Kabanata 35

59 14 0
                                    

{Chapter 35}

"MASAKIT ba?" Tanong ko kay Joven habang ginagamot yung sugat niya sa may bandang labi. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto ko. Nahihiya pa nang pumasok dito sa loob. Masyadong maginoo.

"H-hindi naman. Mahapdi lamang" Sagot ni Joven habang nakatingin sa akin. Napaiwas nalang ako ng tingin at pansamantalang tumalikod sa kaniya. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Kinagat ko nalang yung ibabang labi ko. Napatigil ako ng hawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa kaniya.

"Marcella" Pag tawag ni Joven sa pangalan ko. Hawak hawak niya pa din ang dalawa kong balikat kaya nakaramdam nanaman ako ng kakaibang kilig. Unti unti niya namang nilapit yung mukha niya at akmang hahalikan ako ngunit hinarang ko yung palad ko.

"Ops! Wag ngayon. Gagamutin muna natin ang sugat mo" Sambit ko at dahan dahang binaba ang kamay ko. Binitawan niya naman ang dalawa kong balikat kaya pinag patuloy ko ang pag gamot sa sugat niya.

"Tsaka baka maissue pa tayo. Nasa loob kaya tayo ng kwarto" Dagdag ko pa. Natawa naman si Joven ng mahina at hinawakan yung isa kong kamay.

"Ikaw ang nag aya sa akin dito sa iyong silid" Napasama nalang ang mukha ko. Ano bang iniisip niya? May pagka green minded pala tong si Joven. Char. #Feelingera.

"Wala namang meaning yun, no. Kaya kung ano mang iniisip mo dyan, burahin mo na yan" Natawa nalang ulit siya kaya naaninag ko ang maputi niyang ngipin. Napaiwas nalang ulit ako ng tingin dahil sa kilig. Nakita ko nanaman ang pag tawa niya at nakasama ko na ulit siya.

"Wala naman akong ibig na gawin" Saad pa ni Joven. Natigilan naman ako at tumingin sa kaniya. Kung ano ano nang tumatakbo sa isipan ko tapos inosente pa siya. Napaiwas nalang ako ng tingin at napatingin sa kamay niyang may gasa.

"A-ano bang nangyari diyan?" Tanong ko sa kaniya at hinawakan yun. Napatigil ako ng hawakan pa ni Joven ang kamay ko na nakahawak sa kaniya.

"M-marcella" Pag tawag niya sa pangalan ko.

"Uhm?" Nakaramdam ako ng hiya sa kaniya kaya binitawan ko na ang kamay niya. Tumalikod nalang ako sa kaniya at napahawak sa mukha ko. Naramdaman ko naman ang presensya niya ng pag usog kaya napatingin ako sa kaniya.

"P-paumahin kung nasaktan ko ang iyong damdamin. Hindi ko akalain na may ginawa ka pala upang mapawalang-sala ako" Patuloy pa ni Joven. Humarap nalang ako sa kaniya at ngumiti ng kaunti.

"W-wala yun. Basta masaya ako d-dahil" Napatigil ako ng ilapit niya ang mukha niya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Aatras pa sana ako ngunit nasa dulong bahagi ako ng kama kaya wala na akong nagawa. Pipikit nalang sana ako pero napatigil ako ng makita ang lumilipad na ipis.

"I-ipis!" Sigaw ko at napatili. Gumapang naman ako sa kama at nag takip ng kumot sa mukha. Ihhh! Takot ako sa ipis lalo na kapag lumilipad! Dinaig pa butterfly!

Tinaas ko naman ng kaunti yung kumot para makita kung anong ginawa ni Joven. Tinapakan niya naman ito ng lunapat ito sa lupa. Napapikit nalang ako at kinurot yung braso at binti. Hays Marcella napaka duwag mo nandito pa naman si Joven!

Agad ko namang inalis yung kumot na nakatakip sa mukha ko at agad na tumayo. Umupo nalang si Joven sa upuan na nakatapat sa bintana ko. Napahawak nalang ako sa noo ko at napakamot sa ulo.

"Ikaw pala'y takot sa ipis" Sambit ni Joven kaya napatingin ako sa kaniya. Narinig ko ang mahina niyang pag tawa kaya pagulat ko siyang hinampas sa balikat kaya natigilan siya.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Paano nalang kapag kinagat ako ng ipis na yun sa mata at sa labi. Eww kaderder. Galing kaya sila sa basurahan" Tumawa nalang ulit si Joven ng mahina kaya napairap nalang ako. Hindi talaga nag babago to si Joven. Lahat ng sasabihin ko, tatawanan. Happy pill niya kasi ako. CHAR!

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now