Kabanata 6

107 17 4
                                    

{Chapter 6}

Napapikit nalang ako habang naglalakad kami sa umuugang tulay. Dito ang tinurong shortcut sa amin para makarating agad ng Manila. Ala sais palang ng umaga. Wala pa kasing kalesa ang dumadaan kaya mas pinili nalang naming maglakad kesa magsayang ng pamasahe.

Tinatawanan ako ni Clara dahil takot talaga ako. Tinatakot niya pa ako na mapipigtal ang tulay at babagsak kami sa ilog.

Si Hilaria ang kasabay kong maglakad. Nakakapit lang ako sa braso niya habang nakapikit. Tinatawanan naman nila ako at inuuga pa yung tulay dahilan para mas lalo akong natakot.

"Wag niyong ugain!" Sigaw ko kay Clara at Juanico. Napatili naman ako ng umuga ng malakas ang tulay.

Pati si Hilaria ay natatawa sa kaduwagan ko. Nilaliman ko ang pagpakit ko at mahigpit na kumapit kay Hilaria.

"Tatlong pung minuto bago tayo makarating sa dulo. Ang dulo nito ay ang ilog na nasa malapit sa bahay ni Presidente Catalino" sambit ni Alberto na naka general outfit ngayon.

Dahan dahan kong idinilat ang mata ko ngunit napapikit ako muli dahil sa takot. Tinatawanan lang nila ako dahil napakaduwag ko pagdating sa matataas na lugar.

Napalingon ako kay Joven na nakatingin sa akin ngayon. Napaiwas siya ng tingin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napailing nalang ako at bumulong kay Hilaria.

"Hilaria" sambit ko. Napalingon naman siya. Nakapikit pa din ang mata ko.

"Sabihin mo sa akin, anong maaari kong gawin para magkabalikan kayo ni----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng magsalita siya.

"Wala kang dapat gawin. Naka pag pasiya na ako" wika niya sabay umiling.

"Pero. Paano nalang ang pag hihirap mo. Dapat ka niyang balikan sukli sa pakikipaglaban mo" patuloy ko pa. Idinilat ko na ang mata ko.

"Wag mo na akong isipin, Marcelina. Ito ang pinaka maayos na desisyon ko sa buhay" saad niya. Napatango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad sa tulay. Hindi ako makapaniwala na kayang mag move on ni Hilaria. Dahil lang ba sa sinabi ko kagabi?

Napalingon ako kay Hilaria na diretsong nakatingin sa daan. May ugali pala siyang mabuti. Isinuko na niya ang sarili niya kay Joven na minahal niya ng sobra.

Napalingon naman ako kay Joven na naglalakad ngayon. Kasabay ng paghangin ng marahan na nakikidamdam sa pagiging malaya niya.

Makalipas ang 30 minutes ay narating na namin ang isang gubat. Ayon din kay Alberto ay may madadaanan kaming gubat at lalakaring sandali.

Ako ang nahuhuli sa kanilang lahat. Natunog din ang tuyong dahon kapag natatapakan ko ito.

Lumingon lang ako sa paligid sandali. Madaming puno dito ay mga humuhuning ibon.

Maglalakad na sana ako ng mawala sila sa unahan ko. Pinapainit naman talaga nila ang ulo ko e. Tinataguan pa ako

"Hoy wag naman kayong ganiyan. Hindi ko alam ang daan" sigaw ko at sinubukan silang hanapin. Napatili ako ng may humawak sa balikat ko.

"Marcella" wika niya. Dahan dahan akong lumingon sa kaniya. Si Joven. Bakit niya ako tinawag sa totoong pangalan?

Bumagsak ang panga ko ng mapagtantong naka school uniform si Joven. Ibig sabihin nagising na ulit ako!

Magsasalita sana ako pero may dumating. Si Jenelyn.

"Marcella Reign naman. Nandito ka lang pala akala ko may ginawa ng hindi maganda sa'yo si Joven. Kanina pa kita kino contact. Jusko nagaalala ako sayo!" sambit ni Jenelyn sabay tingin kay Joven.

When I met you in my DreamsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora