Chapter 6

16.1K 312 14
                                    


Bernadette


Hindi na niya pinansin si Michael nung ihatid siya nito. Inabala niya ang sarili na ayusin ang mga gamit niya. Buti na lang halos damit lang ang madadala niya talaga. Yung ibang gamit naman dito sa bahay ay dinatnan na niya dito. Medyo naiinis siya kay Michael kaya kailangan niyang matapos agad sa paglipat para makalayo muna siya sa presensya nito.




Mas gusto pa niya ito nung una silang nagkakilala. Kahit simple ang suot medyo matino pang kausap. Samantalang ngayon na ang pormal pormal ng suot ang bastos bastos ng lumalabas sa bibig.





"Hindi ka papasok pala bukas?"






Nakaupo lang ito doon sa may bandang sala habang paikot ikot siya sa pag aayos ng mga gamit niya.








"Hindi. Nagsabi naman ako sa supervisor na mag aasikaso ako ng paglilipat. Hindi ko kasi akalain na diretso na ako kanina talaga sa trabaho. Tara na."







Umuna na siyang lumabas dito. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako na makasama siya ng ganito kalapit. Balewala naman sa kanya kung ungkatin nito kung ano man ang namagitan sa kanila ang kinakatakot niya ay baka maulit ito. Alam ko na posible yun. Kanina nga nahalikan na agad siya.







"Medyo maaga pa naman tayong makakarating sa titirhan mo. Punta tayo sa Bar maya. Wala ka namang pasok bukas. Tapos celebration na din kasi may trabaho ka na"







Kahit medyo naaakit siya na lingunin ito dahil sa hinahon ng boses ay pinigilan niya ang sarili niya. Hindi pwede.







"Hindi na ako iinom ng alak"





"At bakit naman?"





"Kasi medyo masama ang epekto ng alak nung huli kong inom. Ilang araw akong hindi pinalakad."







"HAHAHA Ang cute mo"




Cute? Eh kung batukan ko kaya siya ng malinawan siya sa cute na pinagsasabi niya. Kaasar.





"Basta sasama ka sa akin mamaya Dette"






Medyo nakakasar lalo na parang pinapangunahan niya ako. Oo may nangyari sa amin. Paulit ulit nga yun kung yun ang gustong ipamukha ng lalaing ito. Pero may nangyari man sa amin o kung maulit man yun buhay ko pa din ito. Ako pa din ang magdedesisyon.




"Kasama ba sa kontrata ko na gawin ang bagay na ayaw ko?"






Biglang sumeryoso ang mukha ni Michael. Hindi na din ito nagsalita pa. Hanggang sa makarating kami sa sinasabi nito na lilipatan ko. At medyo nakakatakot ang hindi niya pagsasalita. Parang gusto kong bawiin yung mga sinabi ko. O ipabago ang kontrata ko at ilagay dun na kahit anong ipagawa niya ay susundin ko.





Kahit ang ganda ng condo unit na pinasukan namin ay balewala dahil hindi mawala sa isip ko ang itsura niya. Inabot lang nito sa kanya ang keycard. Ni hindi sinabi kong ayos lang ba na pakialaman ko ang lahat ng andito.








Akmang lalabas na ito pero tumigil ito tapos nilingon niya ako. Yung seryosong mukha niya hindi pa din nagbabago.






"Kung ako ba ang nag interview sayo bumalik ka pa kaya?"






Medyo natigilan lalo siya sa tanong nito. Kasi baka nga hindi na din ang bumalik kasi wala akong mukhang ihaharap sa kanya. Alam ko na kung may nangyari man sa amin ay nag umpisa yun dahil may attraction akong nararamdaman sa kanya. Kaya ang makaharap siya muli alam ko na manganganib ang lagay ng puso ko.







"Pero sabagay baka hindi din naman kita tanggapin sa company"






At tuluyan na itong lumabas. Yung luhang pinipigilan ko kanina pa ay nag uunahan na ding pumatak. Hindi niya daw ako tatanggapin. Ang sakit. Oo iniisip ko kanina na sino ba ako? Hindi ako bagay sa kanya. Pero yung galing mismo kay Michael yung mga salitang yun. Yung ayaw niya akong makasama sa kumpanya ay sobrang sakit talaga. Masakit pa sa ilang araw kong naranasan na hindi ako makalakad. Masakit pa sa nalaman ko na mawawalan ako ng trabaho. Masakit pa sa kung anong sakit na pwedeng isasakit pa.





_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now