Kabanata 33

59 13 0
                                    

{Chapter 33}

"Alipin ako na umiibig sayo bakit hindi magawang mag tamptampo? Paano na ito?"

-Alipin ako by Liezel Garcia

"MARCELLA" Tawag ni Joven at akmang lalapit pa sana sa akin pero tumayo ako at umtras. Dumudugo na din yung tuhod ko dahil sa garapon na nabasag. Patuloy pa din na tumutulo ang luha sa mga mata ko. Lumuhod nalang ulit ako at niligpit yung mga bubog.

"Marcella wag mong hawakan yan" Dagdag pa ni Joven at kinuha sa mga kamay ko yung bubog. Umiling ako at nagpatuloy sa pag ligpit doon. Sobrang sakit. Parang gusto ko din mamatay. Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako.

Hinawakan niya ako sa braso pero agad kong inalis yung kamay niya ng pagalit. Lumuhod siya para mapantayan ako.

"Marce--" Hindi na niya natapos yung sasabihin niya ng lumabas ako dala dala yung bubog. Napatingin ako sa paru-paro na lumilipad na papalayo mula sa sa kinatatayuan ko. Tumigil ako sa harap ng batis sa likod ng bahay nila Joven. Ang sakit sakit sakit. Ayoko na.

"Hayaan mo muna akong mag paliwanag. Ayusin natin ito" Sambit pa ni Joven. Luhaan akong tumingin sa kaniya at sinara yung kamay ko.

"Ano pa bang kailangan mong ipaliwanag? Sapat na ang nakita ko. Hindi mo na kailangan mag salita. Masasayang lang ang laway mo" Saad ko at tumalikod. Napahawak nalang ulit ako sa puso ko na sumisikip ng dahil sa nakita ko. Hinalikan ni Joven si Gregoria. Hindi ko talaga matanggap. Napa bagsak nalang ako sa bato kaya humapdi ang sugat ko.

"Joven bakit mo magawa sa akin ito?" Tanong ko sa kaniya at nagsimula nang humagulgol. Hinawakan niya yung balikat ko kahit nanginginig ito ngunit agad ko itong inalis. Hindi ko na kailangan marinig ang kung ano pang sabihin niya.

Napatingin ako sa kamay ko na dumudugo din at nanginginig ng sobra. Hinawakan ko nalang ito kahit hindi ko na talaga kaya. Sawa na akong masaktan. Sawang sawa na ako umiyak ng umiyak ng dahil sa kaniya. Hanggang kailan niya ba ako sasaktan? Hanggang kailan ba ako mag titiis?

"Hindi ko yun sinasadya. Alam mo naman na ikaw---" Hindi na natapos ni Joven yung sasabihin niya ng sampalin ko siya. Mga sampal na hindi ko alam kung bakit ko nagawa. Mabigat ang kamay ko at patuloy na nanginginig. Tumulo nalang din ang butil ng luha sa kaniyang mga mata. Napapikit nalang ako. Hindi ko na kayang pigilan na hindi tumulo ang luha sa mata ko.

"Joven bakit? Bakit mo ginawa to?!" Pasigaw kong tanong sa kaniya habang patuloy na lumuluha. Napatingin ako sa kaniya kahit puno ng kasawian at galit ang puso ko. Bakit ba hindi niya sinasagot ang tanong ko?  Sagutin niya lang at hindi ko kailangan ng mahaba niyang paliwanag.

"Buong puso kong binigay ang tiwala ko sayo pero anong ginawa mo?!" Tanong ko pa. Tinalikuran niya ako dahil alam kong umiiyak siya ngayon. Hindi na ako makahinga sa kaka iyak ko kaya hinahabol ko nalang ito. Parang sinasaksak ang puso ko ng ilang beses. Hindi na ako makahinga. Sobrang napapagod na ako masaktan.

"Joven hindi mo ba alam na kung gaano ako ka swerte dahil nakilala kita?" Naka ilang tanong na ako sa kaniya pero ni isa wala siyang sinagot. Naririnig ko ang pag singhot niya kaya sigurado ako na umiiyak siya.

"Bakit mo ba ako pinag hihinalaan?" Pag bato niya ng tanong sa akin. Nakahawak lang ako sa lupa at mahigpit ko itong hinahawakan. Napatingin ako sa kaniya kahit ayoko ng makita ang pag mumukha niya.

"Kitang kita ng dalawang mata ko Joven! Hinalikan mo si Gregoria!" Sigaw ko sa kaniya. Napatigil ako ng dumating si Alberto, Juanico at Fidelito. Tumakbo sila papalapit sa amin. Napabagsak nalang ang balikat ko. Sakit at galit ang
bumabalot sa puso ko. Bakit ba nangyayari ang mga bagay na ito?

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now