Kabanata 31

66 11 0
                                    

{Chapter 31}

"BAKIT ang hilig mong tambayan ang ilog?" Panimula ko ng hindi nakatingin sa kaniya. Umusog pa siya sa tabi ko kaya nag dikit ang braso namin.

"Nakakalanghap kasi ako ng sariwang hangin" Tipid niyang sagot kaya tumingin ako sa kaniya. Napatango nalang ako at napatikhim.

"At isa pa, saksi sa bawat ilog na tinatambayan ko kung gaano kita ka gusto" Patuloy niya kaya napatigil ako. Napahawak nalang ako sa mukha ko na namumula. Ayan nanaman si Joven. Bumabanat nanaman.

"Ano namang kinalaman ng ilog sa bagay na yun?" Tanong ko pa habang nakatingin sa kaniya. Napangiti siya at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Itatanong mo pa ba ang bagay na yan? Dahil palagi kitang nakakasama at nakakausap sa harap ng ilog, tuluyan nang nahulog ang damdamin ko sayo. Kaya mahilig akong tumambay sa kahit saang ilog pa, batid nila na ikaw lang ang minamahal ko at nilalaman nito" Sagot ni Joven. Napangiti nalang ako ng palihim bago tumingin sa kaniya.

"Wala naman tayong label" Sambit ko sabay tawa. Napakunot ang kilay niya at halatang hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Label. Isipin mo nag kaka iloveyouhan tayo,  nag kikiss tayong dalawa tapos wala tayong label? Dapat sa magkasintahan lang yun e" Patuloy ko pero wala pa din siyang naintindihan. Natawa nalang ako at sumandal sa balikat niya.

"Wag mo na nga ako isipin. Nasisiraan lang ata ako ng ulo" Napatigil ako ng mapangiti siya. Ako naman ang nagtaka kung anong nakakatawa.

"Hindi ko kayang nabura ka sa aking isipan. Pangalan mo lagi ang sinisigaw nito" Saad pa ni Joven kaya napasubsob nalang ako sa dibdib niya.
"Joven, mahihintay mo ba talaga ako? Paano kapag matagal pa akong nakapag desisyon? Baka mainip ka tapos makahanap ng ibang babae" Giit ko tsaka tumingin sa kaniya. Nakatingin lang din siya sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya kaya kahit anong mangyari mag didikit ang labi naming dalawa.

"Iba ka sa mga babaeng nakilala ko Marcella. Kaya kitang hintayin sa ngalan ng pag-ibig" Napangiti naman ako at hinakawan yung mukha niya.

"Kanta ba yan?" Tawa ko. Nakatingin lang siya sa akin na para bang iniisip kung anong nakakatawa sa sinabi niya. Inalis ko yung ulo ko sa balikat niya.
"Sure ka ba dyan? Mahihintay mo ba talaga ako, Joven?" Tanong ko. Hinihintay ko na ang sagot niya habang nakatingin sa kaniya. Napabuntong hininga si Joven at tumingin sa akin.

"Oo. Kahit ilang problema ang pag daanan nating dalawa, hihintayin kita. Kahit ilang sakit pa ang maramdaman, hihintayin kita. Hindi kita susukuan dahil mahal kita" Sagot niya. Napasimangot nalang ako. Joven mahihintay mo ba akong bumalik kapag wakas na ang lahat?

"Bakit nakasimangot ka? Ngumiti ka nga" Sambit niya pa sabay binanat yung labi ko. Inalis ko nalang yung kamay niya at umusog pa sa tabi niya.

"Promise yan ha! Baka tularan mo si Martha, Felicidad at Clara. Mga hindi tumutupad sa pangako. Baka iwan mo din ako tulad nila" Malungkot kong sambit ng hindi nakatingin sa kaniya. Chin-in up niya ako kaya napatingin ako sa mga mata niya.

"Pangako yan. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Hindi pa pupunta pa tayo sa ibang bansa? Magpapakasal pa tayong dalawa"

"At magkakaroon ng limang anak?" Kasabay ng pag hampas ko sa dibdib niya ang binulong niya sa akin.

"Hindi ako komportable sa usapan na to!" Singhal ko. Natawa nalang si Joven at pinisil yung ilog ko.

"Aray!" Reklamo ko kaya binitawan niya yung ilong ko. Natawa nalang siya at sinundot yung pisnge ko.

"Alam mo, mas maganda ka kapag nakangiti. Kasi lumalabas yan oh" Wika ni Joven sabay turo sa dimples ko na nasa kanang pisnge. Napangiti nalang ako at hinakawan yung kamay niya.

When I met you in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon