Chapter 17: Murderer

94 13 10
                                    

D A L I A

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


D A L I A

Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang tinitignan si Gohan. Nakahiga siya sa emergency bed habang minamadali itong isakay sa ambulansya. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano siya nahihirapan at nasasaktan. Hirap na hirap itong huminga at tagaktak ito ng pawis. Mas malala ito kaysa noong unang beses ko siyang nakitang naging ganito.

Napansin kong napatingin siya sa akin kahit na nahihirapan na siya. Kumirot ang puso ko dahil wala akong magawa kung 'di ang titigan lang siya. Napahawak ako sa dibdib ko. Ano'ng nangyari? Hindi ko alam... pero pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya nagkaganun. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa magsara na ang pintuan ng ambulansya at dali-dali itong pinaandar.

Naiwan akong nakatayo sa tapat ng K's resto. Natulala ako at napatingin sa mga bitbit ko na nabitawan ko. Huminga ako nang malalim at kaagad na pinulot ang mga ito nang biglang...

"Dalia?"

Isang familiar na boses ang narinig ko. Natigilan ako sa pagpulot ng mga nabitawan ko at kaagad na tinungo ang aking ulo. Bumilis lalo ang kabog ng dibdib ko nang makumpirma ko ang hinala ko. Shit!

"Ate?"

Nasa harapan ko si ate Aemielle kasama niya sina Wanco at Vianna. Nanlaki ang mata ko at dali-daling napatayo.

"W-what are you doing here?!" mahinang sambit ni ate na may halong galit. "Bakit ganiyan ang itsura mo?!"

"Ate let me expl—" Napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtantong hindi ko kailangan magpaliwanag sa kaniya. Wala naman silang pakialam sa akin. "Kailan pa kayo nagkaroon ng paki sa akin?"

"Oh. She's your sister," usisa ni Vianna. "Kaya naman pala hawig kayo."

"How dare you Dalia?" supladang sambit ni ate. "Ano bang pinagmamalaki mo ah? At sumasagot ka na ng ganiyan ngayon."

"Wala ate... Wala akong pinagmamalaki!" galit kong sambit.

Nagsimula nang mamula ang mga mata ko at kumislot ang puso ko. Mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib ko na para bang kahit ano'ng oras ay sasabog ako.

She laughed sarcastically before she speak again. "You're right. Kailan ka pa nga ba nagkaroon ng ipagmamalaki 'di ba. Umalis ka ng bahay para tuparin ang pangarap mo, but look at you now."

Napahawak ako sa dibdib ko habang pinipigilan kong h'wag tumulo ang mga luha ko. Ayokong ipakita sa kaniya na nakakaya niya lang ako.

"Ano 'yan? Tomboy ka na?" Tumawa pa ito. "Ayan ba ang gusto mo?"

"No Aemielle." Biglang singit ni Wanco. "She's not a lesbian. Ginagawa niya lang ito para makapagtrabaho siya upang makapagtapos ng pag-aaral. Also to help Gonnie."

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now