Kabanata 36

73 14 0
                                    

{Chapter 36}

Kawit, Cavite 1944

Third person POV

"LOLA, bakit po ang lungkot ng wakas? Wala na po ba si Marcella? Hindi na sila mag sasama ni Joven?" Nabalikwas si lola Hilaria sa tanong ng apo niyang si Anita. Nasa edad 72 na si lola Hilaria ngunit hindi kumukupas ang ganda nito. Tinapik niya nalang ang ulo ng apo at napabuntong hininga. Sumisikip din ang kaniyang puso ng maalala ang sinapit ng matalik na kaibigan na naka pasok sa sarili niyang panaginip. Si Marcella.

"Apo, hindi pa iyon ang wakas. Gusto mo ikaw nalang ang mag kwento" Tawa ni lola Hilaria kaya napatigil si Anita. Napatitig nalang ito sa libro at sinuklay ang kaniyang buhok.

"Ibig sabihin po, hindi pa iyon ang huling pagkakataon na magkasama si Marcell at Joven?" Tanong pa ni Anita. Napatango nalang si lola Hilaria at tumingin sa apo. "Oo. Marami pang pag subok ang dadaan sa buhay ng dalawa" Sagot pa niya. Napangiwi nalang si Anita.

"Kakayanin po ba nila yun? Kasi, natatakot po ako. Baka maging magulo muli ang lahat" Malungkot na sambit ni Anita. Napabuntong hininga nalang muli si lola Hilaria at binuksan yung libro.

"Itutuloy na natin ang kwento" Napangiti naman si Anita dahil sa narinig. Umayos naman siya ng upo at hinanda ang sarili upang makinig sa susunod na mangyayari.

"Kabanata trenta'y sais" Wika ni lola Hilaria. Taimtim lang na nakikinig si Anita sa kaniya at sinusubaybayan ang pagmamahalan ng isang binibining nananaginip at isang ginoo na nag mula sa panaginip.

----------------------------
Marcella's POV

INGAY ang unang nahagip ng aking pandinig. Kumikirot din ang puso ko pati ang tagiliran ko. Agad na napadilat ang mata ko. May isang doktor ang may hawak na stethoscope at tinapat ito sa puso ko. Agad naman siyang napatingin sa akin.

"Gising na po ang pasiyente" Wika ng doktor kaya napatigil si mama, si Cheska at si Cristal. Pumunta sila papunta sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Marcella anak. Salamat sa diyos at nagising ka na" Nag aalalang wika ni mama. Tumango muna ang doktor bago tuluyang umalis. Hinawakan ko naman yung tagiliran ko at bumangon.

"Thank God kasi gising na si ate Marcella! Nag alala kami sayo ng sobra, ate. Akala namin hindi ka na magigising pa" Sambit naman ni Cristal. Kinusot ko nalang yung mata ko at napatingin sa bouquet ng roses na nasa tabi ko. Nanlaki naman ang mata ko dahil suot ko ang isang pamilyar na kwintas. Ang kwintas na bigay ni Joven. Joven Protacio na nakilala ko sa aking panaginip.

Nabaril ako sa tagiliran at puso. Yun ang huling nangyari. Tapos dumilim ang buong paligid at may isang babae na bumulong sa tenga ko na tapos na ang lahat at hindi na ako makakabali sa loob ng panaginip. Tumulo nalang ang luha sa mga mata ko. Yun ba ang final dream?

"Bakit, ate?" Nabalikwas ako ng mag tanong si Cheska. Umiling nalang ako at ngumiti. "Wala, natusok lang ng kuko ko yung mata ko kaya naluha ako"  Sagot ko. Napatango nalang si Cheska. Inabot naman sa akin ni mama ang tray ng pagkain at sinenyasan ako na kainin yun.

"Pupunta lang ako sa drugstore. Bantayan niyo ang ate niyo" Bilin ni mama at kinuha yung pouch niya. Humiga naman si Cristal at Cheska sa tabi ko.

"Namimiss ka na din ni kuya Gwaps" Napakunot naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni Cristal. Natawa siya ng mahina at tinuro yung roses na nasa tabi ko din.

"Siya ang nag bigay niyan last day. Hindi naman pala natuloy yung flight nila dahil sabi ng mga magulang nila na tapusin muna nila ang 4th year. Binisita ka nga niya kagabi e" Napakunot nalang muli ang kilay ko. Sino ba ang sinasabi niya?

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now