Kabanata 13

70 14 0
                                    

{Chapter 13}

Agad kong sinara yung pinto. Napasandal nalang ako sa pinto. Hindi na din ako nakaramdam ng ihi. Shems hindi ko naman alam na nandito siya.

Nakita ko yung katawan niya

Nakita niya talampakan ko

Napapikit nalang ako. Mygosh makita na namin ang hindi dapat  nakita sa era na to.
Oo americans era na to pero historical fiction at sinaunang panahon pa din ito. Shocks hindi ko na alam gagawin ko.

Tumakbo nalang ako pababa. Pero imfairness 6 pack abs si Joven ah. Argh! Kalimutan ko na to please. Erase erase erase.

Nahihiya na tuloy ako na makita niya ako. Napatigil si aling Jovita sa pag hihimay ng malunggay. Napatingin din sa akin si Alberto at ate Dolores. Para bang iniisip nila na hinahabol ako ng multo.

"Bakit?" Tanong ni ate Dolores. Umiling nalang ako at umupo sa tabi niya. "Wala ang creepy lang nung pasilyo" sagot ko. Nag salubong naman ang kilay niya.

"Ano? Kripi?" Tanong niya. Natawa naman ako hanggang sa mapagod ako. "Creepy, nakakatakot" sambit ko. Tumango naman siya at ngumiti ng kaunti.

"Ikaw talaga, masyado kang bihisa sa lenggawahe ng mga dayuhan" wika niya kaya napatigil ako. Nag babasa lang si Alberto ng dyaryo.

Maya maya ay inabutan kami ni Aling Jovita ng mais na pira piraso na. Inabot niya din ang kutsara.

"Kumain muna kayo niyan" wika ni Aling Jovita. Tumango naman kami ni ate Dolores sabay ngiti. Tig iisa kami ng mangkok na may lamang mais.

Kumain nalang ako para kalimutan ang nakakahiyang nakita ko. Shet kalimutan mo na yon self!

"Maligayang bati Marcelina, nalaman kong sekretarya ka na ng labanan" wika ni Alberto ng hindi nakatingin sa akin. Napatigil ako sa pag kain at sumagot.

"Oo nga, hindi ko expected----ah akalain yun" sambit ko sabay napataas noo. Ibinaba naman ni Alberto yung dyaryo na hawak niya.

"Alam ko namang mananalo na tayo kapag sinubukan mong lumaban"

"Kay Juanico ka mag paturo sa pag gamit ng armas. Kung gusto mo kay Joven o kay Fidelito" sambit niya pa. Nag salubong naman ang kilay ko. Marunong si Joven?

"Sa bagay, ang mga sekretarya ay hindi naman sumusugod sa labanan. Kailangan mo lang ipagtanggol ang iyong bayan at maganda ang iyong sulat. Ikaw kasi ang mag hahatid ng sulat sa presidente sa oras na lusubin muli tayo ng amerikano at wala siya rito sa maynila" Paliwanag ni Alberto. Tumango naman ako. Tama. Kailangan talaga maganda ang sulat ng mga secretary.

"Si Joven? Marunong siya mag gamit ng armas?" Tanong ni ate Dolores. Tumingin naman sa kaniya si Alberto.

"Oo. Si Joven ay nag sanay para maging heneral. Dalawang pu siya noon. Sinuhestiyon ko sa kaniya na maging heneral din siya. Sinunod niya naman ako. Ako ang nagturo sa kaniya araw araw ngunit ng dumating ang araw na papanaw na si ina, mas gusto ni ina na maging potograpo siya kaya nasayang ang pagod ko sa pag tuturo sa kaniya. Masyadong masunuring bata" sagot ni Alberto. Napatango naman si ate Dolores.

"Kaya si Juanico nalang ang sinuhestiyunan ko na maging heneral na tulad ko. Ako din ang nag impluwensiya kay Fidelito na maging heneral. Hindi ko nanaman mapipilit si Joven dahil nakapag tapos na ito bilang potograpo ng mga heneral at mga opisyal sa bawat sulok ng bansa" patuloy ni Alberto sabay itinaas yung paa niya sa isang upuan. Napataas noo nalang ako at nagpatuloy sa pagkain ng mais. Muntik na siya maging heneral. Sayang masunurin kasi e.

"Siya lang ang naiiba sa inyong mag kakapatid" sambit ni ate Dolores sabay kain ng mais. Huminga naman ng malalim si Alberto.

"Kaya nga, sana ganap na heneral na din siya tulad naming tatlo. Hindi ko naman siya masisisi dahil sinunod niya si ina. Kahit si ama gusto maging heneral siya" ani pa ni Alberto. Napatango nalang si ate Dolores at uminom ng tubig.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now