Kabanata 4

132 20 39
                                    

{Chapter 4}

"Frenny naman. Nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap jusko! Kala namin nawala ka na" sambit ni Jamila na may pag aalala.

"Sorry na. May hinahanap lang ako. Nahulog kasi yung hikaw ko dito sa baba kaya pumunta ako dito" Pagsisinungaling ko. Bakit ganon? Hindi ako nakatulog anong nangyari.

"Tara na. Kanina ka pa hinahanap ng tour guide natin" aya ni Jenelyn at hinawakan ako sa braso.

Napalingon ako kay Joven dito sa hinaharap. Akala ko pa naman si Joven talaga na nasa panaginip ko nag English language. Jusko!

Pero hindi ako nanaginip. Bakit kaya nangyari yun?

*-*-*-*

Tulala akong kumakain sa isang restaurant. Bakit kaya hindi ako nanaginip? Anong nangyayari?

"Hoy okay ka lang?" Tanong ni Jenelyn. Napatango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"May masakit ba sa'yo?" Tanong naman ni Jamila. Napailing nalang ako. Kanina pa daw nila iniisip na may sakit ako. Ayoko lang talaga sila kausapin. Wala akong gana.

Bakit kaya hindi ako nanaginip? Sino naman ang may gawa non? Pero atleast hindi nasayang yung binayad ko sa field trip kung tulog lang ako. Mas okay na siguro to sa ngayon.

Ang sabi sa akin ng nangangasiwa sa Aguinaldo Shrine nung nakaraang mga araw.  Gising silang lahat doon pero nakatigil ang oras. So ibig sabihin? Kapag ang huling nangyari sa akin doon na magtatagpi ang susunod na nangyari.

Halimbawa nung nabagsakan ako ng buko. Nagising ako. Nakatigil ang oras nila doon pero nasaksihan nila na nagbaksakan ako ng buko. Tapos mabubuo na ang susunod na mangyayari pag natulog ulit ako. Nung nasa bahay ako ni Joven.

Napatango ako. Tama ang sinabi ko. Ang huling mangyayari ay iyon na ang dahilan ng susunod na mangyayari.

E hindi ako nakatulog. Anong nangyari ako akin doon? Mahihimatay ba ulit ako doon o gising pa din ako at nanatiling nakatayo sa harap ng batis? 

Parang isa doon pero hindi ko mapili kung ano dahil sila lang doon ang nakakaalam ng nangyayari kapag wala ako.

8:00 na ng gabi ng makauwi ako sa bahay. Bakit parang gusto ko na agad matulog?

Walang kibo akong nag mano kay mama na nag tatahi. Yung dalawang kapatid ko naman ay nag cecellphone.

Nagbihis muna ako at nagisip. Bakit hindi ako nakatulog? Anong nangyari?

Kung itanong ko kaya sa matandang nangangasiwa ng Aguinaldo Shrine. Maaga pa naman eh. Tsaka madaming gumagala doon ng ganitong oras.

Pero. Ano ko sasabihin kay mama? Tsaka malayo ang Cavite baka hindi niya ako payagan. Over protective pa naman siya sa akin tssk.

Napahinga nalang ako ng malalim. Natutuwa ako dahil magkaibigan na kami ni Joven. Sana naman sabayan niya ako sa trip bilang abnormal na kaibigan diba?

Masaya naman siyang kasama. Kaso parang lagi siyang may iniisip. Parang may bumabagabag sa kaniya.

Bakit kaya namatay ang papa niyang kumandante? Kasi ang sabi ng lolo ko may sakit daw sa puso yung mama niyang Gloria ang pangalan.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now