Chapter 19

10.1K 248 13
                                    



Bernadette






"Mahal ko na talaga si Steph" Pauwi na kami ni Michael. Maghapon kaming busy sa trabaho kaya ngayon lang talaga kami nagkita. Kahit sa pagsabay kumain kanina ay hindi na din namin nagawa. Buti hindi ako masyadong nakantyawan ng mga katrabaho ko kaninang pumasok ako. Sa ginawa ni Michael nung nakaraan buti nagkalakas pa ako ng loob na pumasok.







"Ano?!" Medyo pagalit ma tanong sa akin ni Michael. Sabi na nga na magrereact siya. Ang cute talaga niya pag ganyan. "Ang tagal mo bago nasabi sa akin yan. Kung anong nararamdaman mo. Tapos sasabihin mo ngayon na mahal mo si Stephen? Naglolokohan lang ba tayo?! Anong meron sa kanya?"







"Mas magaling siyang magpashoot" Tas ngumiti ako ng nakakaloko.







"Bernadette!!"





Galit na galit na si Michael. Tapos medyo nakakatakot na parang napapabilis yung pagpapatakbo niya ng sasakyan. Ang plano namin magdidinner kami sa labas. Pero sa tinatahak namin mukhang pauwi na kami sa condo namin. Nagalit nga ata. Tinatamad pa naman akong magluto ngayon. Nang itigil niya ang sasakyan. Seryoso pa din ito.








"Bumaba ka na" Hindi siya nito tinitingnan "Akala ko ok na tayo? Sa ilang araw pala na nagkalayo tayo nagawa mong magmahal ng iba? Ganun ba talaga ako kadaling palitan? Masakit Dette. Kaya baka kung ano lang masabi ko kaya bumaba ka na."








"Akala ko ba kakain tayo sa labas? Tinatamad akong magluto Michael"







Yung tingin niya sa akin parang takang taka siya. Nagdadrama na nga siguro siya tas pagkain pa din ang nasa isip ko. Ganun talaga. Food is life.






"Wala akong ganang kumain"







"Bakit ka ba nagagalit? Mahal ko ikaw. Mahal ko si Steph. Wallpaper ko picture mo sa cellphone ko. Lock screen ko naman mukha niya. Hindi ba yun sapat?"





Walang sabi sabi na bumaba si Michael. Galit na nga ata talaga ito. Kaya wala din siyang choice kundi ang sumunod dito. Kailangan ko lang bilisan ang paglalakad para maabutan ito.







"Michael.." Pero hindi niya ako pinapansin. "Pag hindi mo ako pinansin pati wallpaper mukha ni Steph ang ilalagay ko"







"Ano bang problema mo Dette?" Yung mata niya parang namumula na. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa luha. Medyo nasobrahan ata ako ng pagbibiro sa kanya. "Hindi mo ba nakikita? Nasasaktan ako. Masakit na may kaagaw ako sa pagmamahal mo. Masakit na mas nauuna mo siyang makita paghawak mo ng cellphone mo. Tapos parang balewala lang sayo kung anong nararamdaman ko? Sabi ko seryoso ako sayo. Pero ikaw? Bakit parang balewala lang lahat sayo? Kung mas mapapasaya ka niya. Sa kanya ka na lang. Kahit masakit sa akin. Ang mahalaga lang naman sa akin ay maging masaya ka"







"Pinamimigay mo ako?" Hinawakan ko ang mukha niya. Pero nakakatuwa na marinig yun sa kanya. Na mas mahalaga na masaya ako. Kahit hindi sa piling nito. Handa itong magsakripisyo para sa kanya. Kaya mahal na mahal niya ang lalaking ito. At buti na lang talaga hindi niya kailangang magsakripisyo kasi siya lang naman ang makakapagpasaya sa akin. Siya lang ang kailangan ko para sumaya. Yung sayang pangmatagalan. "Hindi ko pwedeng puntahan siya kasi wala akong passport"










"Passport?" Nakakunot ang noong tanong nito. "Di ba kasama mo kanina si Stephen? Bakit kailangan ng passport? Ibang Stephen pa ba?"






Pinakita ko sa kanya ang cellphone ko. At yung reaction ng mukha niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba o magagalit sa akin.








"Magaling siyang magpashoot di ba?" Tas nginitian ko siya ng pagkatamis tamis. "Siyempre back to back MVP ata to"







"Baliw"





At niyakap niya na ako. Nagulat siguro siya na si Stephen Curry yung nakita niya. Dalawa naman silang gusto kong player sa NBA ngayon. Pero si Stephen kasi yung nakakatuwang panuodin. Yung ineenjoy lang niya talaga. Kaya nakakapagtaka na hindi agad naisip ni Michael siya. Alam naman niya yun na mahilig talaga ako sa basketball. Na nasanay akong manuod dahil doon lang ako makakasabay sa usapan ng mga dati kong katrabaho na puro lalaki. Basketball ang naging daan ko para hindi ma out of place sa kanila. Hanggang sa napamahal na din talaga ako sa laro. Ball is life din kasi.







"So pwede na tayong kumain sa labas? "






Kinuha niya ang cellphone ko. Pina open muna niya sa akin tas parang may tiningnan ito.






"Yan pwede na tayong kumain"






Tapos pagbalik niya sa akin ng cellphone ko. Pinalitan niya ng picture niya ang lock screen ko. Akala ko pagpapalitin lang niya yung picture nila ni Steph pero pati wallpaper ko ay picture din niya. Ang baliw lang din.






"Pag pinalitan mo yan itatapon ko yang cellphone mo"





Seryosong sabi ni Michael. Sabi ko nga huwag masyadong biruin ang lalaking ito. Kakaiba ang topak.








"Ang cute mo" Hinalikan ko siya sa pisngi "Mas magaling ka naman magpashoot kay Steph. Kahit sa dilim pasok eh.hahaha"







"Pag pinalitan mo yang nasa cellphone mo. Hindi mo mararanasan yung pagpapashoot ko sa dilim"






"hahaha sabi ko nga." Ang baliw lang. Pati ba yun sinali? Parang hindi din naman yun matitiis yun. "Hayaan mo ipapadisable ko yun. Kung magagawa nila na hindi na pwedeng magpalit ng picture"






Tapos tumawa lang ito ng malakas. Syempre Sex is Life din. bwahahah Sabi nila nakakabaliw daw magmahal. Depende siguro. Kung katulad ni Ethan Michael Villaluz ang mamahalin mo, panigurado ang pagkabaliw mo. And I'm crazy in love with him.



_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now