Chapter 12: I am Crying

112 14 3
                                    

D A L I A

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

D A L I A


Search: Gynophobia

Results found:

- Gynophobia is an irrational fear of women that causes anxiety when around women and, in some cases, the desire to avoid interactions with women.

Napabuntong-hininga ako matapos basahin ang tungkol sa phobia ni Gohan. Marami pa akong na searched na iba't ibang definition tungkol sa phobia na ito, pero halos pare-pareho lang ang mga sinasabi, A fear of women. Kaya pala ayaw niya sa babae. Ano kayang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng ganoong phobia? Sa pagkakarinig ko kanina sina Traze at Vianna daw ang dahilan kung bakit siya nagka-phobia. Ano kayang nangyari?

Nasa'n kaya ang mama ni Gohan? Wala ba siyang kinalaman sa pagkakaroon ng phobia ni Gohan?

"They are all the same!" Naalala ko naman yung sinabi niya na pare-pareho daw ang mga babae, mga sinungaling daw lahat. Kasama ba ang mama niya doon?

"Hays," I sighed.

Ang daming tanong sa isip ko na sa tingin ko ay hindi na masasagot. Kawawa naman si Gohan. Dahil sa phobia niya, nalilimitahan ang mga maaari niyang gawin. Hindi siya nakakalabas ng maayos, hindi siya maaaring makipag-interact sa kung sino. Hindi niya ma-explore ang ganda ng mundo.

Para sa akin maganda parin ang mundo. Tao lang naman ang nagpapangit sa mundo e. Pero the world itself, it is beautiful.

Sa tingin ko ang mga tanong na 'to ay mananatili na lamang sa isipan ko dahil malabo ng masagot ito. Nag decide na ang tatay ni Gohan na si sir Gion na h'wag na akong magtrabaho sa K's resto. Nakakatawa lang isipin na natapos ang pagtatrabaho ko na hindi man lang nalalaman kung ano'ng ibig sabihin ng K's resto.

Sana maging maayos si Gohan. Knowing na may heart disease din siya, mas lalo siyang mahihirapan sa 'pag manage ng kanyang phobia.

Ano kayang cure sa phobia niya? Is there any cure for that?

Search: How is gynophobia treated?

- The majority of people with gynophobia receive their treatment in the form of therapy sessions. Gynophobia is treated primarily with psychotherapy, which is also called talk therapy. Exposure therapy and behavioral therapy are the two most common forms of psychotherapy used to treat gynophobia. Medication may also be used as part of the treatment plan for gynophobia...


Binasa ko pa ang ilang mga pwedeng makatulong kay Gohan para ma overcome niya ang phobia niya. Hindi ko alam ba't ko pa ginagawa 'to, knowing na hindi ko naman na siya makakasama.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن