Chapter 26

9.1K 229 12
                                    


Bernadette

"Wala ka bang gustong kainin hija?" Nakangiting sabi ng Mommy ni Michael. Ilang araw na din akong andito na wala si Michael. "Wala ka bang napaglilihian? Pwede mo naman sabihin sa amin ni Daddy Jace mo. O kaya pag mahirap hanapin kay Neon natin ipapakuha"








"Wala naman po Mom..my" At sa ilang araw ko dito nahihiya pa din talaga ako sa kanya. Hindi pumapalya na lagi akong nauutal sa tuwing tinatawag ko siyang Mommy. Ayun kasi ang sabi niya sa akin. Na yun na ang itawag sa kanya tutal naman daw ay magkakaapo na siya sa akin.







"Sure ka? Napapansin ko na ang konti ng kinakain mo lagi. Masama yan para kay baby. Yung unang tatlong buwan ng pagbubuntis ay medyo maselan kaya dapat yung nutrients na nakukuha sayo ni baby ay sapat."








Napansin pala niya yun. Medyo nahihiya talaga siya sa kanila kaya hindi siya makakain ng maayos pag kasabay na ang magulang ni Michael. Tapos minsan pati ang kapatid nito na si Neon andun din. Yung kumpletong pamilya na pinaparamdam nila ay bagong pakiramdam sa akin. Hindi ko naranasan na kausap ako ni Daddy na tulad ng ginagawang pakikipag usap sa akin ni Daddy Jace. Yung laging nakangiti lang. Yung ramdam ko ang pag aalala nito. Yung anak ang turing sa akin.








"Huwag ka ng mahiya sa amin Dette" Hinawakan nito ang kamay niya. Kasalukuyan kasi kaming nasa sala. Ayaw ko din naman lagi na magkulong lang sa kwarto ni Michael kasi mas lalo kong namimiss ang binata. "Wala naman kaso kung buntis ka na at hindi pa kayo kasal ng anak ko. Hindi mo dapat kahit kailan ikahiya si baby. At lalo na sa amin na excited sa aming apo. Mahal ka ng anak ko. Sapat na yun para mahalin ka din namin. Katulad ng bilin niya bago siya umalis aalagaan ka namin. "








"Salamat po Mommy." Sabi nga nila pag pinagsarhan ka ng pinto may binata pa na magbubukas pa para sayo. Huwag mawalan ng pagasa. Sa kaso ko hindi ko man naranasana ang pagmamahal ng magulang dahil maaga kaming iniwan ng aking ina at sa naranasanan kong pagmamalupit kay Daddy pero binigyan ng paraan ng nasa Itaas na maranasan ko ang pagmamahal ng isang pamilya sa pamamagitan ng pamilya ni Michael. At wala na akong mahihiling pa. "Pag po nagcrave ako sasabihin ko po agad sa inyo. Kaso wala po talaga. Kung hindi siguro ako nahilo dati baka hindi malalaman ni Michael na buntis ako kasi wala po talaga akong sintomas na naramdaman. Yung pagsusuka ko dati akala ko kasi dahil sa alak kaya hindi ko pinansin. At buti ok lang si baby kasi nag iinom pa ako na hindi ko alam na buntis ako. Pasensya na po Mommy"








"Ayos lang yun Dette. Wala naman sigurong mangyayari kay Baby" Nakahawak pa din ito sa kamay ko. Sabi niya sa akin nung isang araw sabik daw siya talaga sa babaeng anak. Nag iisa daw kasi siyang anak na babae. Tas parehas pang lalaki ang anak daw niya. Kaya tuwang tuwa daw ito ng makilala ako. Dobleng katuwaan pa kasi may apo pa siya "Maiba ako. Pag lalaki ba ang anak mo may Michael din ang pangalan niya?"









"Kung ayun po ang gusto niyo. Wala naman pong kaso sa akin. Mukhang yun din siguro ang gusto ni Michael" At gusto ko din naman yun. Nakakatuwa lang nung sinabi sa akin ni Michael ang pangalan ng mga lalaki sa pamilya Villaluz, mula daw sa lolo niya sa tuhod na si Aaron Michael na nag iisang taga pagmana daw talaga ng Green Chemicals, hanggang sa lolo niya na si Vince Michael na nung ipakita niya sa akin ang picture ay halos lumuwa ang mata ko dahil sa sobrang gwapo, may ngiti ito na makakapagpasuko ng kahit sinong babae. Tapos si daddy Jace Michael. Lahat sila may Michael, kaya sino ako para patulin ang tradisyon na yun?









"Gusto ko sana nga may Ethan din kaso hahaba na masyado ang pangalan ng aking apo. hahaha Ok na ang Michael."







"Ayaw niyo po ba ng junior?"






Lumapad lang lalo ang pagkakangiti ng Mommy ni Michael sa akin. Parang gusto niya yung sinabi ko.







"Bahala na si Michael kung gusto niya ng Junior. Salamat Dette." Niyakap siya nito. Ang bait talaga niya. Parang kung mag aaway man kami ni Michael sa Mommy niya ako mahihiya kasi ang ganda ng pakikitungo niya sa akin. " Salamat sa pagpili sa anak ko"








Yumakap na din ako dito. Hindi ako natatakot na harapin ang pagiging ina ko dahil may gagabay sa akin na katulad niya. At katulad ng sinabi ko kanina wala na akong mahihiling pa.







_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now