EPILOGO: Ang Huling Dinastiya

186 10 68
                                    

{Epilogue}

A/N: Ang mag i-skip ay mamalasin ng 13 years. Charot! Enjoy reading!

*****

{Ang Huling Dinastiya}

2080.

MABAGAL ang usad ng lakad ni Mariella papunta sa isang Museo sa Cavite. Inanyayahan siya ng lola Cristaliana niya na pumunta doon dahil may pagdiriwang na gaganapin. Ipagdidiwang daw ang ika-208 kaarawan ng nag pagawa ng mansyon na iyon na si Ginoong Jovento Protacio.

"Judielyn, Camilla!" Tawag niya sa mga kaibigan niya ng makita itong hinihintay siya sa tapat ng lumang mansyon. Si Judielyn at Camila ang pinaka matalik niyang kaibigan. Mapapasabi nalang siya sa sarili niya na parang nag tagpo na ang landas nilang tatlo noon. Parang kapatid na rin ang turingan nilang tatlo at hindi sila magawang mapaghiwalay ng kung sino.

"Mariella Laureen Pineda! Ang bagal mo namang mag lakad! May pa muni-muni pang nalalaman? Feel na feel frenny?" Sumbat sa ni Camila kay Mariella ng makarating ito sa harap niya. Napatigil siya ng bigla siyang batukan ni Judielyn na siyang kinainis niya.

"Oh sige! Wala kang karapatang supladahan ako! Alam mo bang halos mamumuti na ang buhok namin kakahintay sayong gaga ka?" Saad naman ni Judielyn sabay cross arm. Natawa nalang ng mahina si Mariella. Maging ang ginagawang pambabatok sa kaniya ng mga kaibigan niya ay pamilyar.

"S-sorry na nga e! Dinadama ko lang yung ganda ng lugar!" Usal niya at napahimas sa ulo niya na nabatukan ni Judielyn ng wala sa oras. Sabay sabay nalang silang natawa at tinuoon ang tingin sa lumang mansyon. Maganda ang disenyo nito at sadyang malawak. Hindi magawang maalis ni Mariella ang tingin niya sa mansyon dahil may iba siyang nararamdaman, na hindi niya maipaliwanag.

Siya si Mariella Laureen Pineda, 20 years old at 4th year college student. Pangarap sa kaniya ng mommy Marinella niya na maging ganap siyang Scientist. Pinag aral siya sa mamahaling school at Astrology na ang napili niyang course. Magaling naman siya sa Physics kaya wala naman siyang problema. Ayon sa mommy niya, nasa lahi na nila ang pagiging Scientist.

Maging ay mommy niya ay isang Scientist. Ang anak ni Cristal Garcia-Reyes na si Cristhalyn ay isa ring Scientist. pati na rin ang anak nito na si Cristaliana. Si Cristal Garcia-Reyes ay ang lola ng lola Cristaliana niya. Hindi ito naging Scientist sapagkat Flight Attendant ito. Ang kapatid nitong si Marcella Reign Garcia ang pinaka unang mahusay na Scientist sa kanilang lahi.

Nabalikwas si Mariella nang magsalita si Judielyn. "So, tara na? Pasok na tayo?" Aya nito. Napatango tango nalang siya at sabay sabay silang pumasok sa loob ng mansyon. May ilan ilang bisita din ang pumunta. Hindi naman siya mahilig pumunta sa mga handaan pero pinipilit siya ng lola Cristaliana niya.

"Oh apo, Mariella nandito ka na pala" Wilka ng lola niya at tsaka siya sinalubong ng yakap. Sandaling inikot ni Mariella ang tingin niya sa buong mansyon. Sa bawat yapak niya ay nagiging pamilyar ito sa kaniya, na tila ba napuntahan na niya noon.

"Bakit ba napakaraming pamilyar na bagay sa akin?" Bulong niya sa sarili niya. Simula nang matuto na siyang tumayo sa sariling paa, napakaraming bagay ang nagiging pamilyar para sa kaniya.

Tumigil siya sa harap ng painting na may takip. Tatlong dikit dikit ito at pare-parehong nakatakip. Napalunok nalang siya at akmang tatanggalin sana yung tela na naka takip sa painting ngunit naalala niya na wala pala siyang karapatan na mangialam ng mga bagay ng walang permiso. Napabuntong-hininga nalang siya at umupo sa silya tsaka pinagmasdan ang mga taong masayang nag ke-kwentuhan. Ramdam niya ang pag-iisa dahil iniwan siya ni Judielyn at Camila, nakikipag kwentuhan na ito sa mga kalalakihan.

When I met you in my DreamsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora