Epilogue

15.7K 343 22
                                    

Michael

"Daddy!"

Tumatakbong salubong sa akin ni Xenon. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang unang beses ko siyang binuhat ngayon sumasalubong na siya sa akin pagkakagaling ko sa trabaho. Limang taon na siya. At katulad ng pangako ko hindi na ulit nagbuntis si Dette. Sa dalawang pagbubuntis niya kasi laging muntik muntikan na mawawala siya sa akin. Kaya kahit gusto ko na may kalaro si Xenon mas pinili ko na hindi na lang siya sundan.

"Saan si Mommy?"

"Kitchen."

Binuhat ko na siya. Ito naman talaga kasi ang gusto niya. Ang magpabuhat. Sabi ni Mommy kamukhang kamukha ko nga daw si Xenon nung bata ako. Hindi daw mapagkakaila na anak ko siya. Pero sino ba ang magkakaila nga? Ipapangalandakan ko pa sa buong mundo silang mag ina ko.



"Sabi ko sa'yo Xenon huwag kang tumakbo. Pag nadapa ka at magkasugat sa akin naman nagagalit yang Daddy mo."

Natawa na lang ako. Mabilis ko siyang kinintalan ng halik sa labi. Hindi naman sa nagagalit ako sa kanya tuwing magkakasugat ang anak ko. Nagkataon lang na hindi ko mapigilan yung pag aalala ko. Na parang naiinis kaya akala niya galit ako.


"Kamusta sa ang aking asawa? hindi ka ba naiinip dito? Malaki na si Xenon. Kung gusto mong bumalik sa company wala namang problema."



"Ayos lang ako dito sa bahay. Saka gusto ko hands on ako sa anak natin."


"Ang swerte ko talaga sa'yo. Pero bukas yung offer ko na anytime pwede kang bumalik sa company. Ayaw ko naman na masayang ang pinag aralan mo dahil mas pinili mo na unahin kami."


"Ang arte mo. Sino pa ba ang uunahin ko? Di ba kayo? Saka kahit gusto ko mang bumalik ngayon hindi pwede na."

Binaba ko si Xenon para makausap si Dette ng maayos. Bakit hindi siya makakabalik? Ako ang may ari ng company. Sinong magbabawal sa kanya na bumalik?


"May sakit ka ba? Anong problema Mahal?"


Bigla talaga akong kinabahan. Baka naglilihim lang siya sa akin. Anong silbi ng mga naipundar ko kung napapabayaan ko lang ang aking mag ina. Sa sobrang busy ko maswerte na ako na hindi ako nakakarinig ng reklamo sa asawa ko. Hindi ko siya maipasyal kahit ilang araw lang. Kaya baka iniisip niya na hindi siya mahalaga kaya nilihim na niya ang kalagayan niya.


"Sakit agad? Ikaw ang bilis na naman ng utak mo siguro. Para kang si pareng google na lagnat lang sinearch pagdating sa result may taning na ang buhay."


"Siyempre nag aalala ako. Bakit hindi pwede? Malaki na si Xenon. Pwede na siyang iwan sa yaya niya. Kaya ok lang naman na magtrabaho ka kung naiinip ka na dito. Hindi porket naging asawa mo ako titigil na din ang pangarap mo."



"Kahit sa ibang bansa ako magtrabaho?"


Alam ko naman na pinatitripan niya ako dahil kita ko sa mga mata niya at sa ngiti niya. Kaya niya akong iwan dito sa Pilipinas pero hindi ito makakatagal na mawalay kay Xenon.


"Mamimiss mo si Xenon. Alam ko naman na hindi mo kayang malayo sa anak natin."



"Ok lang yun sa akin."

Medyo kinabahan ako na sumeryoso siya. Mukhang kailangan kong ilipat ang opisina ko. Hindi naman ako papayag na magkakalayo kami.

"Talaga?"



"Yup. Hindi ko din naman kayang mag alaga ng dalawang anak kung sakali."

"Dalawang anak?"

Seryoso pa din ito. At hindi ko na din alam kung ano ang dapat maramdaman ko.


"Tapos magiging kasing likot pa na si Xenon. Paano kung lalaki ulit? Ano na pangalan niya? Helium?"


"Dette.."

Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan na maluha sa sinasabi niya. Buntis siya. Hindi ko alam kung sinadya ba niya kasi lagi naman siyang nagpapaturok para hindi siya mabuntis kasi delikado nga yung huling pagbubuntis niya. Kaya hindi ko ito inaasahan.



"Sabi ni Doc, ok naman daw na sundan natin si Xenon kahit hindi umalis. Kaya nagpa general check up ako. Madaming ginawa para masure na healthy ang sunod kong pagbubuntis. Hindi na ako nagpaturok nung huli tapos ayun nga pagcheck ko kanina dalawang linya. Kasi medyo nahihilo na ako nitong nakaraan. Kaya nag test ako kanina. Ang bilis lang. Kaya hindi ako makakapagtrabaho. Kasi mas gusto ko na dito lang. Aalagaan si Xenon habang hinihintay ang paglabas ng panibagong bigay sa atin."

Niyakap ko siya. Ang saya ko. Sobrang saya ko. Ang swerte ko talaga sa kanya. Sinong mag aakala na yung pagkakakilala namin ng gabing yun ay magreresulta ng ganito kagandang pagsasama. Kaya hindi ko na talaga siya papakawalan pa. Gagawin ko ang lahat para wala siyang maging dahilan para iwanan ako. Ngayon pa ba? Dalawa na magiging anak namin. Ang kayamanan ko. Ang buhay ko. Ang lahat lahat para sa akin.



The End

UntitledWhere stories live. Discover now