Chapter 7: Stolen Recipe

162 14 1
                                    

D A L I A

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


D A L I A

Naalimpungatan ako nang marinig kong walang tigil sa pagtunog ang doorbell.

5:30 am.

Sino namang taong manggigising sa amin ng ganitong oras. Hindi naman kami close sa mga kapitbahay namin dito.

Hays.

Bumangon ako at padabog na umupo sa gilid ng aking kama. Teka? Nasan si Klioh?

"Klioh?" Sambit ko sa pangalan niya. Baka nasa CR lang siya.

Muling tumunog ang doorbell. Hays. Napakamot ako ng ulo at padabog na naglakad para buksan ang pintuan.

Nang mabuksan ko ito ay bumungad sa 'kin ang dalawang kapatid ni Klioh. Si Avriel at Nana.

"S-sorry hehe," paumanhin ko sa kanila.

Nginitian ko sila. Gosh Dalia, nakakahiya. Kanina pa sila naghihintay.

"Okay lang hehe," sagot ng binatang kapatid ni Klioh.

"Ate Dalia!" Malakas na sambit ni Nana at bigla akong niyakap. Ang sweet talaga ng batang 'to.

Napatitig ako ng ilang segundo kay Nana. Hays, kumusta na kaya si Namie?

"Tuloy kayo," sambit ko. Naglakad na kami papasok.

"Nga pala, ang ate Klioh niyo kasi... pag-gising ko wala siya e." Paliwanag ko. "Pero baka mamaya lang e nandiyan na siy-"

"Mm, pinapabigay ni ate Klioh 'to ate Dalia." Putol sakin ni Avriel.

Napatingin ako sa inaabot niya, isang papel.

"A-ano 'to?" Tanong ko.

"Dumaan kagabi si ate Klioh sa bahay at sinabing ibigay namin sa'yo 'yan." Paliwanag nito. "Dito na din daw muna kami mag-stay ni Nana."

"H-huh? B-bakit? Ano daw dahilan?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi niya sinabi e, basta ang sabi niya mas makakabuti daw na dito na lang kami mag stay ni Nana sa condo niya."

Napabuga ako ng hangin. Napatingin ako sa hawak kong papel na nakatupi sa dalawa. Binuklat ko ito at binasa ang nakasulat.

Please take care of my siblings. I trust you Dalia. I'm sorry if I can't tell everything to you, but I assure you that, this is for all of us.

Huminga ako ng malalim matapos mabasa ang nakasulat. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Klioh. Saan siya pumunta?

Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa mesa na katabi ng lampshade. Kaagad kong dinial ang phone ni Klioh ngunit boses ng customer service ang narinig ko.

Ano'ng nangyayari kay Klioh?

"Ate Dalia, okay lang ba si ate Klioh?"

Napatingin ako kay Nana na kasalukuyang nakaupo sofa. Kahit na bata pa lang siya ay pansin kong alam niyang hindi okay ang nangyayari.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon