Chapter 28

9.2K 227 9
                                    


Bernadette








"Ano yung nabalitaan ko na buntis ka daw Bernadette?"







Ang bilis naman nga ng balita. Sabagay halos dalawang linggo din akong hindi pumasok sa company. Ayaw nga sana ni Michael na magtrabaho pa ako kaso nakakainip naman kung nasa condo lang ako. Saka ok naman na ako. Bago ako pumasok ngayon ay nagpa check up ulit kami kahapon para masiguradi na ok nga si baby. May go signal naman si Doc na magtrabaho kaya wala ng nagawa si Michael.







"Ang tsismoso mo talaga Kuya Stephen" Ngumiti na lang ako. Hindi ko naman din yun itatago kung anong kalagayan ko. Ang baby ay regalo mula sa taas. "Ninong ka huh"







"Grabe mo akong pasakitan din ano. Binasted mo na nga ako tas kukunin mo pa akong ninong ng anak ng lalaking ipinalit mo sa akin"






"Grabe ipinalit talaga? Akala mo naman may pag asa ka talaga sa akin noon"







"Ang sama ng ugali mo"











Tinawanan ko lang din siya. Pero alam ko naman na binibiro niya lang din ako. Alam niya yun simula pa lang nagtry lang siya talaga na magsabi na manliligaw sa akin. Ang kulit din kasi ng lahi ni Stephen.









"Buti pinayagan ka ni Sir Michael na magtrabaho pa?"






"Wala naman siyang magagawa. Ayaw ko din naman na mainit sa unit niya. Hihintayin na lang ang pagdating niya"








"Nagsasama na din kayo? Ibang level na talaga ang relasyon niyo"







"Ayun ang wala na akong choice ng ilipat niya nung isang araw ang mga gamit ko. Parang nung nalaman niya na buntis ako automatic na pagmamay ari na niya talaga ako"







"Kinilig ka naman?"






Hindi ko din naman nga itatanggi yung kilig na yun. Kung paano niya ako bakuran nga. At hindi kasi makikita sa kanya na nag aalinlangan siya. Isa siya sa sikat na Bachelor ng bansa dahil sa yaman at dahil sa kagwapuhan niya pero balewala lang sa kanya na kalimutan ang estado na yun ng malaman niya na buntis ako. Hindi siya natakot na matali sa akin. Kaya kung totoo nga na nakakahaba ng buhok ang pagpapakilig na pinaparamdam niya ewan ko lang kung hanggang saan na aabot ang buhok ko.








"Babae lang ako marupok sa mga ganyang pagpapkilig Kuya"







"Sa sobrang rupok mo nga natupok ka masyado at nabuntis.. hahaha"








"Adik!"








Hindi ko na siya naabot ng hampas ko sa kanya. Ang kulit lang. Inasikaso ko na lang yung trabaho ko. Buti na lang dalawa kami na Engineer sa process ko. Kaya kahit papaano wala naman talaga akong hahabulin na trabaho. Hindi ako maiistress kahit papano. At namiss ko din na magtrabaho.







"Kain na tayo Mahal"







Sa sobrang focus ko sa ginagawa ko hindi ko na namalayan ang oras. Nagtataka pa nga ako bakit kakain na kami ni Michael. Pagtingin ko sa relo ko halos mag aalas dose na nga ng tanghali. Ang bilis ng oras.







"Hindi ba kayo nagugutom ni baby? Wala na halos tao dito oh. Kumakain na sila. Samantalang ikaw nagtatrabaho pa din."









"Mukhang nagustuhan din ni baby itong ginagawa ko."







Yumuko siya para magpantay ang aming mukha. Tapos hinaplos niya ang tiyan ko. Bale nakasanayan na niya na gawin yun ang haplusin si baby. Ni wala pa ngang umbok pero parang feel na feel niya na ang ginagawa niyang paghaplos.









"Little CEO. Little Engineer din ba anak?"






Kung makukuhanan ko lang ng picture ang moment na to ginawa ko na. Yung mata ni Michael makikita mo talaga yung pagmamahal niya sa baby namin. Hinaplos ko ang mukha niya. Ano nga bang nagawa kong kabutihan para bigyan ako ng ganitong klaseng lalaki.








"Tara kain na tayo"







Inalalayan niya akong tumayo. Sabi niya sa labas daw kami kakain. Dati kasi sa office niya kami kumakain. Doon ko siya pupuntahan. Ngayon daw sa labas kami kakain para daw makapili ako ng kakainin namin. Baka daw biglang may gusto si baby na kainin.





"Bakit nga kaya wala akong pinaglilihian? Ang wierd lang kasi. Yun din ang tanong ni Mommy Nyah sa akin eh. Kung wala daw akong gustong kainin"







"Kung gusto mo ako na lang kainin mo?"







Bulong nito. Naghihintay na kami ng order namin. Nahampas ko nga. Walang pinipiling lugar eh.








"Baka pag yan ang pinaglihian ko magsisi ka. Baka oras orasin ko ang paghahanap dyan"








"hahaha ok lang yun. Game na game to lagi"







"Eh gusto ko pag kinain ko yung hindi dapat titigas. Kaya mo ba?"








"Ang hirap naman noon mahal."






"Kaya nga." Natatawa ako sa reaction ng mukha niya. "Kaya huwag mong ivolunteer yang patutoy mo. Baka magsisi ka lang"









"Grabe patutoy talaga." Namumula siya kakatawa. Ang kulit lang. Eh hindi ko kasi alam kung ano ang itatawag ko doon na hindi nakakahiya. "Alam mong hindi patutoy to mahal. Ilang beses mo ng napatunayan. Nakakahiya na marinig ng iba. Ang gwapo gwapo ko tas iisipin nila na pang four years old to?"











"Hayaan mo na. Atleast ako lang ang nakakaalam kung gaano kalaki si patutoy mo"









Tama ba na yun ang pag usapan namin bago kumain? Nakakatawa lang. Paano nga halimbawa kung yun ang paglihian ko? Ok lang naman yun. Ok na ok huwag lang makakamukha ni baby.hahaha








_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now