Chapter 18: Eyes

105 14 11
                                    

(2 days before Nana's Birthday)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(2 days before Nana's Birthday)

D A L I A

••••

Mula nang maging assistant chef ako ni Gohan ay palagi na akong nags-stay sa kitchen area kasama siya.

Mas naging close ko na rin si Doc Jayci dahil sa kalokohan niya rin kagaya ko, kaya naman asar na asar si Gohan sa amin tuwing magkasama kami.

Napatingin ako sa aking wristwatch bago sumakay sa aking scooter. Malapit na mag 6:00 PM. Kailangan kong makarating sa K's resto ng maaga.

Nang makasakay ako ay dali-dali ko na itong minaneho at naging maayos naman ang biyahe ko. Ngunit nang medyo malapit na ako ay biglang huminto ang bwisit na scooter ko.

"Pusang gala!" Napasigaw ako dahil sa inis.

Ngayon pa talaga kung kailan nagmamadali ako. Napatingin ako sa wristwatch ko. 5:45 PM na, 15 minutes na lang ay late na ako.

Bumuntong-hininga ako bago kunin ang phone ko nang tumunog ito.

Gohan:

Ang tagal mo tombs!

Dati mas maaga ka pa sa alas-sais.

Napasinghal ako nang mabasa ang messages ni Gohan. Napakamainitin talaga ng ulo ng mokong na 'to.

Me:

Sorry sir Gohan, nasiraan kasi ako.

Matapos kong magreply ay bumaba ako sa scooter ko at pinarada ko ito sa gilid ng isang convenience store.

Inusisa ko ang scooter ko. Nagbabakasakali na baka magawa ko ito ng ako lang mag-isa. Pero napangiwi ako nang 'di ko man lang 'to napagana.

"Bwisit ka!" Sigaw ko.

Napatitig ako sa kaniya, ang dami na rin naman napagdaanan ng scooter na 'to. Naalala ko pa ng binili ko ito sa isang buy and sell group sa facebook. Pinag-ipunan ko pa ito para mabili ko siya. Magfo-four years na din ito sa akin.

Napatingin ako sa phone ko nang muli itong tumunog. Napangiti ako nang mabasa ko ang message ni Gohan.

Gohan:

Where are you right now? Papunta na ako.

Kaagad ko naman sinend sa kaniya ang location ko. Umupo muna ako sa mga upuan dito sa convenience store habang hinihintay siyang dumating.
Siya na daw bahala magpagawa ng aking scooter. Parang shira!

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now