Kabanata 20

68 13 2
                                    

{Chapter 20}

Agad akong kumawala sa pag kakahawak niya. Napatingin ako sa kaniya. Bakit basta basta niya nalang hinahawakan ang kamay ko?

"Ginawa ko yun para ialis ng mga kalalakihang ang mata nila sa'yo" Panimula ni Joven. Natawa nalang ako. Wala naman palang meaning ang pag-hawak niya sa kamay ko.

"Bakit mo naman ginawa yun?" Tanong ko sabay taas kilay. Nararamdaman ko din pala dito sa panaginip ang pag dampi ng kamay niya.

Tumawa naman siya at tumingin sa akin. Patuloy pa din kami sa pag lalakad. Nag sasara na din ang mga tindahan dahil pagabi na. May mga opisyal at mga heneral din ang dumadaan sakay ng kabayo.

"Alam ko naman na naiinis ka kapag tinitingnan ka nila ng ganoon" Sagot niya sabay tingin ng diretso para makita ang daan. Napatango ako. Hindi ko nq dapat lagyan ng meaning ang mga bagay na yun.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko pa sabay tingin sa kaniya. Napahawak nalang ako sa noo nang maalala ko kung paano ko siya dikitan kanina. Hays Marcella umayos ka naman.

"Malapit na" Sagot niya pa sabay tingin sa akin. Napatango nalang ulit ako. Kahit saan talaga pinagtatagpo kami ng landas. Kung nasaan ako nandoon din siya. Hays.

Tumigil kami sa isang tindahan ng mga instrument. May isang don ang nangangasiwa sa loob. May ilan ilan ding bumibili sa loob. Agad kaming pumasok ni Joven sa loob.

Napaluwa nalang ang mata ko ng makita ang nagagandahang gitara. "Magandang gabi ginoo at binibini" Bati ng Don sa amin. Agad naman akong pumunta sa hile-hilerang gitara.

"Magandang gabi din po Don Aldrin" Bati naman ni Joven sabay bigay galang sa Don. May mga flutes, violin at piano din sa loob. Karamihan ay mayayamang pamilya ang bumibili dahil hindi naman afford ng mga mahihirap ang ganitong mga instrumento.

Gusto ko sana bumili kasi naubos na yung pera ko. Madami rin namang collection ng guitars sa mansion.

"Bibili ka?" Tanong ko kay Joven. Napalingon naman siya sa akin. "Hindi" Sagot niya sabay lumapit papunta sa akin. Napahawak nalang ako sa noo. Bakit niya pa ako yayayain dito kung wala naman siyang bibilhin?

"Bakit pa tayo pumunta dito kung wala kang bibilhin?" Tanong ko sabay tingin sa kaniya. Natawa siya sa sinabi ko at hinawakan ang isang gutara na color brown.

"Hindi ba mahilig ka sa mga ganitong instrumento?" Tanong niya sa akin. Napakunot ang noo ko. Hindi naman siya bibili hindi din ako bibili. Ano pang ginagawa namin dito?

"Oo. Pero hindi ako bibili kasi wala na akong pera" Sagot ko pa sabay lumapit sa mga violin. Nakikita ko na din ang buwan. Siguro ala-siyete na ng gabi.

"Umuwi na tayo" Dagdag ko pa sabay binalik yung violin na hawak ko. Napatingin naman sa akin si Joven. Nag bibilang naman ng salapi ang Don.

"Don Aldrin, mauuna na po kami" Paalam ni Joven sabay bigay galang sa Don. Tumango nalang ang si Don Aldrin at nagpatuloy sa pag bibilang ng pinagkakitaan.

"Ihahatid na kita" Wika ni Joven habang lumalabas na kami ng tindahan. Napatingin naman ako sa kaniya. Kakaibang kuryente nanaman ang dumaloy sa katawan ko.

"Balik nalang tayo bukas. Naubusan na kasi ako ng pera e" Saad ko pa habang patuloy sa pag lalakad. Napatingin naman siya sa akin. Tumingin nalang ako ng diretso sa daan.

Tumingala ako sa kalangitan. Crescent ang buwan ngayon. Kami nalang dalawa ang nag lalakad sa madilim na kalsada.

"Joven, kung tatanungin kita. Anong mas pipiliin mo? Mamatay ng dahil sa isang babae o mamatay ng dahil sa inang bayan?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin at yumuko.

When I met you in my DreamsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora