Kabanata 17

60 13 0
                                    

{Chapter 17}

"Bakit mo binigay kay Hilaria yung obra na ibinigay ko sayo? Mag paliwanag ka" Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Akala ko pa naman alam na niya lahat lahat. Akala ko nag tatampo siya sa akin dahil hindi ko sinabi na nananaginip lang ako. Yun pala kaya siya nag tatampo dahil binigay ko kay Hilaria yung mini painting na galaxy na galing sa kaniya.

Tinalikuran niya ako dahil hindi ko nasagot ang tanong niya. Hinawakan ko siya sa braso. "Sorry na. Nalaman ko nalang kasi na nag sara ang tindahan ng palamuti dahil sa pag lusob ng mga amerikano. Bibili sana ako ng payneta para kay Hilaria kaso wala e nag sarado. Bukas pa daw ulit mag bubukas" Paliwanag ko sabay bumitaw sa pag kahawak sa braso niya. Napalingon siya sa akin.

"Hindi ko rin naman gusto na ibigay yun kay Hilaria pero wala na akong mapagpipilian. Kung ibibigay ko naman yung pamaypay hindi pwede dahil sa paborito ko iyon nakaukit din ang pangalan ko. Hindi ko rin naman pwedeng ibigay yung panali dahil bagay sa akin yun at suot ko araw araw. Hindi ko rin naman pwedeng ibigay yung garapon dahil marami na akong sulat na nailagay doon ukol sa nangyayari sa bawat araw. Kaya sorry na. Kung hindi sumugod ang mga amerikano edi sana hindi ko nabigay yun kay Hilaria at nabibilhan ko siya ng payneta. At hindi ka na din magtatampo sa akin diba?" Patuloy ko. Nakatingin lang siya sa akin ngayon dahil mukhang nakokonsensya na siya sa pagtatampo sa akin.

"Totoo ba na hindi mo gusto ibigay kay Hilaria ngunit wala kang mapag pipilian?" Tanong niya sabay ngiti. Umaliwalas na ang mukha niya. Sabay kaming naupo sa damo.

"Oo totoo yun. Paborito ko ang mga tala" sagot ko sabay yuko. "Wag kang yumuko hindi ako sanay" wika niya kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nagalit siya agad dahil binigay ko kay Hilaria yung painting.

"Yun lang pala ang dahilan kung bakit ka nag tatampo sa akin. Hindi mo din ako kinakausap sa pagamutan, hindi mo ako pinapansin kagabi. Dahil lang pala don. Ano bang nakakatampo sa bagay na yun?" Tanong ko sabay tingin sa kaniya. Umusog siya ng kaunti papalapit sa akin pero hindi nag dikit yung braso namin.

"Dahil pareho nating paborito ang tala. Nag tampo ako sa'yo dahil ibinigay mo sa iba ang bagay na paborito nating dalawa. Nakipag unahan pa ako sa isang binibini mabili lang yun para sa'yo" sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya. Siya din pala yung tipong tao na gagawin ang lahat para makuha ang isang bagay.

Napayuko ulit ako. "Pasensya na talaga. Sorry" saad ko pa. Hindi ko rin naman naisip na makikipag unahan pa siya sa iba para mabili lang ang painting na yun.

Hinawakan niya ang baba ko para umangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko. Sandali akong napatitig sa kaniya. Ilang beses ko na siya inaaway pero gumagawa pa din siya ng ikakasaya ko. Tama si Hilaria. May kasalanan siya kay Joven pero nagawa pa ding iligtas ni Joven ang dating sinisinta. Ganoon din siya sa akin bilang kaibigan niya.

"Kamusta ka na pala?" Tanong ko habang nakatingin ng diretso sa paligid. Agad akong tumingin sa kaniya kaya sumagot na siya.

"Naging maayos na ang aking pakiramdam" sagot niya. Napaiwas nalang ako ng tingin at napatango.
"Natanggal na ang bala. Naging matapang ako habang tinatanggal iyon ng doktor dahil naisip ko ang isang tao na nagiging dahilan kung bakit ako lumalakas at tumatapang sa mga ganong bagay. Hindi ko na rin masyadong iniinda ang sakit na nararamdaman ko sa pagkamatay ni ama at ina. Ng dahil sa kaniya araw araw na akong panatag" Patuloy niya sabay ngiti. Napatango nalang ako dahil kahit itanong ko sa kaniya iyon ay hindi niya sasabihin. Kaya pala lagi na siyang masaya ng dahil sa iisang tao lang. Lagi na siyang positive. Nung una ko siyang nakilala ang tahimik niya at wala pang kibo. Iba na siya ngayon. Makulay na ang buhay niya dahil sa taong iyon.

"Dapat na mag pasalamat ako sa taong iyon dahil madaldal at pala ngiti na ang statwa na tulad mo" Parehas nalang kaming natawa sa sinabi ko. Ramdam ko din ang saya dahil hindi na siya si Joven na nakilala ko noon na parang walang pakialam sa mundo.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now