Kabanata 44

117 11 1
                                    

{Chapter 44}

DALAWANG linggo ang lumipas ng mag huling mag usap kami ni Joven. Hindi ako maawat sa pag iyak at madalas din akong nakakulong sa kwarto na tinutuluyan ko dito sa pamilya Guerra. January 14, 1900 , halos hindi ako mapalagay dahil nalalapit na matapos ang misyon ko dito sa  loob ng panaginip. 4 na buwan na lang ang nalalabi bago mag May 09.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko lahat ng katagang iniwan ni Joven sa akin bago siya lumisan. Bakit tila may humahatak sa akin na wag akong maniwala na si Joven ang pumaslang kay Hilaria? Ngunit, siya ang ebedensiya sa pag kawala ng kaibigan ko. Bakit may iba pa akong nararamdaman. Na para bang may mali sa mga nangyayari.

Nabalikwas ako ng may kumatok sa pinto ng sunod sunod. Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang buhok ko bago ko pag buksan ang kung sino mang nasa labas. Para akong gulay na walang sustansiya dahil sa itsura ko. Inalis ko yung pako na naka harang sa pinto na siyang nag sisilbing kandado . Hanggang ngayon ay binabagabag pa din ng sasabihin ni Juanico na hindi natuloy. Ano ba talaga ang dapat kong malaman tungkol kay Hilaria?

Ng mabuksan ko ang pinto ay bumugad sa akin si Carlos na may dalang tray ng pagkain. Malalim na din ang mata niya dulot ng pag pupuyat sa trabaho. Mas humihigpit pa ang seguridad ng kamaynilaan ng dahil kay Fidelito. Nabalitaan ko nalang na sumugod daw ito kay presidente Catalino ng dahil sa nangyari sa kapatid niyang si Juanico. Nagkaroon ng sama ng loob si Fidelito sa presidente dahil ang mga tauhan nito ang bumaril sa kapatid. Maging ako ay naiistress. Naaalala ko din si ate Dolores. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Hindi ko na siya makita simula ng mag sumbong si Faustina. Lubos akong nag aalala. Hindi na maganda ang mga nagaganap.

"Kumain ka na" Tipid na wika ni Carlos tsaka pumasok at umupo sa kama. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hinimay niya ang mais at hinalo sa kanin. Nakayuko naman akong nag lakad papalapit sa kaniya at umupo din sa kama ngunit nakatalikod ako sa kaniya. Pinisil pisil ko nalang yung kamay ko hang nakatulala sa kawalan. Wala na din akong balak kausapin siya dahil hindi pa din bumabalik ang maayos kong emosyon. Pinakikisamahan ko lang siya dahil yun nalang ang magagawa ko.

"Hanggang ngayon ba si Jovento pa din ang iniisip mo?" Madiin na tanong pa ni Carlos kaya napalingon ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso at hinihintay ang sagot ko. Napatikhim ako at dahan dahang umiling. Mas pinili ko nalang mag sinungaling kaysa sa malaman niya pa na wala nang ibang tumatakbo sa isipan ko kundi si Joven.

"Napapansin ko sa mga mata mo na hibang na hibang ka pa rin sa kaniya, Marcelina" Dagdag pa ni Carlos at tinalikuran ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at umiling din siya. Napapikit nalang ako at tumingin sa kaniya kahit direktang nakatalikod siya sa akin. Naka suot pa din siya ng asul na uniporme pang heneral kahit kanina pang alas- kwatro ang tapos ng trabaho niya. Mas naiiwasan ko siya dahil dumestino siya ng isang linggo sa Pampanga at nung isang araw lang siya nakarating dito sa maynila. Naiwan ako dito kay Larina .

"Ah, ano kasi......" Sinubukan kong magpaliwanag pero umatras ang dila ko at nanuyot ang lalamunan ko. Napahimas si Carlos sa mukha niya bago tumingin sa akin. Bakas sa mukha niya na alam niya ang totoo na si Joven pa din talaga ang mahal ko. Sinubukan kong patibukin ang puso ko sa iba ngunit hindi ko magawa. Hindi madaling turuan ang puso.

"Bakit mo pa itatanong kung alam mo naman?" Matigas kong paliwang habang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Carlos. Nabigla din siya sa sumbat ko kaya nakayuko siya at hinawakan ang mukha niya gamit ang dalawa niyang kamay. Paulit ulit siyang umiling at tumawa para paatrasin ang galit na ibubuhos niya sa akin. Napakapit ako sa kumot at muling napayuko. Sinusubukan ko namang alisin si Joven sa isipan ko pero kahit anong gawin ko ay wala talaga.

"Hindi talaga matatawaran ang katigasan ng iyong ulo. Ikakasal na siya sa iba pero anong ginagawa mo? Pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa taong hindi mo naman karapat dapat mahalin. Kahibangan ang tawag diyan, Marcelina. Masyado kang nalunod sa hindi makatotohang pag-ibig kaya ka nasasaktan ng lubusan"

When I met you in my DreamsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin