Kabanata 3

184 20 15
                                    

{Chapter 3}

Bigla akong napabangon. Sumakit nanaman ang ulo ko.

Nagulat ako ng biglang pumasok si lolo sa loob na may dalang tubig.

Napalingon ako sa wall clock. Alas kwatro na ng madaling araw. Nung natulog ako alas nuebe lang. Bakit ang tagal? Akala ko ba two ours lang?

Nilapag ni lolo yung paracetamol sa maliit na lamesa at dali daling lumabas. Agad ko namang ininom yon dahil ang sakit talaga ng ulo ko. Ang lakas kasi ng pagkakahampas sa akin. Baka si Hilaria yun kasi baka nakita niya kaming magkasama ng ex niya argh! Patay.

Humiga ulit ako sa kama at iniisip ang lahat. Naalala kong field trip na namin bukas. Nakapag bayad na ako nung nakaraang linggo. Tsaka sabi ni mama uuwi na kami mamaya sa manila kasi sa campus maghihintayan para sa field trip.

Umupo muna ako malapit sa bintana para magpahangin. Ang creepy talaga ni Hilaria. Baka balatan niya ako ng buhay huhu.

Ito naman kasing ex jowables niya na si Joven lapit ng lapit. Hihintayin ko nalang bang sabihin ni Hilaria na distansya o abulansya?

Bigla akong natawa sa naisip ko. Kung hindi lang kasi lumandi si Hilaria edi sana sila pa din ni Joven. Tanga tanga kasi si ate e haist.

Natawa nalang ulit ako at humiga sa kama. Pero hindi na ako makatulog. Kaya mag oover think nanaman ako.

Ano kayang mangyayari sa wakas? Magiging masaya ba o malungkot? Magiging maganda ba o panget? Ano kayang mangyayari sa wakas ng panaginip ko?

Siguro naman masaya na at maganda. Yung puno ng kasiyahan at walang namamatay. Yun yung tipo kong ending. Sana lang. Sana iyon ang mangyari.

Paano naman kung malungkot pa? Wala na akong magagawa dahil pinapatulog ko ang sarili ko para sa dalawang taong pinaglapit na ng tadhana. Pinaglayo lang sila dahil gising si Joven at tulog naman si Marcelina. Oo masayang managinip pero paano ko sasabihin sa kanila na ibang tao na ako na magtutuwid muli sa kanila.

Sa panahong iyon ako si Marcelina. Ako nga lang ang kumokontrol sa lahat. Nasaan kaya ang kaluluwa ni Marcelina? Baka magalit siya kapag nakitang may ibang soul sa katawan niya.

Basta Marcelina akong bahala sa lahat. Babaguhin ko ang simula. Magiibigan kayo ng walang natutulog walang nananaginip. Para sayo ang lahat ng to.

*-*-*-*

Ala sais na ng umaga ng naghahanda kami papauwing Manila. Naghihintay na kami ng bus sa labas. Ihinatid naman kami ni lolo at lola.

"Marcella apo, babalik ka ha" wika ni lola. Agad naman akong yumakap sa kaniya.

Napalingon din ako kay lolo at nagmano sa kaniya. Tinapik niya pa ang ulo ko. "Magingat ka apo. Ikaw na ang bahala sa lahat. Baguhin mo ang simula" huling sambit ni lolo at may dumaan ng bus pa pa Cavite.

Nag wave ako sa kanila bago umakyat ng bus. Agad kaming umupo ni mama pero napahiwalay siya sa akin kaya lalaki ang katabi ko.

Bumagsak ang panga ko sa nakikita ko. Bakit nandito si Joven? Mygosh! Why he's here owemji ibaon niyo ako sa lupa!

Kamukha niya talaga si Joven! Yun lang naka T-shirt ito ng grey na may nakalagay na Vibe with me tsaka pinapatungan ng jacket. Naka salamin din siya ng bilog na katulad kay Joven part I.

Umupo ako at napahawak sa bibig ko. Anong ginagawa niya dito? Shet!

May isang keychain na nakasabit sa bag niya. Nakaukit ang pangalan na Jovento Protacio IV kaya napanganga ulit ako.

When I met you in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon