Kabanata 37

83 13 0
                                    

{Chapter 37}

"MASYADO pang mataas ang iyong lagnat upang tayo'y mag layag sa ilog" Paalala ni Joven ng sabihin ko sa kaniya na mag tampisaw kami sa ilog. Napahawak naman ako sa noo at leeg ko. Sobrang init ko kaya sumasakit din ng sobra ang ulo ko.

Napangiwi nalang ako. Napatingin ako kay Joven ng hawakan niya ang kamay ko habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. Kakaibang kilig at kaba nanaman ang nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti dahilan upang mapaiwas ako ng tingin.

"Nararapat kang mag pahinga at wag na wag mong papagurin ang iyong sarili" Patuloy pa niya. Puno ng pag aalala ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Inalalayan niya naman akong maka higa dahil naka upo lang ako sa kama. Pinunasan niya yung pawisan kong noo gamit ang kamay niya at inalis din ang buhok na napunta sa mukha ko.

"Nag aalala ako sayo. Akala ko iiwan mo ako. Halos hindi ako makakain at maka tulog sa lalim ng iniisip. Isang linggo kang mahimbing na natutulog. Lagi kong binabantayan ang iyong pag hinga sa takot na baka ikaw ay sumakabilang buhay na" Dagdag pa ni Joven. Pinisil pisil ko nalang yung kamay niya ng hindi nakatingin sa kaniya. Ibig sabihin, lagi siyang puyat ng dahil sa akin. At tumatakbo din ang oras dito sa loob ng panaginip.

"Ikaw talaga. Masyado kang maaalalahanin. Hindi ako mamamatay. Tingnan mo, nandito pa ako. Mag sasama na muli tayong dalawa" Sambit ko naman habang hawak hawak yung kamay niya. Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata niya. Ngumiti naman si Joven at hinalikan yung kamay ko.

"Sabi ko na nga ba. Hindi mo ako magagawang iwan" Saad pa ni Joven sabay tawa. Napaiwas nalang ako ng tingin at natawa nalang din. Hinawakan niya naman yung pisnge ko at muling ngumiti.

"Ikaw ay mas marikit kapag lumilitaw ang iyong puyo sa pisnge. Ito rin ang dahilan kung bakit parating lumalakas ang tibok ng aking puso" Dagdag pa niya habang hawak hawak yung pisnge ko. Dahil sa kilig na naramdaman ay hindi ko na napigilan pa ang muli kong pag ngiti. Mas lalong umaliwalas ang mukha ni Joven habang nakatingin sa akin.

"Sus. Nambola ka pa" Wika ko pa sabay tawa. Napaiwas nalang ng tingin si Joven at palihim na napangiti. Mas lalong lumalakas ang tibok ng aking puso dahil labas ang ngipin niya ng ngumiti siya. Napahawak nalang ako doon at napapikit para pakiramdam. Automatically na napadilat ang mata ko ng hawakan ni Joven yung kamay ko na nasa tapat ng dibdib ko. Napatitig nalang ulit ako sa mga mata niya. Nababalutan ng sigla ang aking puso dahil nandito na muli siya sa aking tabi.

"Ah, anong petsa na ba ngayon? Hindi kasi ako updated e" Pag iiba ko ng usapan. Inalis naman ni Joven yung kamay niya na naka patong sa kamay ko bago sumagot.

"Ngayon ay ika-dose ng disyembre. Bakit mo naman natanong?" Pag bato sa akin ni Joven ng tanong. Halos lumuwa naman ang mata ko. December 12 na?!!!

"Ah-eh wala lang. Hindi ko na kasi nalalaman kung anong petsa at araw" Sagot ko naman. Napatango nalang muli si Joven at humawak sa kamay ko.

"Bukas na ang kaarawan ng iyong minamahal na kapatid na si Clara" Sambit pa niya dahilan upang mapatigil ako. Birthday ni Clara bukas?!

Sa hinaharap ay July 29 pa lang. Habang dito sa panaginip December 12. 6 na buwan nalang ang nalalabi, makakalabas na ako dito.

"Iniwan pa kasi ako ni Clara e. Sabi ni Hilaria birthday daw ni Felicidad sa Pebrero habang si Martha sa Abril" Malungkot na saad ko. Hinawakan nalang muli ni Joven yung kamay ko at pinisil.

"Nandito ako upang damayan ka habang buhay, Marcella" Kumabog nalang ng malakas ang puso ko ng tawagin ni Joven ang tunay kong pangalan. Pinunasan niya naman yung luhang tumulo sa mga mata ko gamit ang kamay niya. "Sana maisip nila na miss na miss ko na sila. Gusto kong bumalik muli sa umpisa kung saan masaya pa sila kasama ako" Patuloy ko pa at tuluyan ng umiyak sa balikat ni Joven. Hinimas niya nalang ang likod ko dahil patuloy pa din ako sa pag iyak. Gusto kong ilabas ang sama ng loob na naiipon ng tuluyan sa puso ko. Hindi ito mawawala kung hindi ko ilalabas.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now