Kabanata 25

54 12 1
                                    

{Chapter 25}

Napatigil ako ng halikan ni Joven yung kamay ko. Napaiwas nalang ako ng tingin at bumitaw sa pag kakahawak mula sa kamay niya. Hindi ko rin mapigilang kiligin tsssss.

"Binibini, nais mo bang kumain?" Tanong niya sabay tingin sa akin. Napaiwas ulit ako ng tingin. Bakit niya tinatanong kung gusto ko kumain? Jusko kanina pa.

"Um, busog pa ako" Sagot ko ng hindi nakatingin sa kaniya. Naramdaman ko na umusog pa siya papalapit sa akin kaya umusog pa ako ng isa.

"Sa tingin ko'y pagkain ang tumatakbo sa iyong isipan" Hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Paulit ulit ko naaalala kung paano kami sumayaw kanina. Napahawak nalang ako sa mukha.

Umusog pa siya para mag kalapit kami. Nilagay niya yung kamay niya sa ibabaw ng sandalan ng upuan kaya parang nakaakbay siya sa akin ngayon. Napapikit nalang ako at pinipigilan ang pag ngiti. Psh bakit ba siya ganiyan? Rumuropok ako e.

"H-hindi. Busog pa nga ako" Sambit ko pa kahit naaamoy ko yung letchon. Gusto ko kumain huhu.

"Kung maaari ay sa lamesa tayo kumain" Dagdag pa niya kaya napatingin ako sa kaniya. Inunahan ko siya pumunta sa mahabang lamesa kung nasaan rin ang mga bisita.

"Nandito na pala kayo?" Gulat na tanong ni Clara. Natawa naman ako at sinalin yung tubig sa baso.

"Ay oo nga pala. Nakita ko kayong sumayaw kanina. Ang galing niyo" Dagdag pa ni Clara sabay tawa. Nagkatinginan naman kami ni Joven at pareho napaiwas ng tingin. Napatingin ako sa kamay ko na hinalikan ni Joven. Shet nakaka kilig na ba yun? Bakit may kung anong kuryente nanaman ang dumadaloy sa katawan ko?

"Nasaan nga pala si Hilaria?" Tanong ko sabay tingin kay Felicidad. Mahinhin niyang ininom yung tubig bago sumagot.

"Susunod sila. Hinihintay pa kasi nila si Candido na kaibigan ni Idelfonso" Sagot ni Felicidad sabay sandal sa silya. Napatingin naman ako sa kaniya. Sino si Candido?

"Sinong Candido?" Tanong ni Martha sabay tingin kay Felicidad. Mag kakatabi kaming tatlo.

"Si Candido. Anak siya ng dating cabeza de baranggay sa Cavite" Sagot pa ni Felicidad. Napatango nalang kami ni Martha at umiwas ng tingin.

"Ipapakilala kita kay Candido" Bulong ni Felicidad. Napaluwa nalang ang mata ko at sinagi siya. Natawa naman siya at tumingin kay Joven.

"H-hindi pa naman legal ang pag-iisang dibdib niyo ni Joven" Dagdag niya pa. Napailing ako at tumingin sa kaniya.

"Ayos ka lang ba Fe? Wala na akong balak sa mga bagay na yan" Sambit ko sabay umiling ulit. Natawa ulit siya ng mahina at bumulong pa sa akin.

"Wala namang isyu yan. Maaari pa kayong mag mahalan dahil hindi pa naman kayo kinakasal ni Jovento. Wag kang mag-alala mabait si Candido at sigurado ako na magugustuhan mo siya" Patuloy pa niya. Natawa nalang kami pareho. Napatigil kami ng umupo yung presidente malapit sa amin.

"Nasa baba na sila Hilaria. Kasama nila si Candido" Wika ng presidente. Napangiti naman si Felicidad at hinila ako sa baba. Napatingin pa sa amin sila Clara at napatigil sa pag tatawanan.

"Hilaria" Masayang saad ni Felicidad sabay beso kay Hilaria. Napatingin ito sa akin at yumakap.

Napatingin ako kay Idelfonso at Candido. Napaiwas nalang ako ng tingin.

Shems ang gwapo pala ni Candido! Single ba siya?

"Candido, may ipapakilala ako sa'yo" Sambit pa ni Felicidad sabay ngiti. Nag tago ako sa likod ni Hilaria. Napatigil ako ng hilahin ako ni Felicidad at tinulak kay Candido.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now