Kabanata 15

63 16 4
                                    

{Chapter 15}

Napaiwas nalang ako ng tingin at nilayasan siya. Hindi ko na naiintindihan ang nais niyang iparating. Nahihibang na ba to si Joven? Kung ano ano nalang lumalabas sa bibig.

"Ah-um wag mo nang isipin yung sinabi ko. Ang totoo niyan ay may kwento itong dangwa na ito" Panimula niya. Napatingin naman ako sa kaniya. Nauuna akong mag lakad at pilit iniiiwasan ang kung anong sinasabi niya. Napahinga siya ng malalim at sumunod sa akin.

"Kaya nga sabi ko sayo ang dangwa na ito ay puno ng pagibig. May kwento kasi ito" ngiti niya. Patuloy pa din kami sa pag lalakad. Hinahampas ko naman sa palad ko ang hawak kong pamaypay.

"Ah" yun nalang ang nasabi ko at naupo kami sa kahoy na upuan. Nasa gitna na kami ng park. Madaming mga tao ang nag lalakad at namamasyal. May mga bata din na nag hahabulan sa gitna ng parke.

"Si Rosalinda at Samuel ang nag panimula ng kwento na ito" dagdag niya. Nakatingin lang ako ng diretso sa paligid kaya hindi ko alam kung kanina pa siya nakatingin.

Mabilis akong tumingin sa kaniya. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad siyang umiwas at kunwaring tulala. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa mga bata. Alas dose na ng tanghali. Masigla at matao na ang park. Hindi ko alam kung bakit niya ako niyaya dito para ikwento ang bagay na nais niyang i spoil sa akin. Pwede niya namang ikwento sa labas ng bahay ni Don Renato bakit kailangan dito pa mismo sa dangwa. Tsk.

"Paano mo nalaman yung kwento?" Tanong ko sabay hawak sa batok. May matanda ding nag titinda ng surbetes sa park. Balloons at iba pang maaaring ikaligaya ng mga kabataan.

"Hm, nabasa ko lang ang nobela na yun" sagot niya. Napatingin naman ako sa kaniya. Hindi niya rin siguro magawang ikwento sa akin dahil sa hindi ako nakikinig ng stories at dahil siguro wala siya sa mood mag kwento sa oras na to. Tamad din pala to si Joven'.

"Mahilig ka pala mag basa" dagdag ko. Inayos niya naman yung dulo ng barong niya at tumingin sa akin. Ngayon ko lang napansin na hindi siya nakasalamin kaya may pogi points nanaman siya. Hindi din ako sanay kapag wala siyang salamin. Bakit ba siya nakasalamin? Malabo ba mata niya? O trip niya lang.

"Hindi ako sanay na wala kang salamin, ginoo" patuloy ko. Nakatingin lang siya sa akin kaya medyo iniharap ko ang sarili ko sa kanan para hindi mailang sa tulad niya. Bakit ba ako naiilang sa kaniya e hindi pa nga kami masyadong close.

"Hindi rin ako sanay na nag salita ka ng wikang tagalog" banat niya kaya kunot noo akong lumingon sa kaniya. Natawa nalang siya ng mahina at tumingin ng diretso sa paligid.

"Dapat sinasanay ko na ang aking sarili. Baka pag kamalaman pa akong anak ng amerikano na siyang kaaway ng ating bayan" wika ko ng hindi nakatingin sa kaniya. Tinanggal ko yung tali ng buhok ko dahil masyadong mahigpit ang pag katali ni ate Dolores. Sumasakit ang anit ko.

"Dapat rin palang sanayin ko ang aking sarili na malalim ka na mag tagalog. Narinig ko kanina kung paano ka maki pagusap sa amerikanong nangangasiwa ng tren" giit ni Joven. Inalis ko naman yung patay na dahon na dumikit sa buhok ko bago mag salita.

"Buti ka pa kaya sanayin ang sarili"

"Anong ibig mong sabihin? Mag ginoo ka na bang napupusuan? At hindi mo masanay ang iyong sarili na wala siya?" Tanong niya kaya nagsalubong ang kilay ko. Nawawala na ata sa sarili si Joven.

"Pinag sasabi mo? Wala akong planong mag jowa. Wala rin akong mapapala" sagot ko sabay tumingin sa kaniya. Napaiwas nalang ako ng mapagtanto na kanina pa siya nakatingin sa akin.

"Naunahan ka pa ng kapatid mong si Clara. Wala ka na ba talagang plano?"

"W-wala" yun nalang ang nasabi ko at tumalikod sa kaniya. Bakit niya ba pinapakielaman ang goals ko sa buhay? Wala ba siyang sariling journal para planuhin ang dapat planuhin sa buhay. Hindi niya naman nababangit na meron din siyang garapon na katulad ng ibinigay niya sa akin.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now