Kabanata 32

71 12 0
                                    

{Chapter 32}

NAPAHAWAK naman ako sa kwintas na binigay ni Joven. Ang lakas padin ng tibok ng puso ko dahil sa hawak niya ang kamay ko at sabay kaming nag lalakad sa gitna ng kalsa. Nag sisimula nang mag sara ang mga tindahan dahil ala sais na ng gabi. Napabuntong hininga ako at tumingin sa kaniya.

"Joven salamat ha. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo" Panimula ko habang patuloy ang usad ng lakad namin. Napatingin naman siya at napangiti.

"Wala yun binibini. Ayos lang ako. Wag mo na akong alalahanin" Sambit ni Joven at tumingin muli ng diretso sa daan. Hinigpitan ko ang pag hawak sa kamay niya kaya napatingin siya sa akin.

"Mukhang hindi na makakahinga ang aking palad, binibini. Ngunit hindi ko na ibig pang kontrahin ang bagay na ito dahil ikaw naman ang may hawak ng aking kamay" Patuloy pa ni Joven. Napakunot ang kilay ko at tumingin sa kaniya.

"Masyadong pormal kapag binibini ang tawag mo sa akin" Reklamo ko kaya natawa siya. Napangiti nalang ako ng palihim dahil kinikilig ako kapag nakangiti siya. #Certifiedmarupok.

"Anong ibig mong itawag ko sayo?" Tanong pa ni Joven. Diretso lang akong nakatingin sa daan pero nararamdaman ko ang presensya niya ng tingin. Shet bakit ba kasi ang lakas ng heart beat ko like DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG what ever!

"Ewan ko. Ikaw bahala" Sagot ko sabay tingin sa kaniya. Bahala na kung anong itawag sa akin nito ni Joven kung honey bunch ba, love, boo and everything. Basta siya bahala.

"Nararapat mag isip ako ng matamis na itawag sayo" Dagdag pa ni Joven kaya napangiti nalang din ako. Matamis daw. Cake, ice cream, candy, cotton candy o di kaya pancake at cupcake.

"Pag iisipan ko muna iyon, aking irog" Napatigil ako ng marinig ang sinabi niya. Ano naman yun? First time ko marinig ang word na yun. Itatanong ko pa sana pero tumigil siya sa pag lalakad.

"Mag hihintay tayo ng kalesa" Wika ni Joven. Napatango nalang ako at nilaro yung kwintas. Ilang beses kong binasa yung pangalan ko at ang kay Marcelina. Umatras naman si Joven para mapantayan ako. Madilim ang paligid pero naaaninag ko pa din ang maputi niyang ngipin.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Napangiti muna ako bago magsalita. "Oo. Nagustuhan ko sobra" Sagot ko at nilaro ulit yung kwintas. Napatingin muli ako sa kaniya ngunit in the end, agad akong umiwas ng tingin dahil nakatingin pala siya sa akin. Hinawakan ko yung pendant at tinapat sa puso ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito sheet!

"Salamat talaga" Sambit ko habang nakatingin sa kaniya. Napangiti nalang muli si Joven at hinakawan yung pendant. Natigilan naman ako sa ginawa niya kaya napaatras ako. Akala ko nahawakan niya yung-----.

Nabitawan niya nalang yung pendant at tumingin kung may dadaan na kalesa. Agad niya naman akong hinawakan sa pulso ng may tumigil nang kalesa sa harap namin. Nanlaki ang mata ko ng makita na naka sakay si Celerina sa loob. Napataas kilay nalang ako at hinawakan si Joven sa bisig.

"Sumabay na ho kayo" Sambit ng kutsero kaya tinaas ko yung saya ko at sumpa sa kalesa. Sumunod naman si Joven at umupo sa tabi ko. Hmp buti naman. Akala ko uupo siya sa tabi ng ahas na babaeng to.

"Magandang gabi" Bati ni Celerina. Babati pa sana si Joven ngunit sinamaan ko siya ng tingin. Natigilan nalang siya sumandal. Sige subukan mong lumandi ngayon Joven! Pag uuntugin ko kayong dalawa ni Celerina.

Sinulyapan ko naman si Celerina. Nahuli ko siyang nakatingin kay Joven kaya tumikhim ako. Agad naman siyang umiwas ng tingin at tumanaw sa labas. Sinusundan ko lang ng tingin ang ginagawa niya.

"Ikaw pala ang kasintahan ni Joven" Pag basag ni Celerina ng katahimikan. Nagkatinginan kami ni Joven. Tinaasan ko siya ng kilay at kinumpas yung pamaypay sa palad ko.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now