloloko ba niya ako? Hindi niya alam ang ibig sabihin ng pagmamahal tapos kung matawag niya ng Love itong kausap niya akala mo siya na pinaka importanteng tao para sa kanya.






"Ethan baby naman eh"








Baby?!! Hindi na niya nagawang pumasok lalo. Mabilis siyang umalis sa lugar na yun. Sapat na yung narinig niya. Hindi na niya kakayanin pa ang sakit kung may maririnig pa siya. Parang hindi kami magkasama magdamag. Heto ang ebidensiya ng pinagagawa niya kagabi tapos ang kapal ng mukha nito na may kausap siyang babae ngayon? At love talaga? At anong karapatan niyang tawagin siya nitong baby? Bakit nagpapatawag siya ng baby sa iba samantalang itinawag niya yun sa akin? Sabagay parang may relasyon lang naman kami. Hindi ako nasasaktan ngayon. Parang masakit lang ito.









Dumiretso siya sa cr para ayusin ang sarili. Pati yung mukha niya inayos niya para hindi halata din na hindi siya galing sa pag iyak. Gusto ko sanang umalis sa lugar na ito. Pero trabaho na lang meron ako ngayon. Magulo na lovelife ko. Trabaho na lang ang stable sa akin. Simpleng empleyado lang naman ako kung tutuusin. Kung maghihiwalay kami ni Michael malayo naman talaga kami. Hindi ko kailangang umalis sa company para umiwas. Ang position namin ay sapat na para hindi kami magtagpo.









Pagdating ko sa table ko. Andun si Michael. Kasasabi ko lang na malayo naman kami sa isa't isa pero andito siya. Hindi niya ito pinansin. Dumiretso siyang umupo tapos ginawa ko yung naiwan kong report ko kanina.








"Saan ka galing Dette?" Masuyo nitong hinaplos ang balikat niya. Pero hindi ako nagpatinag. Hindi ako pwedeng bumigay. "Medyo kanina pa ako dito."








"Galing ako sa CR"






"May problema ka ba?" Hindi ako nagsalita. "May problema ba tayo?"




"Walang tayo Michael"





Hindi ko napigilan na iyon sabihin. Yung salitang "tayo" kasi ay malaki ang epekto sa akin. Yung kasiguraduhan ng salitang tayo ayun ang hindi naibigay sa akin ni Michael.






"Ano?!"






Medyo natigilan din sa ginagawa yung ibang kasama ko dahil sa sigaw na yun ni Michael. At sa nararamdaman niya ngayon balewala na yung hiya ko sa kanila.







"Di ba parang tayo lang?" Seryosong sabi ko. "Kaya walang tayo."









"Ano bang problema mo Dette?"





"Wala akong problema." Dette? Samantalang sa kausap niya kanina parang ang dali daling bigkasin ng salitang love. Humarap siya dito at ang traydor kong mata ay pinagkanulo ako dahil sa luhang unti unting pumatak dito. " Doon ka sa Love mo. Sa tumatawag sayo ng Ethan Baby. Doon ka. Baka kasi kayo malinaw kung anong meron sa inyo."








"Dette.."







"Sir Michael nagtatrabaho po ako. Medyo nakakaistorbo po kayo"






At hindi na niya pinansin lalo ang binata. Hindi naman lumipas ang ilang minuto ay umalis na din ito. Gusto ko mang iiyak lahat yung sakit kaso hindi pwede. Mamaya na lang pag mag isa na ako. Kailangan kong balewalain ang sakit ngayon. Kailangan kong sanayin yung sarili ko sa sakit. Kasi mukhang matatagalan bago mawala ito.








_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now