Chapter 23: Love

78 12 16
                                    

D A L I A

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

D A L I A

Napatingin ako nang seryoso kay Vianna nang sabihin niya ang mga katagang 'yon, ano'ng sasabihin niya na kailangan ay sikreto lang muna namin?

Huminga ako nang malalim bago siya sinagot, "w-what is it?"

Bumuntong-hininga si Vianna bago siya nagsimulang magkwento.

"When I was 12 years old, I went in Canada. Ayoko sanang umalis pero pinilit ako nina kuya at ni Mr. Gion. Inasikaso ni kuya ang papers ko at sinabing mas mabuti pang sumunod na lang ako sa parents namin, dahil iyon daw ang makakabuti para sa amin. No'ng una hindi ko alam kung ano'ng dahilan nila, kung bakit nila 'yon ginawa, alam naman ni kuya Traze na hindi maganda ang relasyon ng parents namin, pero dinala niya pa rin ako sa Canada. Nalaman ko na lang recently ang dahilan kung bakit nila 'yon ginawa. My mom has manstress, she has another family but we are the legal. Kaya pala mas pinili ng parents ko na manirahan na lang kami sa ibang bansa kahit na ayaw ko."

Nakinig lang ako sa kaniya habang patuloy siya sa pag-iyak, hindi ko maintindihan kung saan papunta ang sasabihin niya pero handa pa rin akong makinig sa kaniya. Pakiramdam ko ay kailangan niya rin ng taong makikinig sa kaniya.

"I'm sorry to hear that. Pero hindi ko maintindihan kung bakit mo sinasabi sa akin 'to?" naguguluhan kong sabi.

"Isn't it obvious? My mom has manstress, she has another family. Sina Gon 'yon."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Mas lalong lumakas ang hagulgol niya.

"Yes Dalia, I am Gon's sister. He's my brother."

Napakagat siya nang labi niya matapos iyon sabihin. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Kaya pala ang bait ni Traze sa kaniya. Kaya pala lagi siya nitong inaalagaan kahit na ilang beses na siyang ipagtabuyan ni Gon. Knowing na hindi legal family si Gon, he still choose to protect Gon.

"I'm sorry, I didn't know." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "Noong una nagalit ako kanila kuya kung bakit hindi nila sinabi sa akin noon pa, pero ang sabi nila kapag nalaman ni Gon 'yon baka mas lalo lang lumala ang phobia niya at masasaktan nanaman siya lalo," paliwanag nito. "Kaya... kaya hindi muna pwedeng malaman ni Gon ang lahat. Please don't tell anyone na alam mo na ang totoo especially to my brother Traze and Mr. Gion."

"Kailangan niyang malaman ang lahat Vianna," mahinang sambit ko.

Hindi solusyon ang kasinungalian upang takpan ang katotohanan. Naaawa ako kay Gon dahil puro kasinungalian na lang ang nangyayari sa buhay niya.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now