Kabanata 9

73 14 4
                                    

{Chapter 9}

Ng makarating kami sa bahay nila Hilaria, Durimetso agad kami sa office ni Heneral Alejandrino 

May sugat na din si Hilaria sa braso dahil sa hampas ng papa niya. Agad umupo si ang presidente sa upuan pati si heneral Alejandrino

"Wag ka ng gumawa ng kabaliwan mo, Gregoria, sasabihin ko lahat ng nalalaman ko. Alam namin ni Heneral Alberto yang kagagahan mo" panimula ko. Nakatingin lang sila sa akin. Kinakabahan na din si Gregoria base sa mukha niya.

"Balak pong ipapatay ni Gregoria si Fe. Sinabi po ito lahat ni Miguel sa bilangguan kaninang umaga. Ang lakas ng loob mo Gregoria na sabihing babaeng bayaran si Hilaria huh" dagdag ko. Nagulat naman si President Catalino sa sinabi ko. Naka damit ito na kulay asul na pang heneral.

"Sinungaling!" Sigaw ni Gregoria. Natawa naman ako ng may pag ka sarcastic. Lahat sila ay nasindak sa pag tawa ko.

"Wow. May gana ka pa talaga magsinungaling ha. Balak niyo pa ng ni Carlos ipasunog ang bahay nila Hilaria e. Deny deny ka pa d'yan" buwelta ko. Si Heneral Alejandrino naman ang nagulat. Napatango ako kay Alberto. Kami lang ang nasa loob ng office.

"Totoo po ang sinabi ni Marcelina, presidente" sambit ni Alberto. Napatingin naman si President Catalino kay Gregoria. Nakayuko lang ito at namumutla.

"Totoo ba ang lahat ng ito? Balak niyong ipapatay ang anak ko?" Tumaas na ang boses ng presidente. Napataas noo nalang ako. Bye Gregoria.

"Maaari kayong hatulan ng parusa" saad ni Heneral Alejandrino. Napatingin ako kay Hilaria na may sugat na sa braso.

"Sa ngayon, ipagpapaliban muna natin ito. Aalis kayo ni Carlos. Pupunta kayo sa espanya ng mahigit tatlong buwan bilang parusa. Sasamahan ko kayo sa daungan kinabukasan para malaman ko na umalis nga kayo. Baka mamaya nandito pa din kayo sa pilipinas at nagtatago" wika ng presidente. Mon Confiado ampeg. Napatango ako. Tama. Kailangan nilang makalayo layo duh.

"Tapat na heneral sa akin si Carlos. Kailangan niyong mapatunayan ito. Dalhin niyo sila ni Miguel dito" patuloy pa ng presidente. Napatingin ako kay Alberto. Tumango ito sa akin at sabay kaming umalis. Nadatnan namin sa labas sila heneral Juanico, Clara, ate Dolores, Felicidad at si Joven na mukhang mga nakikinig din sa usapan sa loob.

"Dito muna kayo. May pupuntahan lang kami" Sambit ni Alberto sabay tango kay Juanico na parang sinasabing sumama ka

Mahigit ilang minuto din bago kami makarating sa mansion nila Gregoria. Naabutan namin si Carlos na nagpipirma ng mga papeles. Ngumiti pa ito sa akin.

"Pinapatawag ka ng presidente" Panimula ni Alberto. Nagtaka naman ang siya.

"B-bakit daw?" Tanong ni Carlos.

"Malalaman mo ang kasagutan kapag pumunta ka sa kaniya sa mansion ni Heneral Alejandrino"  dagdag ni Alberto. Tumayo naman si Carlos. Naka general outfit din ito.

Pumunta din kami sa Fort Santiago para puntahan si Miguel. Agad naman itong sumama sa amin kaya hindi kami nahirapan.

Ng makarating kami ulit sa bahay nila Hilaria, agad kaming pumasok sa opisina. Nagulat din si Carlos? Hindi niya inaasahan na nandito ang kapatid niya.

"Senor, bakit niyo po ako pinapatawag?" Tanong ni Carlos. Seryoso si president Catalino ngayon.

"Miguel, magsalita ka. Totoo ba ang balak ng magkapatid na ito na patayin ang anak ko at ipasunog ang bahay nila Alejandrino?" Tanong ng presidente kay Miguel. Kinakabahan din ito base sa mukha niya.

Mahigit isang minutong hindi nagsalita si Miguel. Maya maya ay bumuka na ang bibig nito.

"O-opo" nauutal na sagot ni Miguel. Napatingin naman ang presidente sa magkapatid. Namumutla na ang mukha nilang dalawa.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now