Kabanata 23

55 14 0
                                    

{Chapter 23}

Mabagal ang pag lakad ni Joven habang pasan-pasan ako. Siguro nabibigatan siya sa akin. Hindi ko mapigilang mahiya sa kaniya.

"Joven ibaba mo na ako baka pagod ka na" Panimula ko. Nakatitig lang ako sa buhok niya na amoy sampaguita. Kahit nakatalikod ang gwapo niya pa din.

"Ayos lang ako. Alam ko naman na pagod ka din" Sagot niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. Napapikit nalang ako. Nasa balikat niya ang dalawang braso ko habang hawak ko yung pamaypay at yung rose na binili ko. Hindi ko tuloy makita yung mukha niya kasi nakatalikod siya sa akin. Nakangiti ba siya?

Nasaan na kaya sila ate Dolores? Mahigit isang oras kasi ako nag ayos ng sarili. Siguro nandoon na sila. Bakit ba kasi doon pa binurol si aling Pasencia? Sana sa ilog pasig nalang para hindi kami mahirapan ng ganito. Hindi pa naman ako sanay maglakad. Kapag may pupuntahan ako mag ta-trycyle ako or jeep. Dito kasi no choice. May kalesa nga pero hindi naman makakadaan kasi may tulay na tatawiran.

"Sure ka ba dyan? Hindi ka pa pagod?" Tanong ko pa habang nakatulala sa buhok niya. Narinig ko ang mahina niyang pag tawa. Napakunot ang kilay ko. Ano bang nakakatawa sa mga sinasabi ko?

"Hindi ako mapapagod" Sagot pa ni Joven. Napataas noo nalang ako. K fine. Kung gusto mo ako buhatin sige go lang.

"Malapit na tayo" Sambit pa niya. Napatango nalang ako at pinagmasdan yung rosas na hawak ko. Nakakainis si presidente. Sabi niya sabay kaming pupunta doon pero iniwan nila ako! Ayon kay Clara, ala-sais palang ng umaga umalis na sila. Edi sana kung sinabihan nila ako sana maaga ako gigising.

"Joven, wala ka bang idea kung kanino yung kwintas na pinakita ni Juanico?" Tanong ko pa. Napalingon siya sa akin sa unang pagkakataon. Napaiwas ako ng tingin dahil ang lapit ng mukha niya sa akin. Baka mamaya accidentally kong mahalikan ang mapupula niyang labi. Shet.

Umiwas siya ng tingin at tumingin ng diretso sa dadaanan. "P-pamilyar sa akin ang bagay na iyon ngunit hindi ko mawari kung kanino" Sagot niya. Napalaki ang mata ko. Pareho kami. Hindi ko rin matandaan kung kanino ang bagay na yun.

"Pamilyar din yun sa akin kaso hindi ko din alam kung kanino" Wika ko sabay tumingala sa kalangitan. Maiinit ngayon. Tumatagos ang sikat ng araw sa puno kaya tumatama ito sa mukha ko.

"Ang may-ari ng bagay na iyon ay siyang tunay na pumaslang kay aling Pasencia. Hindi si heneral Alejandrino" Dagdag pa ni Joven. Tama siya. Paano naman namin malalaman kung kanino yun? Sa paanong paraan?

"Oo. Dapat talaga nalaman natin kung kanino yun para siya ang magdusa" Giit ko pa. Napatingin siya sa akin dahil madiin ang pagkasabi ko ng magdusa.

"Joven, hindi mo pa rin ba alam kung sinong pumaslang sa ama mo?" Tanong ko. Siguro nakukulitan siya sa akin kasi tanong ako ng tanong. Napalingon muli siya sa akin at umiwas sabay yumuko.

"Hindi. Hindi pa din" Malungkot na sagot niya. Maya maya ay natanaw na namin ang tulay kaya bumaba na ako mula sa pagkakapasan sa kaniya. Inunahan ko siya mag-lakad at napahawak sa mukha ko na namumula ngayon. Hindi ko akalain na ipapasan ako ni Joven para hindi ako mapagod. Wala namang meaning yun pero bakit iniisip ko na may gusto siya sa akin? Hays Marcella itigil mo yang kakaisip ng kung ano ano. Baka one day pag umamin ka sa kaniya i-reject ka niya. Tsk lagi nalang ako nirereject.

"Bakit nakasimangot ka dyan?" Siya naman ang nag tanong. Napatingin ako sa kaniya. Sabay na kaming naglalakad sa kahoy na tulay. Buti naman hindi 'to umuuga.

"Wala. May naalala lang ako" Sagot ko. Napatingin siya sa akin sandali kaya tinakip ko yung rose sa mukha ko.

"Ano namang naalala mo?" Tanong niya sabay umiwas ng tingin kaya binaba ko yung rose sa mukha ko na namumula.

When I met you in my DreamsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin