Kabanata 8

85 16 0
                                    

{Chapter 8}

Pumunta na kami sa isang pagamutan. Masyadong malalim yung sugat ko.

"Nahuli na namin yung balak pumana kay Hilaria. Siya si Miguel. Ang tauhan ni Gregoria" wika ni Alberto. Hindi naman tumigil ang mga nurse kaka kuha ng dapat gamitin para sa sugat ko. Napalingon ako kay Joven na walang emosyong nakatingin sa akin. Napaiwas nalang ako ng tingin at pinagmasdan yung palad ko na dumudugo na ngayon.

"Pasalamat sila ng amo niya nasalo ni ate Marcelina ang patalim mula sa pana. Kung hindi edi sana napatay na nila si ate Hilaria. Ipapabilanggo sila at hahatulan ng kamatayan" saad naman ni Juanico na naka general outfit din ngayon.

Tumawa naman ako ng may pag ka sarcastic na ipinagtaka nila.

"Amazing talaga yan si Gregoria e no. Nang woworschock talaga ha" sambit ko sabay tawa. Napakunot naman ang noo nila at iniisip na nababaliw na ako.

"Kailangan na naming mauna. May ensayo pa kami sa bagumbayan" tugon ni Alberto. Napatango nalang si Joven.

"Kukuha lang ako ng halamang gamot" sambit ni Hilaria. Napatulala nalang ako. Iniwan nila ako kasama si Joven.

Agad akong tumayo para kumuha ng libro sa labas ng kwarto ko. Nangmamanhid yung kanang kamay ko. Parang tinutusok ito ng karayom ng paulit ulit. Hindi ko din ito maigalaw ng maayos.

May isang bookshelve na puno ng libro. Agad akong kumuha ng tatlo at pilit binalance sa kaliwang kamay ko. Dahil sa ngalay nabitawan ko ito at diretsong nahulog sa sahig.

Pupulutin ko na sana kaso inunahan ako ni Joven. Pinulot niya yung libro sa harapan ko. Napatulala nalang ako sa kaniya. Bakit ba ang bait niya sa akin?

"Salamat" iyon nalang ang nasabi ko. Agad akong tumayo papasok ulit sa loob ng kwarto.

"Masakit pa ba ang kamay mo? Dapat magingat ka sa bawat kinikilos mo. Malalim ang sugat na natamo mo" saad ni Joven. Concern ba siya? Napailing nalang ako. Concern siya sa akin e hindi pa nga kami masyadong close. Naalala ko nung nakulong ako sa cr. Tinulungan niya akong makalabas doon. Ang bait niya talaga tsk. Pero hindi ko siya crush ha.

Binuklat ko naman yung libro. Napapikit nalang ako. Hindi naman ako nakakaintindi ng espanyol tsk.

"Wag na kayong mag alala sa akin. Ginawa ko ito para kay Hilaria" sambit ko sabay inilapag yung libro sa gilid.

"Kung hindi ko iyon ginawa si Hilaria ang nahihirapan ngayon. Tsaka kamay lang naman to. Hindi ako mamamatay" dagdag ko pa sabay tingin sa kaniya. Nakatingin lang siya sa mga mata ko kaya umiwas ako ng tingin.

"Marcella" sambit niya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Tinatawag niya ang tunay kong pangalan.

"Minsan kailangan mong unahin ang sarili mong kapakanan" patuloy niya. Napailing nalang ako. Hindi niya naman kasi maiintindihan kapag sinabi ko na nananaginip lang ako at baguhin ang lahat.

"Oks lang ako" wika ko. Nagtaka naman siya.

"Oks?" Tanong niya. Natawa nalang ako. Ang cute niya kapag sinabi niya iyon.

"Hm.. Oks. Parang sinasabi ko na ayos lang ako. Kaya ikaw kapag tinanong kita kung kamusta ka na, sabihin mo Oks" Paliwanag ko sa kaniya sabay ngiti. Napangiti nalang din siya ng marahan.

"Kaya wag ka nang mag alala diyan. Masyadong nag aalala e" biro ko pa. Natawa nalang din siya. Mas lalo siyang gumwagwapo kapag nakangiti.

Maya maya ay dumating na sila ate Dolores. Binilhan nila ako ng prutas.

"Kamusta?" Tanong ni ate Dolores sabay upo sa tabi ko. Napatango nalang ako sign na okay lang ako.

Napatigil kami ng dumating si Carlos. Naka general outfit din ito.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now