Chapter 4: Knife

212 16 4
                                    

D A L I A

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

D A L I A

Araw ng sabado kaya wala akong pasok sa school. Isang linggo na akong nagtatrabaho sa K's resto. Tuwing weekdays panggabi lang ako at tuwing weekends naman ay 12:00 PM to 12:00 AM ang schedule ko. Ito ang unang sabado ko dito.

Ang dami ngang customer mula kanina e. Kapag may umalis, ilang minuto lang may dadating na bago. Edi sana lahat, may dumadating na bago no. Aha, as if may lovelife ako kung makapagdrama.

Nagdecide ako magpatuloy sa pagtatrabaho dito dahil nga kailangan ko talaga ng pera. Tsaka nakapagpirma na din ako ng contract.

Tinanong ko kay Klioh ang tungkol sa murder case na nakita ko sa internet nung nakaraang linggo, pinuntahan ko kasi yung site pero wala akong makita ni ano, blank page ang nakita ko. Ang sabi ni Klioh hindi daw totoo 'yon at case solved na daw 'yon, wala daw murder na naganap dahil inatake daw sa puso kaya nabagok ang ulo ni Aminah Caster nang malaman ang balita tungkol sa nanay niya, na isinugod ito sa hospital.

Sa loob ng isang linggong naging maayos naman ang pagtatrabaho ko dito. Mula nang mangyari yung insidente sa office ni Gohan ay hindi ko pa siya ulit nakikita. Ganun daw talaga si Gohan, sa office at kitchen area lang daw siya lagi. May sarili daw pintuan si Gohan sa office niya na direct sa kitchen area.

"Good afternoon mam, here's your order. Enjoy your meal." Bati ko sa babaeng customer na may kasamang batang babae.

Napatitig ako ng ilang segundo sakanila bago umalis. Kumusta na kaya si Namie.

"Tita Dalia, don't leave me please." walang tigil sa pag-iyak si Namie.

"I have to go baby, babalik ako promise."

"Promise?" tanong niya.

"Promise."

Huminga ako ng malalim matapos maalala ang pamangkin kong si Namie. Miss ko na siya. Kahit na 6 years old pa lang siya noon ay pinaramdam na niya sakin kung gaano ako kahalaga sakanya.

"Excuse me, miss?" Napalingon ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko habang kasalukuyan akong nakatayo sa tabi ng counter at naghihintay ng ibang order na ise-serve.

Bumungad sakin ang napakaganda at napakatangkad na babae. Nakasuot ito ng fit na dress at nakatali ang kulot niyang buhok.

Nginitian ko siya bago nagsalita. "M-mister po hehe." Hindi kasi ako pwedeng umasta bilang babae dito, kailangan kong panindigan ang pagiging lesbian ko. "Yes po mam? Ano pong kailangan niyo?"

"Hmm," she smiled pero parang nagdududa siya sa sinabi ko. "Pwede ko bang makausap ang boss niyo?"

"N-naku hindi ko po-"

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now