Kabanata 26

55 10 0
                                    

{Chapter 27}

Napapikit nalang ako ng tumunog yung sanga. Nakaupo kami ni Joven sa puno habang mag katalikod. Hindi ko siya kaya kausapin ngayon.

Napatingin ako sa kaniya. Likod niya lang ang napagmamasdan ko. Bigla kong naalala yung sinabi ni Hilaria kanina.

"Ikaw ang pinili ni Joven. Sa dami nang binibini ang humahabol sa kaniya sa kaniya mas may oras siya sayo kaya sana mapansin mo iyon"

"At ikaw ang nais niyang pakasalan Linang. Umaasa ako na kung maaari ay magkatuluyan kayong dalawa kahit ilang trahedya pa ang dumating sa buhay niyo. Paano siya mag lalakas loob na umamin sayo kung hindi mo ipakita ang ang tunay na nararamdaman mo? Natuturuan ang sarili mag mahal. Kaya habang hindi pa huli, mahalin niyo na ang isa't isa at sulitin ang natitirang sandali. Hindi niyo hawak ang mundo kaya wala kayong magagawa kung kung patuloy na nga nag bago ang ang agos at ang hangin ng tadhana"

"Sa tingin mo, mababalik pa ba ang lahat kapag tapos na? Kahit lagyan mo pa yan ng pandikit hindi na kayo makakabalik sa umpisa dahil nga nag wakas na ang lahat"

Pinunasan ko agad kung luha na tumulo sa mata ko. Tama si Hilaria. Mas mabuting sulitin ko ang sandali kasama si Joven. Malapit na nga ba mag wakas ang lahat?

"Pinapunta mo ako dito tapos hindi mo ako kinakausap" Panimula ko sabay tingin sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin. Mga tingin na mahirap iwasan.

"Hindi mo rin naman ako kinakausap" Buwelta niya sabay tumalikod ulit. Nababaliw na ba siya? Siya nga nag-aya dito tapos hindi niya ako pinapansin. Saltik nga naman.

"Hibang ka ba? Sana pala hindi na ako sumama sayo" Dagdag ko sabay irap. Narinig ko ang mahina niyang pag tawa kaya mas lalo akong nainis.

"Wala namang nakakatawa sa mga sinasabi ko. Mukha pa akong payaso? Hindi ako nag jo-joke tapos tatawa ka? Isa pa hibang" Sambit ko sabay tingin sa kaniya. Nakangiti siya ngayon kaya napakamot nalang ako sa ulo. Minsan hindi malaman dito kay Joven kung may nakakatawa ba o sadyang "SIRAULO" siya.

"Sasagutin ko ba yang tanong na yan kung ikaw naman ang dahilan ng aking pag-ngiti?" Tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko mapigilang mapa ngiti sa sinabi niya. Hay nako Marcella kalma. Wag kang bibigay!

"E-ewan ko sayo. Manahimik ka dyan" Banat ko sabay irap. Tumawa ulit siya at umusog sa tabi ko. Napatingin nalang ako sa bandang kaliwa ko para hindi makita ang pag mumukha niya.

"Umusog ka nga doon!" Reklamo ko sabay turo sa inupuan niya kanina. Tinawanan niya lang ako kaya mas lalo akong napikon. 

"Tawa ka ng tawa diyan" Bwelta ko pa at umiwas ng tingin. Umusog pa siya sa tabi ko kaya nag dikit ang braso namin.

"Nakasimangot ka nanaman" Wika pa ni Joven sabay tingin sa akin. Napataas kilay nalang ako at akmang uusog pa para malayuan siya kaso wala ng pwesto. No choice nanaman. Makakatabi ko talaga siya.

"Ngumiti ka naman. Hindi bagay sayo ang nakasimangot" Patuloy niya sabay hinawakan yung mukha ko at pinisil yung ilong ko. Inalis ko naman ang kamay niya at umirap. Bakit ba niya ako sinasabihan ng ganiyang mga bagay? Pinapa kilig niya ata ako e.

"Wag ka nang umasa. Hindi ako kinikilig sa mga sinasabi mo. Promise cross my heart and hope to die!" Singhal ko pa. Ngiti lang ang pinalit niya sa pag dakdak ko sa kaniya. Umirap nalang ulit ako kaya mas lalo siyang natawa.

"Ikaw ay nagsisinungaling. Bakit namumula ang iyong mukha?" Tanong niya sabay tawa. Pinigilan ko nalang ang pag tawa ko. Ang lakas nitong mang asar ni Joven. Nakakainis.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now