Prologue

445 19 7
                                    

"Sir Gon? Are you still there?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Sir Gon? Are you still there?"

Nakatayo sa labas ng kitchen area si Aminah habang hinihintay na lumabas ang kaniyang boss upang makapagpaalam ito, dahil sa biglaang pagkakaroon ng emergency sa kanila. Isinugod sa hospital ang kanyang ina kung kaya't nais niyang makauwi nang maaga upang mapuntahan ito.

Night shift si Aminah kung kaya't wala ng gaanong tao sa restaurant na pinagtatrabauhan niya. Maaga ring umuwi ang ilang mga kasamahan niya sa trabaho dahil karamihan sa mga ito ay estudyante pa lamang na 'di maaaring abutin ng gabi.

"Sir Gon?" muli nitong tawag.

Ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng pintuan ngunit tanging maingay na musika lamang ang kan'yang naririnig. Iniisip niya na malabong marinig siya ng kaniyang boss kaya kailangan na niyang pumasok sa loob, lalo na't kailangan na kailangan na siya ng kanyang ina.

Huminga siya nang malalim bago hawakan ang doorknob ng pintuan. Hindi na siya nagdalawang isip pang pumasok alang-alang sa kan'yang ina, hindi na niya inisip na maaari siyang mapagalitan dahil mahigpit na pinagbabawal sakanila ang pumasok ng kitchen area at kausapin ng personal ang kanilang boss.

Pagpasok ni Aminah ay nilibot niya ang napakalaking kitchen area. Nagpalinga-linga siya upang makita ang kanyang boss. Sa tingin niya ay nasa bandang dulo pa ng kitchen ito kaya malabo talagang marinig siya nito sa labas, dagdag mo pa ang napakalakas na rock music.

Napahinto siya sa paglalakad nang makita ang boss niya na kasalukuyang nagluluto. Nakatalikod ito sa kan'ya kung kaya't hindi siya nito nakita.

"S-sir Gon."

Garalgal ang boses ni Aminah dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya.

Sa sobrang lakas ng music ay hindi siya nito narinig, halata mo na nag-eenjoy ang kanyang boss sa music na naririnig dahil sinasabayan pa nito ng pag-indak gamit ang kaniyang kaliwang paa.

"Sir Gon!"

Sa pagkakataong 'to ay nilakasan na ni Aminah ang kanyang boses at dahan-dahan namang humarap ito sa kaniya. 

Nagkatitigan ang dalawa at kaagad napansin ni Aminah ang duguang kutsilyo na hawak ng kanyang boss, pati ang suot nitong kulay puting apron ay nabalutan ng dugo.

Hindi tuloy maiwasan ni Aminah na isipin na totoo ang bali-balita tungkol sakanyang boss na isa itong psychopath. Ngunit isinawalang tabi na muna niya ang kanyang takot para sa kaniyang pinakamamahal na ina, lalo na't nakita niya na nagluluto ang kan'yang boss, inisip na lamang nito na galing sa mga karne na niluluto ng kanyang amo ang mga dugo na nasa kutsilyo at suot nitong apron.

Huminga siya nang malalim bago magsalita. "S-sir kailangan ko na pong umuwi dahil nagka-emergency p—"

Napahinto siya sa pagsasalita nang mapansin niyang nag-iiba ang postura ng kanyang boss. Pawis na pawis ito na para bang nahihirapan huminga habang naniningkit ang kanyang mga mata.

Dahil dito ay natakot si Aminah kaya napahakbang siya ng paatras, palayo sakanyang boss.

Nadagdagan pa ang kanyang takot at kaba nang mapahawak ang kan'yang boss sa magkabila niyang tenga na para bang may kung anong naririnig. Mas lalong tumindi ang pagtulo ng pawis ng kanyang boss at dinig na dinig ni Aminah ang bawat paghinga nito ng malalim.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari at sa pagkagulat ay hindi malaman ni Aminah ang kanyang gagawin. Mas lalo pang nadagdagan ang kaniyang kaba nang dahan-dahang mapaluhod ang kanyang amo sa sahig.

"Wahhh!!!" biglang nagpakawala nang malakas na sigaw ang kanyang boss habang pikit matang nakaharap sakanya. Sa lakas ng sigaw ng kanyang amo ay mas nangibabaw ito kaysa sa rock music na kanina pa tumutugtog.

Halos himatayin naman si Aminah sa kaba at takot na nararamdaman niya, dahilan para mapaatras siya nang mapaatras. Hanggang sa madulas ito at nahampas ang kanyang ulo sa isa sa mga mesa na gawa sa bakal.

Dahil doon ay nawalan ng malay si Aminah habang nakahiga sa sahig. Sa puntong 'yon tuluyan at dahan-dahan na ring nawalan ng malay ang kan'yang boss at unti-unti na ring napahiga sa sahig.

"Gonnie Han!"

Pagkamulat pa lang ng kan'yang mata ay pangalan na agad niya ang kanyang narinig. Nilibot niya ang kanyang paningin at na kumpirma niyang nasa kwarto nga siya nito.

"D-dad?" sambit ni Gonnie.

Napahawak siya sa ulo niya dahil nakaramdam siya ng kaunting pagkahilo.

"How are you feeling?" nag-aalalang tanong ng kaniyang ama. Mapapansin mo sa mata ng kanyang ama ang pangangamba para sa anak.

"I feel better, thank you," he smiled.

"You don't have to worry about what happened, okay? You just have to focus with important things," nakangiting sambit nito at hinaplos sa balikat ang kaniyang anak na kasalukuyang nakasandal sa kama.

Napaupo si Gonnie mula sa pagkakahiga, halata mo sa itsura niya ang pagkalito sa sinabi ng kaniyang ama. Seryoso itong napatingin ama bago muling nagsalita.

"What do you mean?" tanong ni Gonnie.

Halata mong naguguluhan talaga siya sa mga sinabi ng kan'yang ama.

"I was talking about Aminah," sagot nito.

"H-huh? What do you mean?"

Halatang naguguluhan parin si Gonnie sa sinasabi ng kan'yang ama, hanggang sa paunti-unti nitong naalala ang mga nangyari kagabi.

"Ohh... w-what happened to Aminah? K-kumusta siya?" dali-dali nitong tanong, batid mo ang pag-aalala sa tono ng kaniyang boses at sa kaniyang itsura.

"Aminah is dead."

Gulat na gulat si Gonnie sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala na wala na ang babaeng palihim niyang hinahangaan. Alam niyang mabait si Aminah kaya labis itong nakararamdam ng kalungkutan.

"P-paano nangyari 'yon?" tanong niya.

Unti-unti naman niyang naalala ang pangyayari kagabi kung saan takot na takot si Aminah sa kan'yang sigaw dahilan kung bakit ito nagdamaling umatras palayo at naging dahilan nang pagkabagok ng ulo nito sa bakal na mesa.

Napayuko siya nang alalahanin niya si Aminah. Hindi madali sa kan'ya na paniwalaan na wala na nga si Aminah. Ang babaeng lihim niyang hinangaan.

Halos mapanting naman ang tenga niya nang marinig ang mga sumunod na sinabi ng kanyang ama.

"You killed her."

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now