Chapter 22

9.6K 216 8
                                    

Bernadette


Hindi na ako nakatanggi ng iuwi ako sa bahay namin. Medyo nahihilo pa din kasi ako. At sakto din na ok na si Dad kaya sabay na kaming umuwi. Hindi pa din siya umiimik sa akin. Si Bryan na lang nagsabi sa akin na sa sasama ako sa kanila pag uwi.








"Mamaya pupunta ang pamilya ni James para mamanhikan. Kaya mg ayos ka ng sarili mo Bernadette"





Pagpasok na pagpasok namin sa bahay ay ayun agad ang sinabi ni Dad. Wala na talaga akong choice kung ganun. Kahit siguro buo na ang desisyon ko nung isang araw pa balewala na din naman kasi si Michael simula ng umalis ay hindi na ulit nagpakita sa akin. Kaya hindi ko alam kung ilalaban ko ba? o tuluyan ng magpapadala sa agos ng sitwasyon.





Nagkulong ako sa silid ko. Hindi ko din alam kung anong gagawin. Kanina ko pang tinatawagan si Michael pero hindi ko ito macontact. Ganun ba talaga siya kagalit sa akin? Akala ko ba tutulungan niya ako sa problema ko? Pero bakit nag uumpisa pa lang mukhang sinukuan na niya ako. Titingnan ko lang sana reaction niya nung tinanong ko siya kung paano kung wala akong choice kundi magpakasal sa iba? Kaso mukhang sobra ata niyang dinamdam kasi nagalit agad ito. At simula nga noon ay hindi na siya nagpakita o nagparamdam lang.






"Ate andyan na ang pamilya ni James."





Hindi ko na kailangang mg ayos ng bongga. Simpleng bestida lang sinuot ko. Simpleng make up lang. Ni hindi ko na tinago ang eye bug ko. Kasi para malinaw sa kanila na hindi ako sang ayon sa kasal na paplanuhin nila.








"Ate magiging maayos din ang lahat"





Kahit gaano pa kalambing ang boses ni Bryan hindi makakabawas yun sa nararamdaman ko. Masaya lang ako na andito siya para sa akin.





Pagdating namin a dining hall andun na nga ang pamilya ni James. Ang mga Villarama ang pinakamayaman sa lugar nila. Kaya ang aking ama ay hindi nagdalawang isip na pumayag na ikasal ako kay James ng hilingin ng Don na ako ang gusto nila para sa anak nila. Agad naming lumapit si James sa akin at mabilis akong hinawakan sa kamay kasabay din ng panakaw na halik sa pisngi. Agad kong inilayo ang sarili ko sa kanya. Binawi ko din ang kamay ko na hawak hawak niya. Pandidiri ang nararamdaman ko sa ginawa niya. Oo hindi maikakaila na gwapo siya pero ang epekto ng ginawa niya ay taliwas ng epekto ni Michael sa akin. Titig pa lang ng binata ay may hatid na init na agad sa aking kaibuturan. At wala na akong maisip na pagbibigyan ng sarili ko kundi si Michael lang.






"Ang ganda mo lalo Bernadette"





Nakangiting sabi ng Don. Pilit lang din akong ngumiti para hindi naman ako masabihan ng bastos ng mga bisita ni Dad.








"Parang nakikinita ko na kung gaano magiging kaganda at kagwapo ng magiging apo ko pag kinasal kayo ng anak ko"








"Pupunuin nila ng bata itong kabahayan balae"






Paanakan ba ang tingin nila sa akin? Ni hindi ko maatim na hahalik ako ng ibang lalaki bukod sa mahal ko.






"Kumain na tayo balae. Ng mapag usapan na ang detalye ng kasal ng mga bata"






Bigla akong napatayo. Akala ko kakayanin ko ang makipag plastikan sa kanila. Na manatili na makinig sa kasal na paplanuhin nila. Pero hindi ko kaya.







"Bernadette, umupo ka!"






Hindi pasigaw yun pero may diin ang boses ng kanyang ama.






"Kung pagkatapos nito ay pag uusapan niyo ang kasal na sinasabi niyo kayo na lang po ang kumain. Hindi po ako magpapakasal sa kanya"







Yung mukha ng Don ay mababakas na din ang galit at pagkabigla dahil sa sinabi ko. Si James ay parang namumula na din ngayon. At ang mukha ng aking ama ay hindi mo makilala dahil sa galit dahil sa sinabi nito.






"Alam mo ba kung gaano kalaki ang utang ng Pamilya mo sa akin? Oo may negosyo kayo pero hindi sapat yun para makabayad kayo."







"Si Dad po ang may utang sa inyo." Seryoso pa din ako. Ni hindi ko alam kung saan ako nakakahanap ng lakas ng loob ngayon. Ang alam ko lang kung meron akong papakinggan na plano ng kasal ayun ay yung kasal namin ni Michael. "Si Dad po ang ipakasal niyo sa kung sino ang kamag anak niyo. Tutal matagal na naman siyang biyudo kaya legal lang kung magpapakasal siya ulit"







"Lapastangan!!"






Hindi ko napaghandaan ang paglapit ng aking ama. At ang pag igkas ng kamay niya para sampalin ako. Nakakabinging sampal na halos ikatumba ko din. Buti na lang may nakapitan ako. Para sa bagong labas sa hospital napakalakas ng sampal na kanyang binitawan. At ramdam na ramdam ko yun kasi inulit niya ng maka ilang beses sa magkabila kong pisngi. Tumigil lang siya ng maramdaman niya na dumudugo ang sa may bandang labi ko. Tumama kasi sa singsing na suot nito.





"Ate.."






Mahinang sabi ni Bryan. Inalalayan niya ako para ilayo sa kanila. Namamanhid ang mukha ko. Hindi ako makakita halos kasi puno din ng luha ang mata ko. Masakit. Pero wala sa kalingkingan yun ng sakit sa nararamdaman ko dahil wala ngayon si Michael. Mas masakit sa sakit na ipinaramdam ko sa kanya nung huli kaming nag usap. Kaya balewala lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon kasi nasanay na ako sa sakit simula ng iniwan ako ni Michael.







_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now