Chapter 35

9.5K 256 9
                                    


Michael


Halos anim na buwan na din simula ng makabalik sa akin si Dette. Tuwang tuwa nga ang mga magulang ko nung bigla na lang kaming sumulpot na magkasama sa bahay nila. Maswerte lang din talaga ako sa magulang kasi naintindihan nila si Dette kung bakit ito lumayo. Kaso sabi ni Mommy last na daw yun na tatakasan niya ang problema. Nangako naman ang asawa ko na hindi na niya ulit gagawin yun kahit anong mangyari. Ayaw na daw niya ako mamiss ng ganung katagal.








"Dette wala pa ba? Saan mo ba nabili yang pregnancy kit na yan at ang tagal tagal namang maglabas ng result? Negative ba? Ok lang yan gagawa ulit tayo. Tas yung hindi ka na makakalakad talaga para sure na buntis ka na"








Ilang araw na kasi naming napapansin ang pagsuka nito tuwing umaga. Tapos ang mga hinihingi niya na pagkain mga kakaiba. Minsan dumayo kami sa Enchantes Kingdom. Akala ko date yun. Kaso nung mabili niya yung pagkain na gusto niya nagyakag na siyang pauwi. Alam mo yun? Nagbayad kami ng entrance para lumabas lang.







"Michael.."









"Positive?"







Hindi ko mabasa sa mukha niya kung ano ba ang resulta. Kahit ano naman yun ok lang sa akin. Yung idea kasi na pumayag siya na mabuntis ulit ay sobrang saya ko na. Akala ko ng mangyari sa amin na nawala si baby matatagalan bago ulit niya gugustuhin na magkaanak. Kasi yung takot at kaba alam ko na hindi pa tuluyang nawawala sa kanya. Ilang linggo muna ang lumipas bago magawa ni Dette na pumasok sa kwarto ni baby. Halos maghapon siyang nagkulong ng araw na yun doon. Iyak siya ng iyak pero hinayaan ko lang siya. Alam ko na makakatulong yun sa kanya. Magkalabas niya doon sinabi niya sa akin na handa na ulit siyang magbuntis kung gugustuhin ko. Pero kung papayag daw ako na magbuntis siya hindi na daw siya magtatrabaho muna. Gusto daw niya na mag ingat ngayon. Wala namang kaso sa akin yun kasi kaya ko naman silang buhayin. Kahit basketball team pa ang maging anak namin. Kaya simula noon mas naging hands on siyang asawa sa akin. Siya ang nag aasikaso lahat simula sa mga kailangan ko sa umaga. Sa almusal ko. Minsan nagpapahatid pa siya sa driver para dalhan ako ng tanghalian. Nakikita ko naman na nag eenjoy na siya ng ganun kaya ang saya saya ko lang. Yung may napakaganda at napakabait at napaka maasikaso na asawa na uuwian tuwing gabi ay sobrang blessing na para sa mga lalaki. At ang swerte ko lang talaga. Sabi ko nga sa kanya pwede muna siyang magreview para sa board exam habang andito siya sa bahay pero nainis lang siya sa akin.






"Michael titigil ako sa trabaho para magbuntis ako. Hindi para kumuha ng board exam. Makakapaghintay naman yun."






Ilang araw din siyang nagtampo sa akin. Huwag ko daw isipin siya. Hindi naman daw mahalaga ang lisensya sa ngayon. Mas mahalaga daw na mabigyan niya ako ng anak kesa sa kung anong bagay ang maaachieve niya. Plain housewife na daw siya. Hindi na engineering graduate. Ang baliw lang. Pero mas minahal ko siya dahil doon. Dahil alam ko na ginagawa niya yun para sa aming pamilya. At hindi ko nakikita na naiinip siya sa bahay. Masaya siya sa pag aasikaso sa akin.









"Positive ba Dette?"






Minsan ang kakulitan din talaga ng asawa ko ay lumalabas sa ganitong sitwasyon. Ayaw sabihin agad.










"Proton"









"Huh?"








Medyo nalito ako sa sinabi niya. Tapos tiningnan niya ako na parang alam ko dapat yung sinasabi niya.










"Proton? Positive charge.. Positive? Positive ba Dette?"








Hinawakan ko ang kamay niya. Ngayon naiiyak na ang asawa ko. Tas tumango siya. Hindi ko na napigilan na buhatin siya. Tas dinala ko siya sa kama tas niyakap ko siya ng mahigpit.







"Salamat mahal. Bakit ang tagal mo sa loob?"







"Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sayo. Sa susunod nga pag nag test ako isasama na kita sa pag ihi ko. Para sabay tayong makakaalam."









"Sige sa mga susunod nating anak. Mga onse pa naman sila."






"onse talaga? grabe ka."








Mas lalo lang siyang sumiksik sa akin. Sige mga ten na lang. Pero gusto ko talaga na madaming anak. Ilan ba ang major ng engineering? Dapat yung magiging anak ko pagtitig isahan yun. Tas kung may boars exam dapat mag top din sila. Pero kahit hindi naman sila mag top. Hindi naman din ako prinessure ni Daddy at Mommy nung kumuha ako. Pero ibinigay ko yun sa kanila. Nakakahiya kasi na ang dalawa kong lolo ay top 1-2 sa board exam tas si lola top 1 din. Pero ang layo na narating ng iniisip ko. Pagbubuntis pa lang binalita niya sa akin pero parang nakita ko na ang hinaharap naming dalawang mag asawa. Yung masayang pamilya naming bubuuin.






"Kung anong ibibigay sa atin. Ang mahalaga magkasama tayong dalawa Dette. At wala na akong mahihiling pa."













Nagsimula lang kami sa nakisabay siya sa akin sa pagkanta. Sinong mag aakala na sasabayan niya talaga ako hanggang sa aking pagtanda. Mali na may mangyari muna sa amin bago namin minahal ang isa't isa. Pero ang mahalaga naman kung ano yung huli. At mananatili yun sa aming dalawa. Yung pagmamahalan na yun.









_casper_

"Atoms are made up of three main particles: protons, electrons, and neutrons. A proton has a positive electrical charge, while electrons are negative. The number of protonsand electrons is equal in each atom."

UntitledWhere stories live. Discover now