Kabanata 2

269 24 22
                                    

{Chapter 2}

"Frenny! Marcella gising ka na!" Sigaw ni Jamila sabay yakap sa akin. Napalingon ako sa paligid.

"Nasaan ako?" Tanong ko sabay hawak sa ulo ko na kumikirot ngayon.

"Frenny, nasa clinic ka ngayon! Nagulat nalang kami ng himatayin ka sa Aguinaldo Shrine!" Saad niya pa na ikinagulat ko.

So ibig sabihin nananaginip ako. Napanaginipan ko na nasa ibang panahon ako!

Ang huling natatandaan ko ay hinabol ko yung nagbabantay sa A shrine. Pero bakit hinimatay ako? Hindi ko ma gets.

Pilit kong inaalala yung lahat pero walang pumapasok sa isipan ko. Bakit ako hinimatay? Anong nangyari?

"Okay ka na?" Tanong pa ni Jamila sabay hawak sa noo ko.

Basta nanaginip ako na nasa ibang year ako. Hindi ko lang maalala kung anong nangyari.

Bakit ako nasa ibang panahon?

*-*-*-*

Palakad lakad lang ako sa bahay nila lolo. Pilit kong inaalala lang lahat pero hindi ko talaga maalala ang mga nangyayari.

Ang alam ko hinabol ko lang yung matanda tapos ayun na. Wala talaga akong matandaan! Tsaka pang sinauna pa yung panahon.

Nababad trip ako kapag hindi naaalala yung panaginip ko. Lahat naman ng panaginip ko naaalala ko pero bakit ngayon hindi na.

Natauhan ako sa pag oover think ng biglang dumating si lolo tsaka yung matanda na nagbabantay sa A shrine!

Aalis na sana ako para pumunta sa labas at magpahangin pero nagsalita yung matandang lalaki.

"Hija, sasabihin ko sayo ang totoo" wika nung matanda na ikinagulat at ikinakaba ko.

Hindi ko siya sinagot. Lumingon siya sa drawing na si Marcelina bago muling nagsalita.

"Nananaginip ka, hija" dagadag niya pa. Ang creepy niya shemay!

"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko sabay napalunok sa kaba.

"Gusto mo bang maalala ang mga nangyayari sa panaginip mo?"

Tumango nalang ako. Hindi ko maintidihan.

"Ipikit mo ang iyong dalawang mata ng limang segundo"

Ipinikit ko nga ang mata ko. Biglang sumakit ng sobra ang ulo ko. Pagkalipas ng limang segundo ay idinilat ko na ang mata ko.

Naaalala ko na nga!

Kilala ko din doon ang sinabi ni lolo na si Joven!

"Sa panahong iyon ay gising ka at dito naman sa panahon natin ay natutulog ka ng mahigit dalawang oras"

"Kapag nagising ka dito sa hinaharap. Gising pa din si Marcellina dahil nasalinan mo siya ng enerhiya. Ngunit hija isa ka lang impostora ni Marcellina kaya magiingat ka sa iyong pananalita at kinikilos"

"Gising nga si Marcelina o kung sinong kilala mo doon ngunit naka tigil ang oras nila. Kapag natulog kang muli ay tsaka muling mababalik ang pagikot ng oras nila"

"So kapag po, gising po ako ng mahigit ten hours nakatigil din po yung oras nila?" Tanong ko pa. Hindi ko napansing umalis na si lolo.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now