Kabanata 41

74 11 0
                                    

{Chapter 41}

NAPAHAWI ako sa aking buhok ng tumama ito sa mukha ko dahil sa malakas na pag ihip ng hangin. Nasa ilalim kami ng puno ng mangga ngayon ni Joven. Naka unan siya sa hita ko habang marahang hinihimas ang kamay ko. Hinimas ko naman ang makapal niyang kilay gamit ang hintuturo ko. Hindi ko talaga maintanggi na bagay na bagay kay Joven ang kilay niya. Para sa akin, siya na ang pinaka gwapong dumating sa buhay ko. Pinkish din ang labi niya kaya kissable ito. Ugh parang nabitin ako sa romantic kiss niya kanina. Nakaramdam nalang ako ng paru-paro sa tyan ko ng maalala kung paano niya ako halikan kanina. Ang sarap sa pakiramdam. Kahit papaano nawawala ang bigat ng puso ko. Napahawak nalang ako sa mukha kong namumula ngayon. Shet! Hindi talaga ako maka get over. Gusto kong mag wala. Gusto kong mag pagulong-gulong.

Automatically akong natigilan ng dumaing si Joven. Napa bitaw nalang ako sa kilay niya dahil nalaman ko na hinihila hila ko ito. Si nonampal sampal ko nalang ang sarili ko dahil sa ginawa ko kay Joven. Kung hindi ko narinig ang 'Ouch' niya sana wala na siyang kilay ngayon. Baliw ka talaga, Marcella!

"Sorry h-hindi ko naman sinasad---"Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng iaangat ni Joven yung kamay niya at hinawakan yung pisnge ko na may dimples. Napayuko nalang ako pinigilan ang pamumula ng mukha ko. Hindi niya pwedeng mapansin na kinikilig ako ako. Ngumiti si Joven kaya mas lumakas pa ang pintig ng puso ko. Nakakamatay talaga yung ngiti niya. Mas lumilinaw ang kagwapuhan niya kapag ngumingiti siya. Parang mata ko lang. Lumiliwanag, kumikinang kapag pinag mamasdan siya. Hindi mapapagod ang mga mata ko habang tinititigan siya. Nagagalak pa ang aking puso at tinatamaan ako ng kilig at kahinaan.

"Batid ko naman na lumulukso ang puso ko dahil sa---" Napatigil naman si Joven ng mag salita ako. Napa 'Bwisit' nalang ako sa utak ko at napahawak ng mariin sa mukha ko. Ayan nahalata na niya na kinikilig ako sa sitwasyon namin kanina. Napansin niya siguro na namumula ang mukha ko. Nakakahiya kay Joven. Nag mumukha akong timang sa harap niya tapos napapansin niya pa kung gaano ako ka happy ngayon. Pinapahalata ko din naman para asarin niya ako hehe. Gusto ko yung lagi niya akong inaasar o tinatawanan. Mas nahuhulog pa ako sa kaniya at hindi ko na kaya pang harangin ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"Ah-uhm" Natigilan nalang ulit ako ng mag flashback muli sa aking isipan kung paano niya idiin ni Joven yung labi niya, kung paano niya hawakan ang bewang ko ng mahigpit. Kung paano siya ngumiti ng matamis kanina. Haysss! Ano pa ba ang dapat kong maramdaman sa ginawa niya? Iiyak ako? Mag papadyak padyak? Ganern? Syempre talagang kikiligin ako. Siya yung humalik sa akin. Alam ko naman na marupok tong puso ko pag dating kay Joven.

"Naiinis lang ako sa ginawa mo. Nakaka bastos. Nabitin ako" Bulong ko sa sarili ko at muling hinimas ang buhok ni Joven. Napatingin ako sa kaniya ng marinig ko ang mahina niyang pag tawa. Hawak hawak niya na din yung tiyan niya dahil sa pag tawa niya. Napakunot naman ang kilay ko. Bakit siya natawa?! Narinig niya ba yung sinabi ko? Oh no! Ang hina na nga ng boses ko tapos narinig niya pa?

Sinampal ko nalang ang sarili ko at sinabunutan. Napatigil ako ng bumangon si Joven at umupo sa tabi ko. Napaiwas nalang ako ng tingin ng mag dikit ang braso naming dalawa. Dumaloy nalang ang kuryente sa katawan ko at mas lumalakas pa ang tibok ng puso ko na tila'y mahihimatay ka sa bilis.

"Ibig mo bang hindi mabitin?" Tawa pa ni Joven kaya napahawak ako sa mukha ko dahil sa hiya. Pulang pula ang buong mukha ko ngunit sinikap kong pigilan iyon. Nanlamig ang buong katawan ko at tila naging manikin girl ako mula sa aking kinauupuan ng hawakan ni Joven ang baba ko para makatingin ako sa mga mata niya ng diretso. Napayuko nalang ako para iiwas ang tingin ko sa kaniya. Nanatili ang kamay ni Joven sa baba ko kaya bigla akong kinabahan pero mas nangunguna pa rin ang kagalakan ng aking puso at katawan. Bakit ba kasi narinig niya pa yung sinabi ko? Kung nanahimik nalang ako sana wala akong ibang hinala ngayon. Alam ko na yang mga damoves nitong si Joven kaya mas nag wawala pa ng ang puso ko. DUG DUG DUG.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now