Chapter 7

16.1K 303 22
                                    

Bernadette

Ilang araw din siyang hindi nilapitan ni Michael. After umalis ito sa unit niya simula noon kahit tingnan siya hindi nito ginagawa. Medyo masakit kasi gaya ng binitawan nitong huling salita noon parang ok lang na wala naman talaga siya dito sa kumpanya. At wala siya sa buhay nito.




Ilang taon kong inilagaan ang sarili ko para hindi ako masaktan. Hindi ako tumanggap ng manliligaw kasi pag pumasok ako sa isang relasyon malamang sa malamang doon yun tutungo. Ang masaktan ako. Sa sobrang inalagaan ko ang sarili ko heto ako ngayon nasasaktan ng dahil sa isang lalaking imposibleng seryosohin ako. Wala na akong maipapagmalaki sa kanya. Tama nga siguro sila. Pag nagmahal ka hindi mo yun malalabanan. Akala ko simpleng attraction lang yung naramdaman ko kay Michael. Pero nagpaubaya ako. Hindi ako yun. Ilang katrabaho ko na ba ang nagtangkang manghalik sa akin tuwing nag iinom kami. Ilan na ba yung basta na lang pupulupot ang kamay sa bewang tuwing nasa pool pag lalangoy na ako at magpapawala ng tama. Ilan na ba yung basta basta na lang manghahaplos sa hita tuwing nag iinum. Ilan na ba yung basta basta na lang hahawak sa kamay ko sa tuwing kumakanta ako sa videoke kasi may tama na ako. Ilan na ba yun? Hindi din naman nalalayo ang itsura nila kay Michael. Pero saan lang ba ako nadala? Ni hindi nga ako nagpahalik sa labi. Sa lahat ng mga tuksong lalaki na dumaan sa buhay ko alam ko na may kakaiba kay Michael kaya nagpaubaya ako. At alam ko na kakaibang pakiramdam na yun ay magiging dahilan ng pagluha ko na banda banda dyan. Ayaw kong masaktan. Kaya kung ang paglayo kay Michael ang paraan para hindi ako ganung masaktan. Gagawin ko.






"Masyado bang malaki ang problem sa process mo para maging ganyan ka katahimik? at kaseryoso?"






Nagulat na lang siya na katabi na niya si Stephen. Mag isa lang naman siya sa cubicle at lagi na lang nitong dinadala upuan nito para makatabi siya.






"Naayos ko na naman yung downtime kanina sa process ko. May iniisip lang ako Kuya"





"Kuya ka dyan.. nagsabi ako na manliligaw sayo tas Kuya itatawag mo?"








"Hahaha baliw." Third Year college ako noon, Fourth year naman siya. Same course kaya Senior ko siya. Nasanay na ako na Kuya talaga tawag sa kanya. "Alam mo Stephen. Sasayangin mo lang oras mo sa panliligaw. Seven years ko na ikaw kilala. At Kuya talaga ang tingin ko sayo. Hanggang doon lang"







"Grabe ka Badette." Aktong hinahawakan nito ang tapat ng dibdib nito. "Kung sasaktan mo ako. Yung dahan dahan lang naman."








"Baliw"





Napatawa na lang siya at medyo nahampas din ito. Ayaw ko naman bigyan siya ng pagkakataon sa sinasabi nitong panliligaw dahil wala naman talagang patutunguhan. Mas ok na ganito na lang. Ayaw kong makasakit dahil alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan. Ang pakiramdam ng umasa sa wala.






"Wala na talagang pagasa?" Umakbay pa ito sa kanya pero hinayaan niya na lang. "Dapat pala nung College pa lang tayo nanligaw na ako sayo. Atleast kahit papano may ipagmamalaki ako kasi ahead ako ng isang taon. Kaso ngayon wala na. Same lang tayo ng position dito sa company. Sayang talaga. Medyo seryoso ka kasi nung college tayo kaya halos lahat ata ng kaklase ko na magtatangkang manligaw sayo hindi man lang nakapagsabi. Saka ikaw pinakamatalino sa batch niyo."







"Kaso balewala naman yung katalinuhan na sinasabi mo kung wala akong lisensya."







Kailangan ko kasing magtrabaho agad after makagraduate. Walang budget noon para sa pagrereview sa board exam. May pagkakataon naman na kumuha ako ng board exam kahit walang review kaso nawala na din ako sa focus.





UntitledWhere stories live. Discover now