Chapter 27

9.4K 232 10
                                    

Casper: Salamat sa gumawa ng bagong cover. Para kay Louise para sayo ang chapter na to. Wala namang pinagbago ang cover. Dati puro Bato. Ngayon ABS naman. Parehas lang silang matigas. bwahaha

Bernadette






"Pero bakit kasi kailangan ko kaagad lumipat dito?"





Andito kasi kami sa unit niya. After ilang araw na wala ito dahil ng business trip kagabi dumating tapos sinabi na uuwi na kami kinabukasan. Akala ko naman uuwi kami na ako uuwi sa unit ko tas siya sa unit niya kasi wala naman kaming napag uusapan pa. Medyo magaling na din kasi ako kaya ok na naman nga na mag isa ako.






"Nailipat ko na ang mga gamit mo dito. Saka naibigay ko na ulit kay Neon yung unit mo"







"Naibigay ulit?"






Akala ko ba kasama yun sa kontrata ko sa company nila. Na libre ang titirhan ko?







"Wala naman kasi dapat sa kontrata mo yun na pabahay ka. Kailangan kong bawiin kay Neon yung unit para may ibigay ako sayo. Kaya sabi ko din na bawal sabihin sa iba kasi ikaw lang talaga ang binigyan ko ng ganung offer"







Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa sa ginawa nito. Para kasing pinaikot niya ako sa isang sitwasyon na kontrolado niya yung magiging desisyon ko. Parang ng ilatag niya lahat ng pwedeng ioffer ng company wala na akong choice kundi ang pumirma lang.







"Bakit mo ginawa yun?" Medyo seryoso ang pagkakasabi ko na parang ikinabahala din ni Michael. "Tanggap na ako nun sa company niyo kasi si Sir Jace mismo ang tumanggap sa akin. Hindi mo na kailangan pang gawin kung tutuusin na ilibre ako ng titirhan kasi ok na naman."








"Sir Jace?" Medyo may tampo sa boses niya. Daddy na nga pala dapat. Ilang araw na din na yun ang tawag ko sa ama nito. "Ano bang kinagagalit mo Dette? Na pinatira kita sa unit na dapat regalo ko sa kapatid ko? Anong masama doon? Kailangan kong gawin yun para masigurado ko na ligtas ka. At para din hindi mo maisipan na umalis ng company. At para din mabantayan kita kasi simula ng makilala kita hindi ka na nawala sa isip ko. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para hindi ka na pakawalan pa."







"Pero hindi mo ba kayang gawin na masigurado na sayo lang ako na hindi gagamitan ng yaman mo?"







"Para saan ba ang pagtatalo na to? Wala akong pakialam kung maubos ang yaman na sinasabi mo kung ang kapalit naman noon ay masigurado ko na magkasama tayo. Bakit Dette? Ayaw mo na ba sa akin?"







Nakakakaba ang pagkaseryoso lalo nito. Nakakainis. Ako dapat ang nagagalit o nagtatampo sa ginawa niyang pagmamanipula ng sitwasyon namin pero ngayon parang kasalanan ko pa na nagtatanong ako sa kanya. Ay parang ang sarap batukan ng lalaking ito kung hindi ko nga lang mahal nagawa ko na.







"Wala akong sinasabi na ayaw ko sayo. Ang sa akin lang may mga bagay na dapat ng hindi mo ginawa. Kasi kung para tayo sa isa't isa kahit wala kang gawin tayo talaga"






"Masama ba na pinabilis ko lang at sinigurado ko?" Hinawakan niya ang kamay ko. Masuyong hinalikan ang mga labi ko. Katulad nga ng sabi ko kanina magaling na ako. Kaya malaya na akong halikan ni Michael kahit anong oras. Kahit nga oras pa ngayon na nagtatalo kami. "Kasi Dette pagdating sayo ayaw kong isugal na baka mawala ka na naman. Ayaw ko ng maramdaman ulit yung dalawang linggo na hinanap kita at uuwi na ang sakit sakit ng puso ko kasi hindi kita makita. Ayaw ko ng maramdaman ulit yung kakulangan na yun. Mahal na mahal kita Dette. Kahit magtampo ka pa kung bibigyan ako ng pagkakataon gagawin ko ulit yun masigurado ko lang na hindi ka na makakawala pa"








Ano pa ang dapat kong isagot? Ano pa nga ba ang dapat kong ikatampo? Pag ganito na nadramahan na ako ng isang Ethan Michael wala na. Lahat ng tampo ko naglahong parang bula. Nakakainis ang epekto ng lalaking ito sa akin.







"Panalo ka na." Ngumiti na ako at mabilis din itong kinintalan ng halik sa labi. " Sigurado ka ba na wala na akong naiwan na gamit sa baba?"







"Wala na mahal" At yung paraan ng pagkakangiti niya ngayon sabi nga ng Mommy niya ay trademark nga daw ng isang Villaluz. Yung nakakalokong ngiti na walang palya kung magpabilis ng tibok ng puso. Ganyang ganyan daw siya nahulog sa Daddy ni Michael. Yung pagkakaibigan daw nilang dalawa hindi niya namalayan na nasa ibang level na. Masarap daw magmahal ang mga Villaluz. Yung wala kang magagawa kundi magpadala sa pagmamahal nila. Kaya masuwerte daw siya kay Daddy Jace. At sana ganun din daw ang maramdaman ko kay Michael. "Lilipat din naman tayo ng bahay kasi gusto ko maging maayos kayo ni baby. Mahal na mahal kita Dette. Kung meron man akong ipagmamalaki sa lahat yun ay kung gaano kalaki ang pagmamahal ko sayo"







"Hindi mo na ako kailangang bolahin masyado Michael. Sayo na ako. Ok na"







Tumawa lang ito. Kung makapagpakilig kasi parang hindi pa kami magkakaanak. At para namang gusto ko pang kumawala sa pagmamahal niya? Sabi nga ni Mommy niya masarap magmahal ang mga Villaluz. At gusto kong maranasan yung pagmamahal ni Michael hanggang sa kung kailan ibibigay ng nasa itaas sa akin yung pagkakataon na maramdaman yun. Kasi sa ngayon wala din akong balak pang pakawalan siya.







_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now