Kabanata 45

121 13 0
                                    

{Chapter 45}

WARNING!! Violence/sexual harrassement scenes. Just following the plot line!!!

{THE FINAL DREAM }

NANATILI akong nakatitig sa mga mata ni Carlos na siyang may hawak hawak ngayon ng napakahalagang notebook na punong-puno ng sikreto. Hindi din mawala ang ngisi sa labi niya ng malaman ang katotohanan na hindi dapat malalaman ng kahit sino. Agad naman akong tumayo at inagaw sa kamay niya yung notebook kaya natigilan siya

"W-wag k-kang m-maniwala sa mga nakasulat dito. A-ako si Marcelina!" Saad ko naman dahilan upang muli siyang humalaklak kasabay ng pag iling. Napasigaw nalang ako at napasabunot sa sarili kong buhok dahil hindi ko malaman kung anong gagawin ko para matakasan pa ang mga ito.

Umabante naman si Carlos papalapit sa akin at hinimas ang buhok ko patungo sa mukha hanggang sa leeg. Pagalit ko namang Inalis ang kamay niya at buong tapang siyang tinitigan sa mata. Kailangan mabawi ko ang mga nalalaman niya dahil hindi ako sigurado sa gagawin niya kay Joven. Sisirain pa lalo ni Carlos ang panaginip ko at hindi ako makakapayag na mangyari yun. Kailangan kong ipag tanggol si Joven sa kamatayan dahil yun naman talaga ang layunin ko dito.

"H-hindi ito sa akin! Ipasawalang-bahala mo nalang ang nalalaman mo!" Patuloy ko pa at binato yung notebook ngunit tinawanan niya lang ako habang umiikot ikot sa akin. Hindi ko maramdaman ang buong katawan ko dahil sa mga nangyayari. Lalo na't may isa nang tao ang nakakaalam kung sino ako.

"Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa'yo, Marcella? Akin lamang ipinag tataka kung paano ka nakapunta sa aming panahon gayong nag mula ka sa makabagong henerasyon. At mas naguguluhan ako sapagkat panaginip ang nakasulat sa kwadernong iyan. Nasaan ka ba talaga ngayon? At paano nangyari na makarating ka dito? Ibig sabihin ikaw ay may kapangyarihan?" Wika pa ni Carlos at tumigil siya muli sa tapat ko.

Napatingala nalang ako sa kaniya habang hindi maalis ang matalim na tingin sa mga mata niya. Wala na si goddess Mari kaya wala akong mahihingian ng tulong sa oras na ito. Siya lang ang may kapangyarihan sa panaginip ko. Hindi ko makokontrol ang oras at panahon dito.

"Hindi nga sa akin yan!" Sigaw ko pa at sinipa pa yung notebook dahilan upang maputikan ang pabalat nito kung saan nakasulat ang pamagat na naisip ko. Napatitig nalang si Carlos sa notebook na nabubulatan na ng putik at muli siyang tumawa. Wala na talaga akong magagawa. Nalaman na niya ang lahat. Nalaman na niya ang tunay kong pagkatao.

At isa pa, nag tatangka siyang mabigo ako sa misyon ko at masira ang panaginip ko. Naalala ko ang bilin ni lolo Diosdado na dapat mabuhay si Joven dahil kung hindi,hindi ako nag tagumpay sa misyon ko. Mauulit ang lahat na nangyari na noon. Mahihirapan at masasaktan si Joven. Mauulit din ang kapalaran nila ni Marcelina. Ano pa bang silbi ko kung hindi ako magtatagumpay? Nararapat nang simulan ang matinding labanan na ito.

"Itigil mo na ang iyong pag mamaang-maangan, binibini. Nasa akin na ang alas at wala nang makakapigil pa sa mga gagawin ko, sayo" Bigla naman akong siniklaban ng takot dahil sa banta ni Carlos. Napaatras nalang ako at akmang tatakbo pa sana ngunit huli na ang lahat ng mahawakan niya ang braso ko ng mahigpit. Nanginginig lang ako ng husto na tila ba nawawala na ako sa sarili ko dahil sa pangangamba. Tumawa muna siya ng mahina sa kaliwang tenga ko bago siya mag salita.

"A-ako na ang masusunod ngayon, Marcella. D-dahil kapag hindi mo sinunod ang mga gusto ko, madali akong kausap. Papaslangin ko si Jovento sa buwan ng mayo. Bibiguin kita sa misyon mo kung hindi ka makikinig sa akin" Bulong naman ni Carlos at sabay tawa. Napapikit nalang ako at agad na kumalas sa hawak niya kaya napaatras siya. Hindi na maawat ang pag bagsak ng luha sa mga mata ko habang sinasabuyan ng galit ang puso ko dahil sa kaniya.

When I met you in my DreamsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora