Chapter 30

10K 218 6
                                    



Berndatte




Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na ikasal kami. Dahil ba sa sinabi niya na kasal muna bago sex? At talagang yun ang sumira ng paninindigan ko sa pagtanggi pag pinag uusapan namin ang kasal? Eh kasi naman halata kasi na nagpipigil ito. Hindi siya si Michael ko na tuwing may pagkakataon eh pinapapakpak niya ako. Nagsimula kasi yun one time na medyo sumakit ang tiyan tas sinugod niya ako sa hospital. Pero hindi naman ako dinugo or something. Sabi lang ng OB ko eh baka napagod lang ako o nastress kaya ganun. Simula noon hindi niya siya naging intimate sa akin. Nakakamiss lang. Nakakamiss yung pakiramdam na nasa loob ko siya. Yung paghalik niya sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa buntis ako pero parang mas gusto ko lagi na maramdaman ang pag iisa namin. At gusto kong ibigay ang pangangailangan niya bilang lalaki habang kaya pa ng katawan ko.








"Nakausap ko na si Ninong. Naayos na daw niya yung documents para sa kasal natin. Pupunta na lang tayo sa kanila. Sina Mommy at Daddy susunod na lang daw doon. Bakit daw biglaan? Pero sabi ni Mommy dapat daw ikasal pa din tayo sa simbahan. Ibigay ko daw yung kasal na nararapat sayo."










"Dapat sinabi mo kay Mommy na masyado silang strikto na kasal muna bago honeymoon kaya biglaan ang kasal"







Biro ko sa kanya. Ang alam ko yung magulang ni Michael ay nagtanan lang din kasi daw binalik lang daw si Mommy Nyah ng kasal na sila. Tapos iba pa yung engrandeng kasal na binigay ni Daddy Jace dito. Pero infairness daw nga sa magulang nito ay kasal muna daw talaga bago pa tuluyang may nangyari sa mga ito. Tatawa tawa nga si Michael habang sinasabi yun. Ang tindi lang daw ng pagpipigil ng kanyang ama.







"Mamaya sasabihin ko yun sa kanila"







Tas kinindatan pa ako. Tas yung nakakalokong ngiti na naman niya. Yung nakakapanghina lagi ng tuhod ang epekto sa akin. Naimagine ko na si Xenon pag lumaki at mamanahin yung ganung ngiti ng kanyang ama. Mukhang madaming papaiyaking babae ang anak ko banda banda dyan.









Simpleng dress lang din ang sinuot ko. Tas si Michael eh kahit ano naman ang isuot ay gwapo naman talaga. Kahit nga walang suot ito mas gwapo lalo ito. At medyo mainit sa katawan yung naiisip ko.






Mabilis kaming nakarating sa bahay n g ninong ni Michael. Isa tong judge. Kaibigan daw ito ng lolo Mark Ethan nito. Kaya madali lang maiayos ang mga papel na kailangan nila. Andun na ang magulang ni Michael ng dumating kami. Agad akong niyakap ni Mommy Nyah ng makita ako.









"Buti pumayag ka ng panagutan ng anak ko?"







Biro nito sa akin. Natutuwa ako na masasabi ko na kaclose ko na talaga ang Mommy ni Michael. At kaya nga din hindi mahirap na biglaang pumayag sa kasalan na ito kasi alam ko na tanggap nila ako.










"Medyo makulit po si Michael eh. Kaya pumayag na ako. Nga pala Mommy, Xenon Michael po pala ang magiging name ni Baby. Ok lang po ba na hindi Junior?"







"Ok lang yun anak. Dapat yun ang pangalan dapat ni Michael eh. Buti at yun ang naisip niyo. Salamat at yun ang gagamitin niyo"







Naging maayos naman ang kasal namin. Mabilisan nga kung tutuusin. Pero sa buong oras na kinakasal kami hindi halos ako umaalis ng tingin sa akin si Michael. Yung paraan ng pagtitig niya ay mababanaag ang labis na pagmamahal sa akin. May pagkakataon na pumiyok pa ito habang nagpapalitan kami ng singsing. Tinawanan lang tuloy ito ni Daddy Jace.







"Ikaw kung tawanan mo ang anak ko kanina parang hindi halos baha ng luha ang mata mo nung ikasal tayo. Huwag ako Jace"







Andito na kami sa isang sikat na restaurant. Icecelebrate daw namin ang kasal namin. Natawa na lang ako sa kakulitan nilang mag asawa. Pero halata na mahal nila ang isa't isa.









"Mahal tumawa ako kanina kasi naisip ko na mana nga pala talaga sa akin si Michael. Pero pinatunayan lang talaga niya na iyakin ang Villaluz tuwing kinakasal.hahaha"








"Hindi po ako mahihiyang umiyak Dad kasi hindi ko mapigilan yung kasiyahan na nararamdaman ko kasi sa wakas yung babaeng mahal na mahal ko ay asawa ko na"









"Yan din ang sinabi ng Daddy mo sa akin nung tinawanan ko siya. Manang mana."






Napangiti na lang ako sa takbo ng pag uusap nila. Maswerte ako na mapabilang sa pamilyang ito. Yung pagmamahal nila sa isa't isa dagdag pa yung gandang lahi nila. At hindi ko na mahintay na makita ang anak ko. Kasi alam ko na ang gwapo lang nito dahil si Michael ang ama nito.








"Dette pwedeng magsalita. Huwag kang ngiti lang ng ngiti dyan"








"Masaya lang ako Mommy. At maraming salamat po sa pagtanggap sa akin. Sa totoo lang po wala na akong mahihiling pa. Sobrang swerte ko lang na mapabilang sa pamilya niyo. At pangako po na aalagaan ko at mamahalin ang anak niyo hanggang sa huling hininga ko"









Kanina ngingiti ngiti ako. Ngayon naman hindi ko mapigilan na maluha dahil sa sinabi ko. Nakakahawa nga pala ang pag iyak. Lalo na kung sobrang pagmamahal ang pinag uusapan.








"Dette tapos na ang wedding vows natin. Hindi mo na kailangang sabihin pa yun."







Biro sa akin ni Michael. Pero ramdam ko yung kaligayan niya dahil sa mga sinabi ko. Ngayon na ang simula ng panibagong yugto ng buhay ko. Bilang may bahay at sa loob ng tatlong buwan bilang isang ina naman. Alam ko na hindi magiging madali ang lahat. Pero hanggang kasama ko si Michael alam ko na makakaya ko lahat.







_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now