Kabanata 14

65 15 0
                                    

{Chapter 14}

"Marcella?" Natauhan nalang ako ng magsalita siya. Nakatulala pala ako sa kaniya dahil inisip ko yung isusulat ko at ilalagay sa bote na hawak ko. Sumampa siya sa binatana at ngumiti ng marahan.

"Jovs, umuwi ka na gabi na" paalala ko. Ang ganda din ng tindig niya ngayon dahil kapansin pansin yung scarf na nasa leeg niya. Para siyang boy scout. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta malapit sa bintana.

"May curfew ata dito. Umuwi ka na baka ikulong ka pa" patuloy ko. Sumilay ang ngiti niya sa labi at bumaba sa pagkasampa sa bintana.

"Mauuna na ako, nawa'y magustuhan mo yang binigay ko sayo at makatulog ka ng mahimbing" huling sambit niya sabay ngumiti muli. Nag lakad na siya papalayo.

Naka ilang hakbang pa lang ay lumingon muli siya at ngumiti ng labas ang ngipin. Yun ang una kong nakita na ngiti niya. Nag smile back nalang ako at sinara yung binatana. Hindi ko sana isasara pero baka pasukin ako ng magnanakaw at killers. Ayoko pa mamatay at baka ma stock pa ako dito sa panaginip ko. Shemay.

Humiga nalang ako at lumingon muna sa bote na ibinigay ni Joven at ipinikit ang aking mata.

-------------

Tilaok ng manok ang una kong narinig kaya bumangon na ako. Napahawak ako sa paa ko na may tela pa din ngayon. Sana gumaling na ito para makalakad ulit ako ng maayos. Para kasi akong pilay na walang budget at hindi makabili ng tungkod. Hindi na naman masyadong masakit.

Binuksan ko ang bintana kaya tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Napapikit nalang ako at umupo sa silya tsaka pinagmasdan ang bote na binigay ni Joven.

Kumuha ako ng papel at hinati ito sa 1\4. Isusulat ko ngayon yung naisip ko kagabi na sana ma achieve ko ang lahat at payapa na magigising muli sa mundo ko.

Napatigil ako sa pag susulat ng may kumatok sa pinto. Agad akong tumayo at binuksan yun. Si ate Dolores lang pala.

Tinanggal niya pa yung muta sa mata ko. "Mag bihis ka, pupunta tayo kay ama sa bulakan. Ganap na kanang kamay na siya ng mataas na heneral doon kaya magkakaroon ng piyesta. Alas nuebe ng umaga tayo aalis" sambit niya sabay inilapag yung mga kumot na bagong laba.

"Doon rin tayo mag papalipas ng mahigit tatlong araw kaya mag impake ka ng mga susuotin mo" patuloy niya. Tumango nalang ako at inayos yung higaan ko. Dito daw ang silid ng kasambahay dito sa mansion.

"Um-ah ate Domeng, bakit parang nag kainitan kayo ni Larina kahapon ng bumili tayo ng mangga?" Tanong ko at napalunok. Napatingin naman siya sa akin at napatigil sa pag wawalis.

"Hayaan mo siya. Wag mo nang intindihin iyon" sagot niya sabay inayos yung upuan. Sinusundan ko lang siya ng tingin sa bawat kinikilos niya. Possible kaya na may gusto si Alberto kay ate Dolores kaya galit si Larina? Sabi kasi sa akin ni Joven nung nakaraan na pumunta kami sa bahay nila at nag luto si ate Dolores doon, matagal na daw may gusto si Larina kay Alberto. Sinabihan ko pa nga ng mga words na hindi maganda e.

"May idea ka po ba kung bakit may sama ng loob si Larina sa'yo?" tanong ko pa. Napatingin muli siya sa akin at umiling. "Wala" maiksing sagot niya at sinenyasan ako na mag intindi na ako para sa pag punta namin si Bulacan. Kinuha ko na yung twalya ko at agad pumunta ng cr.

Narinig ko nalang ang mahinang tawanan sa labas, pag katapos kong magbihis ay agad akong lumabas para kumain ng almusal. Napatigil ako ng makita sila Joven at mga kapatid niya. Bakit ba sila laging nandito? Sila nalang lagi ang bumubungad sa paningin ko. Sino ba ang habol nila dito sa mansion?

Kunot noo kong kinuha yung tinapay at palaman. Napanganga nalang ako ng buksan ko ang jam wala na palang laman. Ang tatakaw kasi.

"Si Clara sisihin mo d'yan" sambit ni ate Dolores na kumakain ng itlog at kanin. Napangisi nalang sa akin si Clara na ngayon siya ang nakaubos ng palaman.

When I met you in my DreamsWhere stories live. Discover now