Kabanata 11

100 16 4
                                    

{Chapter 11}

"Marcelina, maaari mo bang ibaon ito sa lupa?" Natauhan ako ng magsalita si ate Dolores. Tumango naman ako at kinuha yung mga balat ng prutas sa kaniya.

Agad ko itong ibinaon sa lupa. Sa totoo lang natatakot talaga ako kay señor Emilio. Paano pag ginantihan niya ako? Gosh sana pala hindi na ako nangailam sa kanila.

"Marcella" Natauhan muli ako ng magsalita naman si Joven na nasa likod ko ngayon. "Oh?" Sambit ko. Hindi ko alam kung nakangiti siya sa akin ngayon.

"Wala lang gusto lang kitang tawagin" wika niya. Napailing naman ako. Wala nanamang makausap to si Joven eks-eks tsk.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko sabay tingin sa kaniya. Siya naman ang natauhan kasi  nakatingin lang siya sa akin. "Um hindi ko alam" sagot niya. Tumayo naman ako at tinapakan yung lupa.

Umupo ako at pinaypayan ang sarili. "Argh ang init" reklamo ko. Napatingin ako sa kaniya. Bakit ba ganyan siya makatingin sa akin?

"Bakit?" Tanong ko. Napaiwas naman siya ng tingin. Napataas noo nalang ako at nag paypay ulit.

"Thank you pala ulit dito. Nagustuhan ko" dagdag ko. Napangiti naman siya ng marahan.

"Ah nasaan nga pala yung kapatid mo? Yung kararating lang nung isang araw?" Tanong ko. Napatigil ako ng maalala yung nangyari nung isang araw. Erase erase.

"Nasa cavite pa siya. Uuwi na yun mamaya" sagot niya. Napatango nalang ako. "Sayang hindi ka nag heneral. Pare parehas sana kayo" patuloy ko. Nakatingin lang siya sa akin na sinasabing unli? Paulit ulit?

"Sorry naman kung unli ako" sambit ko sabay paypay ulit. Nakita ko sila ate Dolores na nag titingin ng sunflower sa dulo.

"Marcella"

"Oh?"

"A-ah bagay sa'yo yung panali" napatigil ako sa sinabi niya. Napangiti nalang ako. "Hehe salamat"

"Anong tipo mo sa isang babae?" Tanong ko. Sa dinami daming tanong yun pa tinanong ko tsk.

"Yung matapang" sagot niya. Napatango naman ako. 

"Sanaol matapang" sambit ko. Napatingin ulit ako sa kaniya na mukhang kanina pa nakatingin sa akin.

"Ah sorry nga pala kung minsan sinusungitan kita" tugon ko. Napatango nalang siya at ngumiti.

"Minsan talaga mainitin ulo ko" patuloy ko sabay paypay ulit.

"Kaya ko namang intindihin yun" sambit niya. Napatigil naman ako sa pag paypay at tumingin sa kaniya. Buti pa siya kaya intindihin yung isang tulad ko na pa iba-iba mood.

"Tsaka yung panali din nagustuhan ko" ani ko pa. Napalingon ako sa gilid kung nasaan yung araw. Ang ganda pala dito sa past kapag umaga.

Napatigil ako. Bakit hindi pa ako nagigising?

"Um, siya nga pala, hindi ka ba natatakot kay señor Emilio? Paano kapag ginantihan ka niya?" Natauhan ako ng tanungin niya ako. Binitawan ko yung pamaypay at humarap sa kaniya.

"Hindi ako matatakot sa kaniya dzuh" sagot ko. Nakita ko ang marahan niyang ngiti.

"Tsaka yung mga anak niya naman talaga may kasalanan. Bakit hindi ba totoo yung sinabi ko? Sinabi ni Miguel lahat. Alam din ni heneral Alberto. Tatlo lang sila anim tayo" patuloy ko sabay turo kila ate Dolores.  Natawa naman siya. Hindi na ako makapag pigil tsk.

"Hindi naman tayo tulad ng mga anak niya na dakilang traydor sa lipunan. Kala kung sino talagang mga anghel kapag kaharap tatay nila. Pasampal nga 360 degrees" dagdag ko. Sa totoo lang napipikon na ako super.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now