Kabanata 1

668 41 50
                                    

{Chapter 1}

"They say if you dream a thing more than once, it’s sure to come true."

-Princess Aurora

Bakit namatay si Goyo my loves!" Sigaw ng kaibigan kong si Jamila dahilan para mapatingin ang ibang tao dito sa sinehan.

"Hoy gaga. mahiya ka nga" Giit ni Jenelyn na kaibigan ko din sabay hampas sa braso ni Jamila.

"Oh? Ano? Inlove ka din kay Goyo?" Tanong sakin ni Jenelyn dahilan para mapatalon ang balikat ko.

"Ha ako? Hindi ah. Di ako tulad niyo na may crush sa isang babaero " sagot ko sabay sumandal sa upuan ng sinehan.

"Grabe ka naman frenny. Palibhasa kasi single ka. Umibig ka naman minsan kahit character lang or fictional. Jusko" Saad ni Jamila sabay binato ako ng popcorn.

"Marcella Reign Garcia! Umibig ka naman jusmeyo!" Sambit pa ni Jamila sabay bato ulit ng popcorn.

Natawa nalang ako at ibinaling ang tingin ko sa sinehan.

Parang may iba akong napapansin sa movie na to. Lalo na doon sa lalaking naka salamin. Parang may ugnayan ako sa kaniya.

Napailing nalang ako sa mga iniisip ko. Okay lang ba ako? Movie lang yan iniisip ko na may ugnayan ako kay Aaron Villaflor? Hays malaking kalokohan.

Nagsimula ng maglabasan ang mga tao. Agad akong tumayo at sinuot yung jacket ko. Bigla namang sumakit yung ulo ko na parang bininiyak kaya napaupo ulit ako.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jamila sabay hawak sa balikat ko.

"Ayos lang ako" Sagot ko at dahan dahang tumayo.

Kinuha ko yung catinco at nilagay sa magkabilang gilid ng noo ko. Hays ano bang nangyayari? Bigla nalang sumakit ulo ko ng walang dahilan.

Siksikan kaming lumabas sa sinehan dahil sa dami ng tao. Napahawak nalang ako sa noo ko na pumipintig din ngayon.

"Kain muna tayo sa restaurant" aya ni Jenelyn sabay ngiti.

Napangiti nalang din si Jamila dahil mukhang manlilibre si Jenelyn ngayon.

Napailing ako at kumawala sa hawak ni Jamila sa braso ko. "Uuwi na ako. Ang sakit kasi ng ulo ko" sambit ko sabay hawak sa noo ko.

Hinawakan naman ni Jenelyn ang noo ko. "Hindi ka naman mainit. Okay ka lang?" Ani pa niya.

"Sige frenny. Magingat ka. Inom ka gamot" Wika ni Jamila sabay yakap sakin.

Napatango nalang ako at naglakad papalayo sa kanila.

May nararamdaman akong kakaiba na hindi ko maipaliwanag.

*-*-*-*

Paguwi ko sa bahay, nagulat ako ng biglang nag iimpake sila mama.

"Ma, saan tayo pupunta?" Tanong ko sabay umupo sa sofa.

"Magbihis ka, pupunta tayo sa lolo mo sa Cavite" Sagot ni mama habang patuloy pa din sa pag aayos ng mga dadalhin namin.

Ano nanaman kaya gagawin namin sa Cavite?

Pumasok ako sa kwarto at nagbihis. Sobrang sakit talaga ng ulo ko. Wala naman akong lagnat.

Napaupo nalang ako sa kama at tumulala. Parang may iba talaga e. Hindi ko lang masabi kung ano yun. Dahil ba sa movie?

Napailing nalang ako sa inisip ko. Anong connection sa akin ng movie na yun. Wala naman diba? Kung ano ano pa iniisip ko.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now