Kabanata 29

72 11 0
                                    

{Chapter 29}

Cheska's POV

TUNOG lang ng keyboard ng cellphone ko ang naririnig sa buong kwarto ni ate Marcella. Chinachat ko kasi si ate Cristal dahil kanina pa sumisigaw si ate Marcella ng "Joven". Naalala ko nga pala na umalis na si kuya Joven last week. Umuwi na siya sa states kasama yung mga kapatid niya. Napatingin ako sa roses at necklace na iniwan sa kaniya ni kuya Joven. Mahigit 2 weeks nang tulog si ate Marcella. Ang dami niya na ring absents. Paano niya mai me-maintain ang grades niya?

Napatigil ako ng mag vibrate ang phone ko. Agad akong lumabas at sumagot sa tumatawag. Si ate Cristal.

"Hello, ate?" Panimula ko habang nakasilip sa pinto kung nasaan si ate Marcella. Napatigil na din siya sa pag sigaw ng Joven. Ano kayang nangyayari sa kaniya?

"Cheska wait for me. I'll buy some foods for Jamila. Kamusta si ate Marcella?" Tanong ni ate Cristal mula sa kabilang linya. Oo nga pala pupunta si ate Jamila ngayon dito sa hospital. Baka daw i drop si ate Marcella kaya lagi niya itong binibisita. Napabuntong hininga ako.

"Okay na si ate Marcella. Hindi na siya sumisigaw. Nasaan si mama?"

"Nag pahinga si mama sa bahay dahil sa pagod kababantay kay ate Marcella. Hintayin mo nalang ako bibili ako ng lunch" Huling sambit ni ate Cristal at agad pinatay yung tawag. Pumasok nalang ulit ako sa loob. Lagi ding luhaan ang mata ni ate Marcella. Ano bang nangyayari sa kaniya bakit hindi siya gumigising? Sinubukan ko siyang ugain pero hindi talaga. Umupo nalang ako sa tabi niya.

Nanlaki ang mata ko sa naisip ko. Hindi kaya nag lu-lucid dream si ate Marcella?

********

Joven's POV

DIKDIK ng halamang gamot ang una kong narinig. Agad akong napabangon at tumingin sa paligid. Kaninong tahanan ito?

"O hijo, gising ka na pala. Kamusta ang kalagayan mo?" Tanong ng ginang na siyang nag didikdik ng mga gamot. Nasa isang bahay kubo ako. Napatingin ako sa salamin ko na basag basag na ngayon. Anong nangyari?

"A-ano pong nangyari?" Tanong ko rin at napatingin sa balat ko. Puro ako sugat. Umupo naman ang ginang sa papag na hinihigaan ko at tumingin sa akin.

"Natagpuan kitang walang malay dito sa tapat ng tahanan ko. Nag durogo rin ang noo mo maging ang bawat bahagi ng iyong katawan ay sugatan. Ako dapat ang mag tanong kung anong nangyari" Sambit ng ginang at sinimulan nang lagyan ng gamot ang mga sugat ko. Kinalkal ko sa aking isipan kung ano nang nangyari. Ang huling naalala ko ay nakakapit ako sa kamay ng isang babae na paulit ulit tinatawag ang pangalan ko. Hindi ko lang mawari kung sino siya. Hindi ko rin alam ang ngalan niya.

May isang binibini na lumabas mula sa kaniyang silid. Nakatingin lang siya sa akin ngayon. Agad namang inabot ng ginang ang mga halamang gamot sa binibini at tumayo mula sa pag kaka upo.
"Florentina, ikaw ang mag gamot ng mga sugat niya. Mag hahanda ako ng tanghalian" Wala nang nagawa si Florentina kundi kuhain sa kamay ng ina ang mga gamot at umupo rin sa papag. Nag tataglay rin ito ng kagandahan. Nakakahalina rin tumingin ang mga mata nito.

"Kamusta, ginoo?" Panimula niya habang maingat
na dinadampian ng gamot ang balat ko. Nakatingin lang ako sa kaniya kaya hindi ko napansin na nag tanong pala siya.

Agad akong umiwas ng tingin. "Maayos naman ang aking pakiramdam. Nahahapdian lang ako sa aking mga sugat" Sagot ko kaya napatingin siya. Maingat niya pa ring hinahaplos ang kamay, braso at binti ko.

"M-mabuti naman" Maiksi niyang buwelta at nag patuloy sa pag gagamot sa akin. Inabutan niya ako ng maligamgam na tubig at sinenyasan ako na inumin iyon.

When I met you in my DreamsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu